EPISODE 16

1839 Words
CHAPTER 16 – APOLOGIZE "Oy! Pakiabot nga ng dustpan." Agad kong inabot kay Gianna ang dustpan na nasa gilid ko. Urgggh! We ended up cleaning all the comfort rooms this school have! Kung alam ko lang sanang maglilinis ako dito edi sana hindi nalang ako sumama sa kanila. Nahuli kami ng Student Council na paggala-gala sa Dark Forest. Bawal gumala doon kaya naparusahan kami. Mabuti na lang at hindi natuklasan ang secret passage at hindi kami nahuling lumabas. "Sabi ko naman kasi sa inyo eh, dapat naghanda tayo ng posibleng rason," sabi ni Jahara habang nagma-map sa sahig. I rolled my eyes. For sure stupid suggestion lang ang meron siya. "Reasons like what?" tanong ni Gianna na parang curious na curious sa idea ni Jahara. Pareho lang naman silang dalawa eh, tsk. "Katulad ng nahulog ang kuto ni Gianna kaya hinanap natin sa forest, or Sky is craving for frogs kaya naghanap tayo ng palaka sa kagubatan, or may na-sense tayong duwende kaya hinanap natin upang ialay kay Super D," What the--wala na ba siyang ibang matinong rason? "Ang titino ng mga rason mo 'no?" sarcastic na tanong ko. Hinampas naman ako ni Gianna sa balikat kaya I glared at her. Nag-peace sign naman siya sa akin. Feeling close masyado, tsk. "Ang gaganda kaya! Dapat ginawa natin yun eh. You're really smart bes!" defense naman ni Gianna. Nag-apir pa silang dalawa sa harap ko. At talagang pinagtanggol niya pa? "Oo naman. Ako pa," I rolled my eyes. "Linisin niyo na nga yan," I said and started wiping everything I can wipe.  "Ano ba yan Sky! Wala ka pang nalinis?" inis na sabi ni Gianna sa akin. I raised an eyebrow on her. "Ang lilinis na kaya ng limang square tiles na to oh, and I already wiped the mirror," I said and rolled my eyes. Duh, may future ako sa paglilinis 'no. I can be the best janitor ever! "Limang square tiles? Ang daming tiles sa cr na 'to tapos lima pa ang nalinis mo?" Gianna asked in disbelief. I rolled my eyes. "At least may nalinis diba?" singit ni Jahara. I laughed at Gianna. "Sige, pagtulungan niyo ako," sabi ni Gianna. Tumawa lang kami. "But you know what Sky, this is the first time that I heard you laughing," sabi ni Gianna. Natigilan ako sa sinabi niya. Did I just really laugh? "Ulol," I said at tumahimik na. The happy atmosphere a while ago just died. "Wala akong sinabing masamang tumawa Sky, and I guess you should stop masking your emotions like what you're doing with the walls your building to us," mahinahon na sabi ni Gianna habang nakangiti. Hindi ako sumagot at hindi na lumingon sa kanila. "Oh Sky, natahimik ka? May problema ba?" Gianna asked me worriedly. Nagpatuloy ako sa paglilinis at hindi sila nilingon. "Nothing," I said and continued to wiped the tiles. I know I am starting to open my heart for them. Will they hurt me? Because I can hurt them. I should keep my distance to them. They still don't know me and they should not know who I am. Keeping my identity as a secret is a must. Someone entered the comfort room with his dirty shoes on. Urgggh! Yung tiles na nilinis ko nadumihan ulit! When I looked at the guy mas lalo akong nainis. What the hell is he up to again? "Come with me," Renzo said and pulled me up. I glared at him at agad na binawi ang kamay ko mula sa kanya. "Ano ba! Lilinisin ko pa yung dinumihan mo," I said irritatedly. The two girls gasped na parang hindi makapaniwala sa inasta ko. What? Anong ginawa kong mali? "Both of you, the bestfriends of this girl," he said to the two and pointed at me. I glared at him. "Clean the comfort rooms without her." "O-Okay po," sabi ni Jahara at yumuko. What's with the 'po'? Matanda na ba 'tong kasama ko? "Good," sabi niya at hinila ako palabas. Nagpupumilit akong kumawala sa kanya pero sadyang napakalakas niya. Nakakaasar talaga ang presensya ng lalaking 'to! "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" I yelled at him. Bakit ba palagi niya na lang akong hinihila? "Shut up," he answered at hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Mas lalo akong nainis.  "Saan mo ba ako dadalhin?" inis na tanong ko. Hindi nalang ako nagpumilit na makawala dahil for sure mas lalo lang akong masasaktan. Ayokong mag-effort dahil alam ko namang hindi ako makakawala sa kaniya. "Kate's awake," sagot niya. Agad kong kinagat ang kamay niya dahilan para bitawan niya ako. "Fck! What was that for?" galit na sigaw niya. Nakita kong nag-marka ang mga ngipin ko sa kaniya. I should be trembling in fear right now pero sadyang naiinis lang ako sa lalaking 'to. "Kung sinama mo ako para piliting mag-sorry sa kanya wag mo nang ituloy," seryosong sabi ko. "Sky--" "When you force a fart, it's probably a s**t," sagot ko. Lumayo ako sa kaniya. "Don't force someone to apologize, Renzo. Dapat bukal sa loob ang paghingi ng tawad." "You don't know kung ano ang kaya niyang gawin. She is the president of the Student Council, the highest organization in this school--" "Seriously? She is your pathetic lover Ferrer, dapat sa kanya ka mag-alala at kung meron man siyang gawing masama sa akin, I can handle myself. I'm not weak," inis na sabi ko. Bakit ba ang paningin nila sa akin ay mahina?! "Sky, magso-sorry ka lang naman, mahirap ba?" tanong niya. Wala siyang alam kung gaano ako nasasaktan sa tuwing naaalala ko ang word na 'yan. "What did you do to your sister?" "Dad I swear wala akong gina—" "Say sorry! Lumuhod ka sa harap niya!" "But dad—" Pinikit ko nalang ang mga mata ko. I'm tired of saying sorry. Paulit-ulit nalang eh! Kahit wala akong kasalanan ako pa ang lumalabas na masama! Yes, I'm freaking guilty! But I don't want to say sorry! "Sky--" "Fine!" inis na sigaw ko at tinadyakan siya. Nakakainis talaga! If only I can rip this jerk's head off I would have done it a long time ago! "s**t! This shoe costs thousands of dollars!" inis na sigaw niya. I smirked at him. "My apology costs billions of dollars, jerk. That btch is getting it for free, damn lucky," I said and rolled my eyes. Nauna na akong maglakad. Sinipa ko ang pintuan ng clinic at ngumisi nang makita ko si Kate na nakahiga sa kama. Bigla siyang nagulat nang makita ako. Nang makabawi, she immediately composed herself. Bigla akong naawa sa kanya. She seems so pale at para siyang lantang gulay. I can't even look at her straight. I did that to her, and I'm sorry. Masama akong tao, okay? Pero marunong akong maawa, marunong akong makaramdam, at marunong akong magpatawad. We all have our bad and good sides, at sayo naka-depende kung anong side ang ipapakita mo. For me to protect myself, I showed the world my bad side. "Sorry," I said without looking at her. Mabuti nalang siguro kung magso-sorry ako kaagad kaysa naman sa magtagal ako dito. "I don't need that word, Ms. Lee. I want you out of this school," sagot niya habang nakatingin sa dyaryong binabasa niya. I clenched my fist pero hindi ko pinahalata ang pagkaasar ko. "Paano kung ayoko?" nakangiting tanong ko. She smiled and that made me know why I should regret messing with her but sorry not sorry, I would not regret messing with her. "Then I will lock you in jail," sagot niya. I laughed out loud as if she just said something ridiculous and nonsense. "Nakalimutan mo na bang muntikan mo na rin akong mapatay Miss Student Council President?" nakangiting sagot ko. She clenched her fist at halatang nagpipigil siya ng galit. "Let's settle this with an apology, Miss Mendez. You did not even say sorry to me," nakangiting sabi ko. She looked away at halatang nandidiri siyang sabihin sa akin 'yon. "Sorry! Is that fine?" inis na sigaw niya. I smiled. "Then it's settled. Even though it's not sincere I'll accept it since it's not a big deal for me," sabi ko. Bago ko siya tinalikuran I smiled at her widely saka lumabas ng clinic. Mabilis akong naglakad at nilampasan si Renzo na nakasandal sa labas ng clinic. Hinabol niya ako at dahil mabilis siya nahawakan niya ako sa braso.  "What do you want again, jerk?" iritang sabi ko sa kaniya. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. "I already said sorry to your pretty girl. Stop bothering me." "Nakalimutan mo na bang girlfriend kita?" tanong ni Renzo at ngumiti sa akin na parang nag-aasar. Uggh! Ba't ayaw niya akong tigilan? "Ano ba naman kasing gusto mo?!" inis na sigaw ko. "If you want a punch then I'm willing to make you kiss my knuckles." "A goodbye kiss honey, I want that," sagot niya and looked at my lips. Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang tinulak palayo. Goodbye kiss?! "Tumahimik ka kung ayaw mong ma-ambulansya," nangigigil na sabi ko. He smirked saka tumalikod na. "Bye honey," pang-aasar niya sa akin saka naglakad palayo. Napamura naman ako ng malakas. Eww! Honey?! Eww! That's when I realized I just got the attention of everybody around us. "What are you looking at?!" masungit na sigaw ko. Agad naman silang umiwas ng tingin at agad na umiwas sa akin. I rolled my eyes and flipped my hair. Gosh, that jerk! Bumalik ako sa comfort room kung saan naglilinis ang dalawa. I was about to enter and have my grand entrance nang makita kong pumasok ang isang lalaki sa comfort room. The leader of the Dictators just entered the comfort room! "Why are you punished?" tanong niya sa dalawang babae. Halata namang na-mesmerize ang dalawa dahil hindi kaagad nakasagot. Seriously, what's so special about this bastard? "D-Dahil pumunta kami sa Dark Forest," Jahara answered and blushed. Ugh, they are obviously admiring this jerk.  "You went out, right?" tanong niya na ikinagulat ng dalawa. Bakit ba masyado silang halata! "Don't be scared, I know the way. I'm going out of the campus always." "A-Ah," sabi ni Gianna at tumalikod na. Obviously, nabuking na sila. Hindi sila magaling umarte! "Kasama niyo ba si Skyler Lee na lumabas?" tanong niya. Napalunok naman ako ng laway. Why is he asking them about me? Naghihinala na ba siyang ako ang babaeng kasama ni Blake kahapon? "Y-Yeah, pero hindi siya sumama sa amin, she separated," sagot ni Jahara. Ugh, mapapatay talaga kita! Huwag mo akong ibuking! "At saan siya pumunta?" tanong niya ulit. I don't think I can still hide and eavesdrop, so I entered the comfort room. "Are you admiring me, Cortez? Ask questions to me, hindi dapat sila ang tinatanong mo," I said at agad kinuha ang mop and started wiping the floor.  "Too much confidence, eh?" sabi niya. Nilapitan niya ako. I shivered when his lips touched my right ear. "Don't waste your confidence, Skyler Lee. I might find out your secrets." Fvck, this is bad. (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD