Kabanata 2

1100 Words
HALOS mapaigtad siya sa gulat nang marinig ang notifications mula sa kanyang cellphone. Ibig sabihin lang no'n, na i-send na ni Eula ang ini-utos niya ritong video. Biglang nanginginig sa kaba si Lovie. Parang hindi siya handa na makita ang video. Hindi niya dinampot ang naturang cellphone, bagkus ay itinuon niya ang pansin sa kanyang laptop. Halos mabingi na siya sa malakas na kabog ng kanyang puso. Napasulyap siya sa kanyang kape. Dinampot niya iyon at sumimsim doon. Hindi pa siya handa na isampal ni Kervy sa kanya ang katotohanang hindi siya nito minahal kundi ang babaeng tunay nitong minahal, na magpahanggang ngayon ay hindi niya kilala. Biglang nag-ring ang kanyang cellphone dahilan para ma-choke siya sa kapeng iniinom. "Damn!" Malutong niyang mura. Hinimas-himas niya ang sariling dibdib at napa-ubo. Alam niyang ang kaibigang si Eula ang tumatawag. Hinayaan niya lamang na tumunog ang sariling cellphone. Hindi niya kayang makita ang kalaguyo ng kanyang asawa. Mukhang hindi niya kakayanin muli. Nasasaktan siya para sa anak niyang si Marie. Inis na inubos niya ang kanyang kape. Napasulyap siya sa sariling relong-pambisig. Pinindot niya ang intercom at tinawag ang kanyang sekretarya. "Cleir, cancel all my appointments. I'm not feeling well," utos niya rito. "Y—Yes, ma'am." Halos parang dinurog ang kanyang puso. Paano na lang kaya kung masaksihan niya ang ginagawa ng kanyang asawa kasama ang higad na babae nito? Nang huminto ang pag-ring ng kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at tinawagan si Kervy. Matagal bago nito sinagot ang tawag. Hanggang sa marinig niya ang baritono nitong tinig. Nagsalubong ang kanyang kilay nang tila mapansin niyang tahimik naman ang kinaroroonan ng asawa. "Where are you?" tanong niya rito. "In my office, bakit nagdududa ka na naman sa akin?" tanong nito sa kanya. Pagdakay narinig niya ang marahas nitong buntong-hininga. "Sir, narito na po ang mga folders na hinahanap niyo." Narinig ni Lovie sa kabilang linya ang sekretarya ng kanyang asawa. Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa narinig. Niloloko ba siya ng kaibigan niyang si Eula? "Gusto ko lang masiguro kung talagang nasa opinsina ka nga, dahil oras na makita kita with your fücking mistress, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, Mr. Del Mundo!" Asik niya rito. Pagdakay pinatay na niya ang tawag. *** "FŪCK!" Malutong na mura ni Kervy ng marinig ang sinabi sa kanya ng asawang si Lovie. Napasulyap siya sa kanyang sekretarya na ngayo'y nanginginig sa takot. "Get out!" Sigaw niya rito. Eksakto namang bumukas ang pinto at pumasok doon ang kaibigang si Sandro. "Hey, wazzup! Relax, natatakot sa'yo ang maganda at seksi mong sekretarya," tugon pa nito sabay suyod ng tingin sa kanyang magandang sekretarya at kumindat pa rito ang chickboy niyang kaibigan. "Huwag ang sekretarya ko, Sandro!" Galit niyang banta rito. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Is it about, Lovie again? Nagdududa na naman ba siya sa'yo?" nakangiting tanong sa kanya ni Sandro. Umigting ang kanyang panga sa sobrang inis. "Wala akong babae, pero bakit sinasabi niyang nambabae raw ako? Bullshît!" Inis niyang sagot sa kaibigan. "Pag-usapan niyo," tugon pa ni Sandro sa kanya. "Paano, kung ayaw naman niyang makipag-usap sa akin ng masinsinan," iritadong sagot niya sa kaibigan. Napahilot siya sa sariling sentido. "Sino ba sa tingin mo ang nagsulsol sa kanya na may babae ka? Hindi 'yan magdududa kung walang ahas na umaaligid sa asawa mo? How about, Eula?" Naikuyom niya ang dalawang-kamao nang maalala ang best friend ng kanyang asawa na si Eula. Si Eula na nagpakita ng motibo na may gusto sa kanya. Gusto nitong paghiwalayin sila ni Lovie para maangkin siya nito ng tuluyan. "Ano'ng plano mo sa babaeng iyon? Tagilid tayo ro'n. Best friend siya ni Lovie, hindi ba? Kaya kung sasabihin mo sa asawa mo ang katotohanan, paniguradong hindi maniniwala sa'yo si Lovie," saad ng kaibigan niyang si Sandro. "Alam ko, dahil imposibleng maniwala siya sa akin," sagot niya sa kaibigan. "Kumusta na nga pala ang ex-girlfriend mong si Uriel? Naging maganda ba ang paghihiwalay niyo?" "Isa rin iyon sa mga problema ko. Gusto niya raw makipagkita sa akin, pero hindi ko kayang gawin iyon. Alang-alang sa asawa at anak ko." "Anak mo? Alam naman nating lahat na hindi mo anak si Marie, hindi ba? Anak siya ni Lovie sa pagkadalaga na maswerteng tinanggap mo pa siya sa kabila ng pamimikot niya sa'yo para lang maisalba ang sarili sa kahihiyan, right?" Naiiling na tugon ni Sandro sa kanya. "Masasabi kong, ikaw na talaga, Kervy!" Natatawang ani ni Sandro sa kanya. Nagpakawala ng isang marahas na buntong-hininga si Kervy sa narinig mula sa kaibigan. Gusto lang naman niyang protektahan ang pamilyang meron siya ngayon alang-alang sa anak niyang si Marie na tinuring na niyang tunay na anak. Magaan ang loob niya sa batang iyon. Aaminin niyang magpahanggang ngayon, hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa ni Lovie sa kanya. Pinikot lang naman siya nito para isalba ang sariling reputasyon ng pamilya. At dahil sa matalik na magkaibigan ang mga Janeiro at Del Mundo. Wala siyang choice kundi ang maging isang masunuring anak sa kanyang mga magulang. Pinakasalan niya si Lovie hanggang sa naging asawa niya ito. Naging dahilan iyon para masaktan niya ang nobyang si Uriel. Naging malungkot ang kanyang buhay sa mga sandaling nawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal. Ngunit ng isilang ni Lovie ang batang si Marie, damang-dama niya ang pagiging isang ama, kahit na sabihing hindi siya ang tunay na ama ni Marie. "I will do whatever it takes for the sake of Marie and Lovie and the family's reputation. Especially since you know that the Janeiro's and Del Mundo's are close friends, Sandro." "Kaya give-up mo na lang ang happiness mo para kay Lovie?" sarkastikong tugon sa kanya ng kaibigan. "I believe that the heart can learn to love, Sandro." "Sa tono ng boses mo mukhang in love ka na yata sa asawa mo," nakangiting saad ni Sandro sa kanya. "Loving someone like Lovie, who is beautiful, feisty, and resilient, is not a challenge. Maybe this is my fate. I find joy in witnessing their frequent encounters with Marie whenever I return home." "It appears that you have found the person you wish to love for the rest of your life. I wish you the best of luck, Kervy. Just be cautious when it comes to Eula. Remember, she is a deceitful woman. Her obsession with you is quite intense. When someone becomes excessively obsessed, it's important to be on guard. Prioritize the safety of your wife and daughter." Muli, nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Kervy. Pailalim na tinitira siya ni Eula. Sinamantala nito ang pagiging magkakaibigan nito sa kanyang asawang si Lovie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD