EPISODE 18

1312 Words
Chapter 18~ White Rabbit "Akin na nga yan!" "Ako kaya nauna!" "Kahit na! Ako naman may-ari eh!" "May ebidensiya ka ba?" "Kailangan ba talaga meron?" "Oo naman!" "Akin nga sabi 'to!" "STOP THAT, WILL YOU?!" Napalunok sila ng laway nang marinig akong sumigaw. Nakakairita na eh! They are so childish! Bakit naman nila pag-aawayan ang isang candy? Specifically, isang white rabbit candy? "Si Gianna nauna!" paninisi ni Jahara. Napataas naman ng kilay si Gianna. "Si Jahara kaya!" sigaw niya naman. "Ako na naman?!" "Ikaw naman talaga ah!" "Ikaw kaya 'tong obsess sa white rabbit candy!" "Wow! Look who's talking!" "Akin naman kasi ang white rabbit—" "I SAID STOP!" Natahimik ulit sila. Nag-peace sign pa si nerdy pero inirapan ko siya. Aanhin ko naman ang peace sign niya diba? Kung makakain lang sana edi kinain ko na pero hindi eh! "May alam akong taong makakatulong sa inyo," I said. Kumunot naman ang mga noo nila. "Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ni Gianna. I grinned at her. Hindi ko aakalaing magkakaroon ng silbi ang gangster na 'yon sa buhay ko. "Follow me bitches, my pupuntahan tayo." ____ "S-Sky, parang awa mo na! alam naming malaki ang kasalanan namin sayo pero please lang, sagipin mo kami!" pagmamakaawa ni nerdy habang nakakapit sa braso ko. Agad kong inalis ang kamay niya sa braso ko. "Wag nga kayong OA, pupuntahan lang naman natin si Ivan eh," sagot ko. Umiling naman sila ng umiling. "K-Kaya nga eh! M-Member kaya yun ng Trinities!" Gianna exclaimed. Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Hindi naman kasi halatang member siya ng 'pinakamalakas' na gang sa campus na 'to. That guy is obsess to sweets and is very talkative. "Akala niyo lang yun," sabi ko sa kanya at tinapik siya sa balikat. Nagtaka naman siya sa sinabi ko. "Y-You mean, hindi talaga siya member ng Trinities? Nagpapanggap lang siya?" tanong ni Jahara. I rolled my eyes. Slow talaga, tsk. "Whatever. Ayan na siya oh!" sabi ko at tinuro si Ivan na naglalakad papunta sa amin habang may nakasubong lollipop sa bibig niya. The lollipop addict is here. "Bakit mo nga pala ako tinawag Langit?" tanong niya. He keeps on calling me Langit and I hate it. Papalagpasin ko nalang ang pagtawag niya sa akin dahil may kailangan ako sa kaniya.  "May white rabbit candy ka ba diyan? Penge naman oh," sabi ko sa kanya. Umiling naman siya. "A-YO-KO! Malapit nang maubos yun no!" sigaw niya. Ngumuso ako. Duh, marunong din akong magpa-cute 'no! "Akala ko ba best friends tayo?" nagpapa-cute kong sabi. Papatunayan ko sa mundo na magaling rin akong mag-acting. Maybe I can surpass Angel Locsin! "Konti nalang meron ako eh!" sagot ni Ivan. Umiling naman si Jahara. "Sige na! Willing akong gawin lahat ng sasabihin mo!" sigaw ni Jahara. Nagulat naman ako sa biglang pagsingit niya. Is she that desperate to get a candy? Ang annoyed face ni Ivan napalitan ng isang smirk. Medyo nanibago ako doon. He looks like a different person for a moment. "Talaga lang ha?" sabi ni Ivan kay Jahara while smiling playfully. Ilang beses namang napalunok si Jahara habang unti-unting binitawan ang kamay ni Ivan. Mukhang mapapasubo ka ngayon Jahara. Teka, mukhang nakaka-green. Anong isusubo niya? Ugggh, you and your fvcking thoughts Sky! _________________ "A-Ah, hehehe. T-Tara na Sky, di ko na kailangan ang white rabbit," sabi ng babaeng nakasalamin at pumunta sa side ni Langit. Nginisian naman siya ni Langit saka hinila ang babaeng kasama nila. "Tara na Gianna, may duty pa si Jahara," sabi ni Langit at unti-unting naglakad palayo sa amin. Susubukan na sana ni Nerd na humabol sa kanila pero hinila ko siya pabalik.  "Akala ko ba gagawin mo lahat na sasabihin ko kapalit ng isang candy?" nakangiting sabi ko. May kailangan kasi akong ipagawa sa kanya! Hindi ko kaya eh! Hindi ako marunong! "A-Ayoko na ng white rabbit candy. Paalam!" tatakas na sana siya kaya lang ipinakita ko sa kanya ang kahinaan niya. "Sayang pa naman 'to oh!" sabi ko at ipinakita sa kanya ang limang white rabbit candies na nasa kamay ko. Umiwas naman siya ng tingin sa mga candies at alam kong ilang beses siyang lumunok ng laway. Haha! Halata namang gusto niya eh! "E-Edi kainin mo," sagot niya habang nag-iiwas ng tingin. I know my candies are irresistible! "Ayoko! Gusto kong itapon!" umakto akong itatapon sa basurahan since malapit lang naman kami. Mukha namang gumana dahil pinigilan niya ako. "S-Sige! A-Akin na yan! A-Anong gusto mong gawin ko?" tanong niya. Yeheyy! Ang galing ko talaga! Masyado yata akong gwapo kaya ganun. "Halika! Sumunod ka sa akin," sabi ko at hinila siya. Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad na siyang pinagtaka ko. "A-Akin na muna yang candies para makasiguro!" sabi niya at inagaw sa akin ang mga candies. Hinayaan ko na lang siya kasi kung babalakin niyang tumakas I can stop her. Member kaya ako ng Trinities! "Bilisan mo sa paglalakad! Malapit na tayo!" sigaw ko at mas lalong binilisan ang paglalakad. Para ko na siyang kinakaladkad kasi naman ang bagal niyang maglakad. Masyado ngang malamig ang mga kamay niya eh. Bakit naman siya kakabahan eh hindi naman brutal ang ipapagawa ko sa kanya? Siguro masyado lang talaga akong gwapo at cute, adorable, and lovable. "Huwag ka ngang kabahan!" sigaw ko sa kanya. Huminto kami sa lugar kung saan ko nakita si Lee Min Ho. "A-Anong ginagawa natin dito?" takang tanong niya. Tinuro ko sa kanya ang kinaroroonan ni Lee Min Ho. Mas lalong kumunot ang kunot niyang noo. "Tulungan mo naman akong alagaan si Lee Min Ho! Sige na!" pagpupumilit ko sa kanya. "Lee Min Ho ang pangalan niya?" tanong niya. Tumango ako. "Bakit naging pusa ang oppa ko?!" galit na sigaw niya. Kumunot naman ang noo ko. Sino ba kasi yang Lee Min Ho na yan bakit maka-react siya wagas? Nalaman ko lang kasi na sikat raw ang Lee Min Ho kaya yun ang ipinangalan ko sa kanya. Yung pusa kasi parang Korean, masyadong maputi at singkit pa ang mga mata kaya Lee Min Ho ang ipinangalan ko. Wala naman akong kamalay-malay na ganun pala siya kasikat. "Basta tulungan mo akong alagaan siya kundi makikita mo ang isang tunay na Ivan na member ng Trinities," pagbabanta ko sa kanya. Nakita ko namang natakot siya sa sinabi ko kaya once again napalunok siya ng laway. Gusto kong tumawa deep inside. Ang cute lang ng expression niya! Bawal kasing mag-alaga ng hayop sa loob ng campus kaya itinago ko siya dito sa likod ng abandoned building. Nakita ko kasi siyang hinahabol ng bad guys kaya iniligtas ko siya. Ayokong inaagrabyado ang mga cute 'no! "Diba bawal mag-alaga ng mga hayop?" tanong niya. Tumango ako. Iyon din ang tanong ko eh, bawal ang mga hayop sa campus pero andun si Renzo. Hayop kaya 'yon! Hahaha! "P-Payag na nga lang ako!" napipilitang sagot niya. Ngumiti ako ng malapad. "Yeheyy! Ano nga ulit ang name mo?" tanong ko. She pouted na parang may nasabi akong mali. "Nakikipag-deal ka sa taong di mo naman kilala. Paano kung mapahamak ka? Buti naman at mabait ako." sagot niya. Mabait pala siya? Di halata ah! "Kaya nga sabihin mo na sa akin ang pangalan mo para makilala kita!" pagmamaktol ko. Ang tanga rin ng babaeng 'to eh, buti na lang ang talino ko. "I'm Jahara," sagot niya at umiwas ng tingin. Sus, Jahara lang naman pala eh. "I'm Ivan," pagpapakilala ko. I showed my teeth as I smiled. Siyempre proud ako dahil isa akong Colgate user. "I know you already," sagot niya. Oo nga naman, sa kasikatan kong ito, hindi ako makikilala? Saka ang gwapo ko kaya! "Then take this lollipop as a sign of my trust in you," sabi ko at ibinigay sa kanya ang lollipop. Kunot-noo niyang tinanggap ito. "What do you mean?" tanong niya. Nginitian ko nalang siya at inabot ang aking kamay. "Let's be friends." (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD