EPISODE 19

2370 Words
CHAPTER 19 – What She Knows "Tapos, anong nangyari?" excited na tanong ni Gianna habang nakikinig sa kwento ni Jahara tungkol sa nangyari kahapon sa kanilang dalawa ni Ivan. Bagay naman sila eh, mga isip-bata. "A-Ayun, naging friends kami," nahihiyang kwento ni Jahara. Gianna giggled at mas lalong napayakap sa unan na hawak-hawak niya. Naging friends lang naman sila eh, OA naman nito. "Ang swerte mo beshie mae! Once in a blue moon lang sila nakikipag-friends 'no!" sabi ni Gianna. Jahara blushed. Tsk, bakit ba kasi ako nakikinig sa kanilang dalawa? *knocks* Nakarinig kami ng tatlong katok sa pinto. Tinignan naman nila ako at parang sinasabing 'Ikaw-bukas-look'. Umiling ako and gave my best glare to them kaya nagpeace-sign sila. "Sabi ko nga buksan mo Gianna eh, hehe," sabi ni Jahara and gave her an awkward laugh. At first ayaw pa ni Gianna ngunit palakas ng palakas na ang katok kaya narindi siguro kaya ayun tumayo siya. Nagpapadyak-padyak pa siya papunta sa pintuan. Kumunot ang noo niya ng makita kung sino kaya bigla akong nagtaka kung sino ang kumatok. Lumingon siya sa akin kaya mas lalo akong nagtaka. "Sky, may bisita ka," sabi niya. Baka si Ferrer? May bago na naman ba siyang iba-blackmail sa akin? Wala na nga akong ma-blackmail sa kanya eh! "Papasukin mo," sabi ko. Sinenyasan naman ni Gianna ang kumatok na pumasok pero ilang segundo pa ang lumipas ngunit wala kaming nakitang aninong pumasok. "Sa labas raw kayo mag-usap eh," sabi ni Gianna. I rolled my eyes in irritation saka tumayo ako at pumunta sa labas. Wow, siya ang may gustong makipag-usap tapos ako ang mag-aadjust?  Na-disappointed ako nang makita ko si Kate who's crossing her arms habang nakatingin sa akin. I rolled my eyes at isasara na sana ang pintuan but she blocked it quickly. Ano na naman bang kailangan niya sa akin? Dinidisturbo niya ako eh. "Get your hands off that door unless you want me to send you to the clinic again," banta ko. Instead of getting scared, she matched the intensity of my glare. "I am the Student Council President and you can't order me something like that," sagot niya. I smirked at her. "Your title won't give you maturity and sophistication btch," sabi ko. She glared at me at mas nilakasan ang pagharang sa pinto. Mas nilakasan ko naman ang pagtulak. This btch is good at ruining my mood! "Would you still refuse to talk to me even if I'm going to tell you things about your beloved sister?" seryosong tanong niya na nagpagulat sa akin. Agad kong naisara ang pintuan dahil sa pagkagulat. "Hey! Open this damn door btch!" sigaw niya sa labas. Bakit alam niyang magkapatid kami? I never told anyone about that!  Agad kong kinuha ang coat na nakasabit sa dingding at agad na sinuot ito. Nakasuot pa rin kasi ako ng sleeveless shirt at short shorts dahil kakagising ko lang. Agad akong nanghilamos at nag-toothbrush. "Saan ka pupunta, Sky?" tanong sa akin ni Jahara.  "Somewhere," sagot ko at nagmamadaling inayos ang sarili ko. Hinarap ko siya. "And don't wait for me. I'm not going to have my breakfast with you." "Okay, just eat! I don't want a starving Sky!" sabi niya. I rolled my eyes at agad na tinungo ang pinto. Nakita ko siyang naghihintay sa labas. She glared at me pero binalewala ko lang siya. "Sa cafeteria tayo mag-usap, nagugutom na ako," sabi ko at naunang maglakad. I heard her sighed exaggeratedly at kalaunan ay sumunod naman sa akin. ______ "Wala ka naman sigurong ganang kumain 'no?" sarcastic na sabi ko. Tumango siya at sumubo ulit ng chocolate cake kahit puno pa ang bibig niya. Gutom ako ngunit hindi ako kasing-gutom niya. "Wala akong gana," sagot niya at sumubo ulit ng isang kutsarang puno ng chocolate cake sa bibig niya. Ito ba talaga ang namumuno sa paaralan? Seryoso? Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Some have the weird looks on their faces while glancing at us. Para silang nakakita ng himala o ng isang bagay na imposibleng mangyari. Seriously, they are exaggerating. "Now, proceed to your agenda Miss President," seryosong sabi ko. Tumigil naman siya sa pagnguya. "I never would have wanted to share a table with you." "Same here," sabi niya and rolled her eyes on me. Nilunok muna niya ang kaniyang kinain saka uminom ng tubig. "Kathleen Davis and Skyler Lee, two girls I never thought were related. Parehas kayo ng mata, and your lips, and slight with the attitude. But how about your last names?" "Wala ka ng pakialam sa apelyido namin," matigas na sabi ko. Naiyukom ko ang kamao ko. "I'm not here to answer your questions, I don't trust you." "Okay, let's talk outside," sabi niya. Tumingin ako sa paligid ko. Damn, everyone's looking at us as if expecting something to happen. "Quit starring, nosy people!" inis na sigaw ko and raised my middle finger. Napaiwas naman ng tingin ang lahat and I rolled my eyes. Kumuha ako ng fries saka sumunod kay Kate sa labas. Pumunta kami sa parte ng field kung saan walang katao-tao. She stopped and face me, and checked the place as if searching for someone and sighed when she saw no one. Seryoso niya akong tinignan. "No one will eavesdrop here, right?" she asked nervously. I shrugged my shoulders off. "You should be nervous Miss President, you are with the famous eavesdropper," sagot ko. She glared at me and I rolled my eyes. When she kept quiet, I said, "Spill the beans, Kate Mendez. My time is gold." "L-Lee, kung mamamatay ako pakisabi kay Renzo kung gaano ko siya kamahal," sabi niya. I raised my eyebrow.  "Please stop that disgusting thing called love, I've witnessed your tragic love story, how you keep on rejecting him and how he keeps on running after you," sagot ko. She must be regretting for pushing him away, when in fact she wants him to stay. "Because we can't be together," mahinang sagot niya. Okay, is this some kind of a Romeo and Juliet love story? "Huwag mo siyang saktan ha? Dahil kung sasaktan ka niya ako na ang bahalang magmumulto sa kanya." "Oh yes, he keeps on dragging me and that hurts me. Kindly visit him in his dreams and give him nightmares," sagot ko. She looked at me unbelievably. "Please take this seriously, btch. I am saying my last farewell to you." "I am serious, but why me?" iritang tanong ko. Ayoko mag-drama, okay? Ayoko sa drama, gosh! "Because you are her sister," mahinang sagot niya. There was a hint of sadness in her voice. "And she's already a part of my life. You deserve to know everything." "What about Kathleen Davis? A-Ano namang sasabihin mo tungkol sa kanya?" tanong ko. She bit her lower lips and said every words to my ears, being careful so that no one can hear us. "Siya ang Vice President ng SC noon, bestfriend ko siya," sabi niya. I listened to her.  "Before she became the Vice President, she is also a candidate running for Student Council President kaya magkalaban kami." "But then my greed for wanting to be the president broke our friendship," sabi niya. Hindi ako umimik and she continued. "And my greed for wanting Renzo Ferrer made me hate her so much because I thought she stole everything." "You're greedy," nanggigigil na sabi ko and held the colar of her shirt. Natakot siya sa ginawa ko. "Is that what you call friendship? When anytime you are ready to betray the person for your own satisfaction and greed?!" "H-Hindi ko sinadya!" she exclaimed, and struggled to get away from me. Binitawan ko naman siya and she relaxed a little. "Nagpadala ako sa emosyon ko, for a moment I forgot she's Kathleen, the girl I once treasured!" "I-Ikaw ang pumatay sa kapatid ko?" tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. She looked away. "N-No.. I.. I can't.. I-I won't.." she stuttered and struggled for words. Naiyukom ko ang kamao ko. "Lakasan mo ang boses mo!" I shouted. Hinawakan ko ang braso niya ng mahigpit. I furiously shouted at her, "PINATAY MO BA SIYA?!" "N-No..listen to me, hindi ako ang pumatay sa kanya," sabi niya. Binitawan ko naman siya saka pinakalma ang sarili ko. Hinabol ko ang aking hininga and decided not to utter a word. "One day, may taong lumapit sa akin and offered me help para maging president ako at mapasaakin si Renzo," sabi niya. When she realized I have no plans of speaking, she continued, "I-I thought it was just a joke kasi naman how can it be possible? So I replied, 'Then help me get rid of that btch'. Hindi ko naman ini-expect na ganun ang gawin niya sa kay Kathle—" "Sino ang taong 'yon?!" I asked in anger. Umiling naman siya ng umiling. She looked so scared and helpless. "I'm sorry, I can't tell you," she whispered, and that made my temper rise even more. "T-That person will kill me if I t-tell you s-so I can't—" *bang* Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Agad kong hinila si Kate and I heard another shot, and we hid under the tree. Tinignan ko ang paligid to check the one who fired the gun, and found none. Bigla akong naalerto nang makarinig ng isa pang putok ng baril. Nakita kong may lumipad na shuriken sa direksyon namin kaya umilag ako only to find out that I'm not the target. "Kate, dito ka lang, magtago ka, I'm gonna ask for help, okay?" I said and searched for ways so I can run without being shot. When she did not answer, I looked at her. "Kate, are you listeni---Kate? Fvck!"  Napamura ako nang makitang may tama si Kate ng baril sa noo at dibdib. Ang shuriken naman ay tumama sa leeg niya. It was an extremely disgusting sight for me, and I had to look away.  No! this can't be! Hindi pa siya pwedeng mamatay! I still need her! "Sandali lang Kate, ihahatid kita sa clinic. Hold on," natataranta kong sabi habang binubuhat siya. She's so heavy but I managed to place her in my back. "T-Trinities..." bulong niya. Bigla namang kumunot ang noo ko. Ano namang kinalaman ng gang na 'yon? "Hold on Kate, hold on. H-Huwag ka munang magsalita," sabi ko habang binubuhat siya papunta sa clinic. I ran as fast as I could para makaabot pa kami doon. That's when I never heard gunshots anymore. It was as if the mission of the killer is done, and the target is not me, but the person I am carrying. "M-May sikreto s-silang tinatago. M-May kinalaman 'yon sa k-kapatid m-mo," sabi niya at umubo ng dugo. Nawalan na siya ng malay so she became heavier and I struggled as I run. "Kate! Gumising ka!" sigaw ko. I was very thankful when I reached the clinic. Dali-dali ko siyang inihiga sa kama and the doctors and the nurses immediately assisted her. Agad nila akong pinalabas and I waited outside. "What happened to her?" Ferrer asked when he approached me. He's wearing a mask I cannot read but I can say he's worried. I glared at him, and run towards him with my clenched fists. Nasa likuran niya ang Trinities na nakatingin sa akin. Kyle looked at me worriedly but he did not approach me. Maraming dugo ni Kate ang nakakalat sa akin.  Kinuwelyuhan ko si Renzo. Brent attempted to attack me but Ferrer stopped him, so he halted and went back beside Grey. I glared at him murderously. "Ano ang sikretong tinatago niyo? Ha?!" galit na sigaw ko. Could it be......'yong sikretong alam ng lalaking binubugbog nila noong unang araw na dumating ako sa paaralang ito? "I thought you knew?" tanong ni Renzo. Umiling ako. I was just lying! How I wish na sana dumating ako ng maaga para malaman ko ang sikreto nila! How I wish I know everything! "Alam mo bang dahil doon kaya namatay si Kate? Ha?!" tanong ko at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo niya. Nagbago ang timpla sa mukha niya, and I saw him clenched his fist. "She told me to say to you how much she loves you! She really loves you!" sigaw ko. Pero hindi na tungkol kay Kate ang sinasabi ko. Yes, Kate loves him but Kate is a greedy person. "Alam mo ba kung gaano ka kamahal ng kapatid ko? She loves you a lot! Tapos ngayon, mamamatay na naman ang bestfriend niya? Ano ba kasi ang tinatago mo?!" Gusto kong isumbat sa kanya 'yon pero wala akong lakas ng loob. All I could do is to get angry dahil sa nangyari kay Kate. If only wala akong tinatago, if only I can introduce myself to the world! Kung kaya ko lang isumbat lahat sa kaniya lahat ng nangyari sa kapatid ko! "Last time I check you really hated Kate. What's going on with you?" tanong niya sa akin. Yes, I really hate Kate but I love my sister so much. Alam kong konektado lang ang nangyari sa kanilang dalawa. "You just don't understand me. You don't understand how it feels!" sigaw ko at dinuro-duro na naman siya.  "This is not my fault, Lee," he said. I laughed bitterly. "I don't fvcking care! You are a jerk who played two women like a toy and that's what you did! Asshole!" I shouted and raised my middle finger. Before I can add a curse, Ferrer already went inside the clinic and Kyle immediately approached me. "Sky, everything will be alright," he assured me and patted my shoulder. "Wala man akong alam, but trust me, I know the future. My palm says you can have your own happy ending." "Leave me alone," malamig kong sabi. "I won't leave you in that stat--" "I SAID LEAVE ME ALONE!" galit na sigaw ko. Wala siyang nagawa kundi hayaan akong nag-iisa. I sat outside the clinic and I did not realize that there are so many students watching the scene. "Ano pang tinutunganga niyo diyan? The show is over!" galit na sigaw ko. Agad nagsitakbuhan ang mga estudyante and I rolled my eyes. Fvck, I will surely have a hard time digesting what she knows. (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD