EPISODE 15

2084 Words
Chapter 15: Don't Go Out With the Girls Again (One week after) "Hoy! Sky! Gising!" s**t! Ayoko pa naman sa lahat 'yong ginigising ako. Ano na naman ba ang problema nila? "What the--ano ba!" agad akong napabalikwas ng bangon nang may kumiliti sa talampakan ko. I glared at the two. Weakness ko pa naman ang talampakan ko, may kiliti ako diyan eh. "Ano bang problema niyo?!" galit kong sigaw. Biruin mo ang lasing, wag lang ang bagong gising na mahilig sa saging. "Sabi ko na nga ba eh, ikaw kasi Ja, sige balik ka na lang sa tulog," sabi ni Gianna and motioned me to sleep. I rolled my eyes. Seryoso sila? Sa tingin nila ang daling matulog ulit after mong madisturbo? "Ano ba kasing kailangan niyo?!" inis na tanong ko. Napalunok sila. "S-Sama ka sa amin mag-mall? Saturday ngayon," natatakot na sabi ni Jahara and flashed an uncomfortable smile. What? Dinisturbo ako para lang yayain mag-mall? "Ayoko," inis na sabi ko at pinikit ulit ang mga mata ko. I'm not fond of shopping. Inuutusan ko lang ang iba na bilhan ako ng mga gamit dahil hindi naman ako maarte. I can wear anything. "Tara na Ja," yaya ni Gianna kay Jahara. Teka, magma-mall sila? May mall ba dito sa paaralang ito? Or wait, sa labas sila pupunta? "Paano kayo makakalabas?" tanong ko. Nanlaki ang mga mata ni Gianna at Jahara. Tinaasan ko naman sila ng kilay. Aba, mukhang may maganda silang gagawin ah! "S-Secret lang natin 'to ah, may secret way kasi para makalabas ng V.H. Siguro kami pa lang ni Gianna ang nakakaalam," sabi ni Jahara and placed her index finger sa kanyang lips. Agad akong napabangon at agad na kinuha ang towel na nakasabit. Nagtataka naman nila akong tinignan. I looked at them. "Wait for me btches, sasama ako," sabi ko at dali-daling naligo. It only took a few minutes para linisin ang sarili ko saka nagbihis. You know how much I love adventures. I hate the idea of shopping, but I love the way they escape in this university. I want to break rules, it's fun. "Tara na!" excited na sabi ko at lumabas na sa dorm. Nagkatinginan naman sila at agad na sumunod sa akin. "Now look who's excited," sabi ni Gianna. Naglalakad kami papunta sa forest. "Kanina umaayaw pa eh." "Ulol," I murmured and rolled my eyes. Wala pang masyadong mga estudyante na naglalakad dahil masyado pang maaga. "Now, saan ang sinasabi niyong secret way?" taas-kilay kong tanong. Ngumisi naman sila sa akin at hinila ako papunta sa isang sulok sa forest. Huminto kami sa tapat ng mga damuhan at gumagapang na mga halaman. Akala ko pinagloloko lang nila ako ngunit nang tanggalin ni Gianna ang mga d**o, isang gate na kinakalawang na ang sumalubong sa amin. Dahan-dahan itong binuksan ni Gianna at napatakip ako sa aking mga tenga dahil sa sound na pino-produce nito. Unang lumabas si Gianna at sunod naman ako. Si Jahara ang nagsara ng gate at dahan-dahang naglakad sa amin. Sumalubong sa akin ang mga puno at obviously, nasa isang gubat na naman kami. "Let's meet here before 5 p.m," sabi ko at tinignan ang watch ko. Kumunot naman ang mga noo ni Gianna at Jahara. "Hindi ka sasama sa amin?" nalulungkot na tanong ni Gianna. Tumango ako at naunang maglakad sa kanila. Hinawi ko pa ang mga d**o. Sumunod sa akin ang dalawa. 30 minutes ang nagdaan hanggang sa makarating kami sa isang sementadong daan, ngunit ang kataka-taka ay walang mga sasakyan o kahit isang tao man lang maliban sa amin. "Where's the cars by the way? Wala bang taxi?" tanong ko. Umiling naman sila Gianna. "You have to walk para makarating ka sa highway," sagot ni Jahara at inayos ang glasses niya. Sus, maglalakad lang naman pala eh ano namang masama- "What? Maglalakad?!" gulat na tanong ko. Tumango naman sina Gianna. Tinignan ko ang dulo ng daan but it seemed endless. Ang layo naman ng lalakarin namin! Hindi ako handa! We walked for more than an hour and I swear I am so exhausted. Laking pasalamat ko nang marating namin ang maingay na kalsada. May mga bus and other public transportation. I missed this noise, sa Verzalias High kasi walang kahit anong ingay na nanggaling sa kanila. Noon, naiirita ako sa ingay nila. I realized na nakaka-miss din pala. "Where's your cars?" I asked and crossed my arms. Don't tell me wala silang cars? Ano namang silbi kung nagyaya silang lumabas kung wala naman pala kaming masakyan? Naglabas sila ng coins. Kumunot ang noo ko sa ginagawa nila. Aanhin naman nila ang coins? Duh, I also have my money. May saltik na yata sila. "Ihanda ang pamasahe!" Gianna shouted. My eyes widen. Don't tell me... "Magco-commute tayo?!" I asked. Tumango naman sila. Hindi ako namamalik-mata, right? Tumango sila! "I don't like commuting. Ba't di niyo sinabing magco-commute tayo?" inis na sabi ko. Edi sana tinawagan ko nalang ang butler ko para utusang dalhin sa akin ang sasakyan ko. Kainis! "Di ka naman nagtanong eh," sabi ni Jahara. Oo nga naman, ba't hindi ako nagtanong? Aissh! Ako pa ngayon ang sinisisi? "Huwag ka na kasing mag-inarte. Minsan lang 'to!" masiglang sabi ni Gianna. "Tara na nga!" inis na sabi ko at nauna nang maglakad. Lord, gabayan niyo po ako sa pagsakay sa isang public transportation. "If something happens to me, my soul will haunt you forever." __________ "Anong hinihintay natin dito?" tanong ko sa kanila na halatang naiinip. Malapit ng mag-nine ngunit hindi pa kami nakakasakay. Diba pinupuntahan ang mga pasahero ng mga jeep? "Jeep," sagot ni Gianna. Jeep? Diba 'yon yung mahaba na parang bus kaso mas maliit lang siya? Tsaka masyadong masikip dun! Ayoko! "Wala ba kayong number ng driver? Tawagan niyo nalang," walang ganang sabi ko. Tumawa naman sina Gianna na siyang ikinairita ko. "Seriously Sky? Tayo ang dapat mag-adjust hindi ang driver! Shunga ka talaga!" natatawang sabi ni Jahara at nakipag-apir kay Gianna. Kasalanan ko bang first time kong sumakay sa isang public transportation? "Jeep? Ba't hindi tayo mag-taxi?" tanong ko. At least sa taxi medyo okay kaysa jeep. Marami kayang tao! "May nakita ka bang taxi? Diba wala?" Gianna said and rolled her eyes. Kung sa bagay, wala. Pero ayoko pa rin! "Ayun oh! May jeep!" napalingon kami sa tinuturo ni Jahara. Oh no..ayoko! "Puno na kaya yan!" reklamo ko. Saan naman ako uupo aber?! Di naman ako kakasya diyan eh! Malaki pa naman ang puwet ko! Half lang ang makakaupo niyan! "Akala ko ba mahilig ka sa adventures? Ito na ang chance mo besh!" nakangiting sigaw ni Jahara. Umiling ako and glared at her. "It's not adventure! It's a freaking torture!" inis na sigaw ko. Tinawanan naman nila ako na mas lalong ikinairita ko. Nairita rin kasi ako nang tawagin ako ni Nerdy ng besh eh! Parang bakla lang. "Huwag ka na kasing choosy! Gusto mo bang maghintay ulit dito ng isang oras?" Gianna said. Umiling ako. For sure mapupunta lang sa wala ang paghihintay namin ulit kung puno na naman ang next na jeep. "Yun naman pala eh! Sakay na!" Gianna said and pulled me papasok sa jeep. Ngayon ko lang narealize na mahirap palang maging matangkad. Mabuti na lang at sakto lang ang height ko. Mabuti nalang at nakaupo pa ako. But unfortunately, ang sarap sapakin ng katabi ko. Alam niyo kung bakit? Nakakapit siya sa parang bakal sa itaas at tumapat sa akin ang mabaho niyang kili-kili. Plus, her hair na buhayhay na nakakain ko na dahil nililipad ng hangin. Syete! "Jahara, palit nga tayo," sabi ko at nakipagpalit sa kanya. Wala naman siyang ideya sa nangyayari sa akin kaya pumayag naman siya. Medyo nahirapan naman kami sa pagpapalit kasi masikip dito! Finally narating na rin namin ang mall. Alam niyo yung feeling na hindi pa kayo nakakarating sa pupuntahan niyo eh stress ka na? Feel na feel ko 'yan ngayon eh! I will sue the jeepney driver for making his costumers feel like this! "Ang bad bad mo Sky! Hmpph!" Jahara said. I crossed my arms. Ano na naman bang problema ng batang 'to? "I know I'm bad," I said and rolled my eyes. Napanguso siya. "Di mo sinabing pangit pala yung katabi mo! Kaya naman pala nakipagpalit ka sa akin!" sabi niya at nagpapadyak-padyak na parang bata. "Nagtanong ka ba?" I asked with eyebrows raised. "Wala," sagot niya at nag-pout. I rolled my eyes. Yun naman pala eh. _______ "Text me if something went wrong," paalala ko sa kanila. Tumango naman silang dalawa at niyakap ako. Tinulak ko sila kaagad at sinamaan sila ng tingin. Like duh? Hindi naman ako sanay na niyayakap eh! "We're not close, okay? Don't touch me," mataray na sabi ko at lumayo sa kanila. "Mag-ingat ka," paalala ni Gianna. Hindi na ako sumagot at pinanood silang maglakad palayo. I sighed saka nagsimulang maglakad. Pumara ako ng taxi. Mabuti na lang at may taxi kundi mababaliw na talaga ako kapag sasakay ulit ako ng jeep. "Dito lang manong," I said. Inihinto niya ang taxi. Agad kong kinapa ang wallet ko. "Magkano?" I asked. Tinignan naman ako ng driver na parang nakakita ng alien. "Dalawang daan lang, miss. Ngayon ka lang ba nakasakay ng taxi?" tanong niya. Tinignan ko ang nasa harap at andun pala nakalagay ang fare ko. "Wag mo 'kong kausapin manong, di tayo close," sabi ko at agad na lumabas ng sasakyan. Duh, feeling close si manong! Tinignan ko ang daan papasok sa isang bahay. Pagkarating ko sa tapat ng gate, tila nawalan ako ng courage na pumasok kahit sarili kong pamamahay. Ayokong kaawawaan ang sarili ko pero di ko maiwasan. Masakit kasing wala kang magawa kundi tignan lang ito. The gloomy atmosphere is still there. Ang laki ng bahay ngunit parang multo lang ang nakatira dito. A pang of sadness hit me, and with a gloomy face, I turned my back at nagsimulang maglakad pabalik. "A-Ate Blanche? Is that really you?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko at tinignan ang nagmamay-ari ng boses. Halos mapaiyak ako nang makita ang lalaking pinakamalapit sa akin. Hindi ako nagkakamali, si Blake nga! "Blake!" nakangiting sambit ko at niyakap siya. Narinig ko naman siyang humikbi kaya tinapik ko ang likod niya at pinatahan siya. He still has that innocent face. He had a brown hair and a pale skin, and dark eyes na namana niya kay dad. Blake is just a 6 year-old kid. I smiled at him. "W-Where have you been, ate?" umiiyak na tanong niya. Ayokong naririnig siyang umiiyak, naiiyak rin kasi ako. "I-I missed you ate, w-wala na akong kalaro ng basketball. B-Bakit ngayon ka lang? Are you back for good?" "I am in a nice place, Blake. You can play basketball without me," malungkot na sabi ko. Umiyak lang siya ng umiyak. "I'm sorry but I can't go back here anymore." "I-If you like that place, then I'm gonna let you live there ate," he said. I smiled at him weakly. "I know you are unhappy here. My mom is hurting you. My Ate Tecia is making you sad too. I'm hard-headed." "You wanna watch a movie with me?" nakangiting tanong ko. He pouted na parang nagdadalawang-isip na sumama. "Then I'll tell mom first-" "No need Blake, I already asked for her permission. Let's go!" hihilahin ko na sana siya kaya lang may tumawag sa pangalan niya. "Blake!" nanigas ulit ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na 'yon. Mukha kasing familiar eh, and I felt like I hate that voice. Masyadong maotoridad at malamig. "Kuya Pogi!" hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Na-realize ko nalang na wala na si Blake sa harap ko at tumakbo na sa lalaking 'yon. "Kuyaa! I missed you!" masayang sigaw ni Blake. Hindi ko pa rin magawang lumingon. Paano kung tama ang hinala ko kung sino siya? Edi mabubuking akong lumabas ng campus? At malalaman niya kung sino ako? The leader of the Dictators is here. Kaya ba once a month lang siya pumapasok sa school? Kasi naglalakwatsa siya dito? Does it mean na hindi lang sina Jahara at Gianna ang may alam sa secret passage? "Who is that girl, Blake?" tanong ni Cortez sa kanya. Paano nalaman ng leader ng Dictators si Blake? Bakit sila magkakilala? Mabilis ang t***k ng puso ko. Hindi maaaring may makakilala sa akin, masyado pang maaga. "She is Ate Blanche!" pagpapakilala ni Blake sa akin. Sinuot ko ang face mask at ang cap ko saka dali-daling tumakbo palayo. I'm sorry Blake, but I have to hide my identity. (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD