EPISODE 8

1339 Words
Chapter 8 ~ Deal Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang kaisa-isang demonyong kilala ko. Ay hindi pala, marami pala sila kaya lang siya ang pinakamalala. He is the most annoying jerk I ever met! Naiinis ako sa presensya niya, naiinis ako sa pagkatao niya. Nakakainis siya! Luckily habang naglalakad ako nakasalubong ko si Grey, the gadget freak. Kasama niya si Ivan na madaldal at childish. Dahil sa pags-stay ko sa kanila for one night nakita ko kung gaano kadami ang gadgets niya. I swear, ang dami niyang collection! "Hoyy Grey! Kausapin mo naman ako! Bored na talaga ako wala akong kausap!" pangungulit ni Ivan kay Grey. For sure kanina pa naa-annoyed si Grey. "Stop it," annoyed na sabi ni Grey pero hindi pa rin natinag si Ivan sa pagyugyog sa kaniya. Nangulit pa rin si Ivan kaya— *blaag* Nahulog ang iPad ni Grey at dahil malakas ang impact, may mga c***k sa screen nito. Tinapak-tapakan pa ni Ivan ng iPad. Imbis na makonsensya si Ivan, bigla siyang ngumiti. Isang malapad na ngiti ng tagumpay. "Yehey! Nasira ko ang iPad mo! So now, kwentuhan muna tayo!" excited na sigaw ni Ivan. He was about to tell a story pero biglang naglabas si Grey ng cellphone at naglaro na naman. "Naman eh! Pansinin mo naman ako! Ba't ba kasi hindi nauubos ang gadgets mo?!" inis na sigaw ni Ivan. Wala ba siyang ibang pagkakaabalahan kundi disturbuhin ang ibang tao? Lumapit ako sa kanilang kinaroroonan. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Ivan nang makita ako at tinignan lang ako ni Grey at nagpatuloy sa paglalaro ng phone niya. "Yehey! May makakausap na ako sa wakas!" masayang sigaw ni Ivan at lumapit sa akin. Nilayuan ko siya at nilapitan si Grey. Buti naman at hindi masyadong annoying ang isang 'to. "Have you seen Ferrer?" tanong ko kay Grey. Umiling naman siya. Hayy, saan ko naman mahahanap ang lalaking yun? Ayy, baka sa impyerno? Diba doon naman naninirahan ang mga demonyo? Pero ang tanong, nasaan ang impyerno? "Ako Langit! Alam ko kung nasaan siya!" sabi naman ni Ivan. Buti naman at alam ng isang 'to kundi mahihirapan ako sa paghahanap. "Where?" tanong ko. Ngumisi siya sa akin at umiling. "Ilibre mo muna ako ng lollipop!" sigaw niya. Mababasag ang ulo ko nito! Help me! Malala na ang kasama ko parang awa niyo na. "Wala ka bang pera?" inis na tanong ko. Umiling naman siya saka nagpuppy-eyes. "Sige na! Maawa ka sa akin! Nakatira lang po ako sa kalsada!" pagmamakaawa niya. Ba't ba masyado siyang desperado sa lahat ng bagay? Una, desperado siyang magkaroon ng kausap! Pangalawa, desperado siyang magkaroon ng lollipop! "Fine! Basta ituro mo sa akin kung nasaan si Ferrer!" sabi ko. Para naman siyang batang tumango sa sinabi ko at sumunod sa akin. Nakangiti pa siya na parang tanga at parang asong bumuntot sa akin. Bumili na ako ng isang lollipop at binigay sa kaniya. Umiling siya at sumimangot. Ano bang problema ng batang 'to? Binilhan na nga ng lollipop diba? "Gusto ko isang pack!" pagmamaktol niya. What?! Hindi ba masisira ang ngipin niya kung solo niyang kakainin ang lollipop? Nasisiraan na ba siya? "Palagi naman akong nagto-toothbrush eh!" sabi niya as if reading my mind. Ganyan ba talaga ako kadaling basahin o may supernatural powers siya? "Fine!" sabi ko at bumili ng isang pack. Para naman siyang timang na nakangiti habang nagtatalon sa tuwa. "Thank you Langit! Bestfriend na kita!" sabi niya habang nagtatalon-talon. Kabilang ba siya sa pinakamalakas na gang sa school na 'to? Ba't parang hindi? "Shut up. I will never be your bestfriend. Saan si Ferrer?" tanong ko sa kanya. Hinila niya naman ako papunta sa rooftop. "Ano naman ang pag-uusapan niyo?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Tsismoso talaga ang gangster na 'to. "I see, magtatapat ka?" tanong niya. Kung may kinakain lang sana ako edi sana nabilaukan na ako. Ako? Magtatapat sa demonyo? Ayoko nga! "You just got the wrong ide—" "Alam mo, marami na ring babae ang nareject ng lalaking yan kaya mag-ingat ka. Masyado pa namang mataas ang possibility na i-reject ka niya," sabi niya. Uggh! Putulin ba naman ang sasabihin ko? "Hindi naman talaga ako magtatapa—" "Goodluck Langit! Boto ako sa inyong dalawa!" sigaw niya at bumaba. Edi sana hindi nalang kita binilhan ng lollipop you freak! Dahan-dahan akong naglakad papasok sa rooftop. Wala namang tao eh! Akala ko ba andito si Ferrer? Don't tell me niloloko ako ng batang yun? "What do you want from me?" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko yun. May balak ba siyang patayin ako sa gulat? Ilang minute pa ang na-consume ko bago nagsalita. He raised his eyebrow na parang hinihintay akong magsalita. Sandali lang naman, hindi pa ako nakaka-recover sa panggugulat mo. "I am here to make a deal," pagsisimula ko. Wala man lang siyang reaction sa sinabi ko. Para akong nakikipag-usap sa isang bato o di kaya'y sa isang dingding. "Want me to be your boyfriend?" nakangising tanong niya. Ugggh! Nakakabwisit talaga ang demonyong 'to pati na rin ang buong Trinities! Ba't ba ganyan ang unang pumapasok sa isip nila? Diba ganun 'yon sa fiction? The girl would request the boy to become her boyfriend even if it's fake. Tapos mahuhulog ang loob niya at magpapakalayo kay boy dahil hindi ito tama. Then malalaman niya na may feelings si boy tapos tadaa! Rakrakan na. "I want to request something from you," sabi ko. Tumawa naman siya ng malakas. He's laughing as if he is mocking me. "I don't accept requests," sagot niya. Tignan lang natin kung makakatanggi ka sa susunod kong sasabihin. "Kung hindi mo tatanggapin ang request ko ipagkakalat ko sa buong campus ang tungkol sa inyo ni Kate," sabi ko ngunit parang hindi tumalab sa kanya. "Go ahead. I don't care," sagot niya. I don't care pala ha? Tignan ang natin. "Or what about ipagkalat ko ang narinig ko noong time na binugbog niyo ako? That sounds better," nakangisi kong tanong. Remember the first time I met them? When they thought I was a boy back then? Sa totoo lang, wala naman akong narinig eh. Ang narinig ko lang ay pinagbantaan nila ang lalaking binugbog nila. Biglang nagbago ang aura niya. Ang seryoso niyang mukha mas lalong sumeryoso. Uh-oh, parang mali yatang i-blackmail siya nang ganito. Baka tuluyan na akong mamatay. "If you do that I'll kill you," sagot niya. Kahit nanginginig na ang tuhod ko sa kaba I still managed to stand in front of him. Ikaw pa Sky! Ang ganda mo kaya! "If you lay a finger on me malalaman ng lahat ang sekreto ng Trinities," sagot ko. He laughed evilly. Fudge! Ba't parang kinilabutan ako sa tawa niya? Nakakapanindig-balahibo! "How can you even do that? You will be dead before you expose it," sagot niya. Now it's my turn para tumawa ng malakas. Mas malakas pa sa kulog at kidlat. "You think I don't have someone to tell everything?" nakangising sabi ko. He clenched his fist. "Liar," sabi niya. Totoo namang liar ako eh! As if naman honest siya, tsk. "Kung ayaw mong maniwala edi wag. It's your loss, not mine," nginitian ko siya saka tumalikod. I started counting. In three... Two.... One— "Fine! What do you want?" inis na sigaw niya. Sabi na nga ba, kakagatin niya ang bitag ko. Akala ko mahihirapan ako sa isang 'to pero mali pala. "Simple lang naman. Be good to me at huwag mo akong hayaang masaktan physically or emotionally. Protect me like I'm your queen and you are my loyal servant," sabi ko. Nakita kong napapikit siya sa inis at halatang nagtitimpi. "Alam mo naman ang consequence kung lalabag ka diba?"  "Make sure you keep your lips sealed," galit na sabi niya. I patted his shoulder ngunit tinabig niya ang kamay ko ng malakas. Tumawa ako ng malakas. "Don't worry, you can trust me," sabi ko at tinalikuran siya. Tuluyan ko ng nilisan ang rooftop na may ngiti sa labi. Finally, ako naman ang may hawak sa leeg mo ngayon. (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD