EPISODE 17

1306 Words
CHAPTER 17 - Game Starts Dalawang araw na ang nakalipas simula noong nag-sorry ako kay Kate. May kasalanan naman talaga ako kaya hindi ako magsisising nag-sorry ako sa kanya kasi nag-sorry rin naman siya. Pero hindi ko naman gagawin sa kanya 'yon eh kung hindi niya ako kinulong doon sa Punishment Room. Nakakainis rin dahil palagi akong inoobserbahan ni Dave Cortez. Naghihinala siya sa pagkatao ko. Ako nga ay nangangati nang tanungin siya kung bakit close siya kay Blake at parang kilala niya ang pamilya ko. Bigla kong naisipang dalawin si Kate. I just want to ask her a question. Since siya ang Student Council President, alam kong may alam siya sa nangyari 3 years ago. Hindi na ako kumatok dahil hindi naman naka-lock. Nakita ko siyang nakaupo sa desk niya at may pinipirmahang paperworks. Alam kong ramdam niya ang presensya ko pero hindi siya lumingon sa akin. "Hindi ka ba marunong kumatok?" kalmadong tanong niya pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin. I rolled my eyes. "Hindi porket hindi ako kumatok hindi na ako marunong. Common sense nga," sagot ko sa kanya. She placed her pen on the table at binitawan na rin ang papel na hinahawakan niya at lumingon sa akin. "What do you want?" tanong niya. I smiled widely saka pinakita ang picture ng kapatid ko. Halatang nagulat siya sa nakita niya. "B-Bakit may p-picture ka ni—" "So you indeed know this girl. Sino siya?" seryosong tanong ko. Paanong hindi niya malalaman eh Student Council President siya? "B-Bakit mo siya kilala?" nauutal na tanong niya. The way she answers gives me a hint na parang may alam siya sa nangyari. I smirked at her at lumapit sa kaniya. "Don't be too obvious, Kate Mendez, I was just asking you," I said. Napaiwas siya ng tingin at halatang kinakabahan pa rin. I continued, "Kilala? That's why I'm asking you kasi di ko siya kilala. Nakita ko lang ang picture na 'to sa dorm." "I was curious sa nangyari sa Verzalias High three years ago. Someone told me na may namatay raw, her name is Kathleen Davis. Siya ba ang nasa picture?" tanong ko at muling ipinakita sa kanya ang picture. She froze. Nanginginig ang kamay niya. Namumutla siya. Sabi na nga ba, may kinalaman ang babaeng 'to.  "W-Why would I tell you?" tanong niya sa akin. I smirked. "May rason ba para hindi mo sabihin sa akin? Don't tell me may tinatago ang paaralang 'to?" nakangiting sabi ko. She can't even look at me in the eye. Para siyang nanginginig kaya tinapik ko siya sa balikat na siyang ikinagulat niya. "Don't be nervous Ms. President, tinanong lang naman kita," I said and smiled meaningfully saka lumabas ng office niya. Bago ko pa isara ang pintuan, I heard her saying something. "I'm telling you, it won't be good for you to know what happened 3 years ago," sabi niya at halatang kumalma ng konti. "Stay away if you still value your life." "Shut your hole btch, malalaman ko rin ang tinatago mo," galit na sabi ko at malakas na ibinagsak ang pintuan. Hindi ko namalayang napunit ang picture ni Kathleen. Hindi ko na napigilang itago ang galit. How could they keep this secret from anyone? Bakit nila tinatago ang nangyari? Hindi ba sila nako-konsensya?! Malalaman ko rin ang sikreto mo Kate. ____ Agad akong kumuha ng tubig sa dispenser. Halos hindi ako makahinga. P-Paanong kilala niya ang babaeng 'yon? Kaunti lamang sa campus na ito ang nakakaalam sa nangyari noon and for Pete's sake! She's just a newbie! Paanong may nalalaman siya? I decided na sasampahan ko siya ng kaso. Attempted murder to be exact. Kung magfa-file rin siya ng case laban sa akin hindi na problema 'yon. Sino ba namang maniniwala sa kanya? I laughed with that thought. Siyempre walang taong maniniwala sa isang troublemaker, b***h, and a famewhore! Mas paniniwalaan nila ang isang taong kagaya ko. "Kate Mendez," I froze nang marinig ko ang boses na yun. H-Hindi maaari! Alam ko kung kaninong boses yan. Hindi ako magkakamali. Please, not now! "A-Anong kailangan mo?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko maiwasang matakot sa presensiya niya. She is the real definition of the word 'devil' and a ' monster'. "That girl is interesting," sabi niya. Kumunot ang noo ko. I tried to look for clues kung sino ang taong nasa likod ng maskara ngunit hindi ko ma-identify kung sino siya. "S-Sino ang ibig mong sabihin?" tanong ko. Inakbayan niya ako kaya mas lalo akong nanginig sa takot. She's injecting fear on my system effortlessly! "That Skyler Lee. You know, the one seeking for the gate towards hell," sabi niya at alam kong nakangisi siya ngayon kahit hindi ko makita ang mukha niya. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na aakalain mong naka-akbay sa akin pero masyadong mahigpit ang pagkaka-akbay niya. Parang sinasakal ako. "B-Bitawan mo ak—" "I thought we are friends, Miss President? How can I not touch a friend that I missed?" tanong niya. I glared at her. "Hindi kita kilala! Hindi tayo magkaibigan!" sigaw ko. Pilit akong kumawala sa kanyang mga bisig ngunit hindi ko pa rin magawa. Narinig ko siyang tumawa ng napakalakas, a laugh of a devil. "Ouch. Masakit 'yon ah, nakalimutan mo na bang ako ang tumulong sayo para sa posisyong ito?" tanong niya na kunyare ay nasasaktan. She touched the edge of my nameplate displayed on the table. I clenched my fist. Hindi ko hiningi ang tulong mo! "A-Anong kailangan mo? A-Akala ko ba hindi mo na ako gagambalain?" tanong ko. Narinig ko ulit ang tawa niyang parang demonyo. Mas lalo akong nanginig sa takot. Why can't I be brave? "Bawal na bang bumisita ang kaibigan mo?" tanong niya. I licked my lower lips to stop it from trembling pero hindi ko magawa. "Wala akong kaibigan," matigas na sabi ko. Hinawakan niya ang panga ko ng mahigpit. Masyadong masakit kaya napaluha ako. "I'm telling you, shut your mouth btch. Wala kang sasabihin. Naiintindihan mo?" malamig na sabi niya at mas lalong diniinan ang pagkahawak sa panga ko. Pilit akong kumawala pero mas malakas siya. "P-Please stop—" "You promise me first! Wala kang sasabihin, maliwanag ba?!" sabi niya at binitawan ang panga ko. Napahawak ako sa aking panga. "W-Wala akong sasabihin," nanginginig na sabi ko. Tumawa naman siya ng malakas. "Hahaha! Still weak as ever, Miss President!" she laughed at nanindig ang balahibo ko. In a snap, she turned to me with an angry face. "Okay na sana eh! Maayos na sana ang lahat kung hindi lang dumating ang kapatid ni Kathleen!"  Nagulat ako sa sinabi niya. K-Kapatid ni K-Kathleen? Sino ang tinutukoy niya? "S-Si Skyler Lee?" tanong ko. Nginitian niya ako na mas lalong nakapanindig ng balahibo ko. "Wow, finally you're using your head," proud na sabi niya. Napanganga naman ako. "I'm telling you, stop playing anymore! Tama na, okay? Hindi niya malalaman ang lahat so stop—" "How can you be so sure, Kate? Nanginig ka nga sa takot nang malaman mong may alam siya. She defeats you always." nang-aasar na sabi niya. I looked away. Tama na! I am better than that btch! "Let me play my game, Kate. Kung magiging balakid ka hindi ako magdadalawang-isip na tapusin ka," bulong niya. Tears fell from my eyes. I feel so hopeless, to think that a woman I don't know is defeating and killing me slowly. "Finally, I found the best player who will play my game. Don't you think the same?" nakangiting sabi niya. Nginitian niya ako ngunit bago pa siya makalabas ng office ko may sinabi muna ako sa kanya. "She can turn the tables, kaya huwag kang maging kampante," sagot ko. Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng office ko. I think I found the person who can help me. Skyler Lee. (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD