SUMILAY ang nakakalokang ngiti sa mga labi ni Eula. Hawak niya ang isang ecstasy. Ang palagi niyang inilagay sa inumin ni Lovie para tuluyan na itong mabaliw.
"Hindi magtatagal mababaliw ka na rin my dear friend. Nagsisimula ka ng mag-hallucinate," aniya habang pinakatitigan ang hawak na ecstasy.
Ang hindi niya alam naririnig siya ni Marie na anak ni Lovie. "You are so bad!"
Nabitawan niya ang hawak na ecstacy nang marinig ang boses na iyon ni Marie. Awtomatikong dali-dali niyang dinampot ang ecstasy at mabilis na itinago sa kanyang bag, nagmamadaling nilapitan niya si Marie at marahas na hinawakan ang kabilang braso nito habang hawak ang Barbie Doll na regalo niya rito. Pinandilatan niya ito ng mga mata.
"Try telling your mom, and I will really kill both of you!" Banta niya kay Marie. Kitang-kita niya ang takot sa anyo ng bata. Nanginginig ito sa takot nang sabihin niya iyon dito.
"Please, not my mommy... Tita Eula, I beg you," lumuluhang tugon ni Marie sa kanya.
"Great, it's best if we can have a mutual understanding. You won't say anything and you'll act as if you haven't seen anything, do you comprehend me?" pananakot pa niya sa bata. Pagdakay, maagap niya itong niyakap ng masuyo nang biglang sumulpot si Lovie. Palihim na hinila niya ang isang braso ng hawak na Barbie Doll ni Marie dahilan para masira ito. Maging dahilan iyon para may rason kung bakit umiyak si Marie.
Niyakap ng mahigpit ni Eula si Marie sabay bulong. "Tell her that you're crying because the Barbie Doll I gave you got broken, do you understand?!"
"Hey, what happened to my sweetie?" Bakas sa mukha ni Lovie ang labis na pag-aalala para sa anak. Halos liparin ng kanyang mga paa ang kinaroroonan ng anak.
"Mommy..," lumuluhang ani Marie sa kanya. Napansin agad niya ang hawak nitong laruan na tila naputol ang kabilang braso. Tila napanatag naman siya. Alam na niya ang dahilan.
"Ano'ng nangyari, sweetheart?" May pag-alalang tanong niya sa anak nang sa wakas ay tuluyan na siyang makalapit dito. Kinarga niya ito kahit pa nga sabihing mabigat na ito sa edad nitong limang taong gulang.
Hindi siya sinagot ni Marie, bagkus ay ipinakita nito sa kanya ang naputol na braso ng Barbie Doll nitong hawak.
"This can still be fixed, sweetie. Let's wait and ask for your daddy's help later, alright?"
"Thank you, mommy," ani kay Marie sa kanya at yumakap ito sa kanya ng buong-higpit. "I love you always, mommy..."
"Of course, I love you more, sweetheart," kunot-noo niyang tugon sa anak. Ibang-iba ang pakiramdam niya sa inasal ngayon ng anak. Ina siya kaya alam niya. Napasulyap siya sa kaibigang si Eula.
"I guess, I have to go?" nakangiting ani nito sa kanya.
"Mag-iingat ka, okay?" sagot niya rito. Lumapit ito sa kanya at hinagkan siya sa pisngi. Nasundan na lamang niya ng tingin ang kaibigan hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.
"Mom, is daddy still not coming home?" tanong ni Marie sa kanya.
"For now, your daddy is still busy, sweetheart. You know he has a lot of work in his office, right? Your daddy needs to work so he can provide everything you want," nakangiting sagot niya sa anak.
Gusto niyang ipaintindi rito ang ginagawa ng asawa para hindi ito magtampo sa ama. Pero napapansin niyang ibang-iba ngayon ang behavior ng kanyang anak. Pero agad niyang ipinilig ang sariling ulo sa isiping iyon.
Makalipas ang ilang minuto ay hayan na naman ang biglang pag-kirot ng kanyang ulo at ang pagkahilo na kanyang nadarama. Natatakot naman siyang magpatingin sa doktor. Iniisip na lamang niyang baka sa sobrang pagod lang.
Sa dami ba naman ng mga gawain niya kanina sa boutique ay totoong nakaka-stress lalo na at may na-encounter silang konting problema. Paano na lang kaya kung major problem na?
"I miss daddy already. Will he be gone for much longer, mommy?"
"Not really, sweetie. Daddy will be arriving soon. What do you think about helping me cook your daddy's favorite dish?" nakangiting suhestiyon niya sa anak.
"Game!" Bulalas ni Marie sa kanyang sinabi.
Sa wakas ay nakita niya ang sigla ng mga mata ng anak. Muli, gumaan ang kanyang pakiramdam. Hinagkan niya muli ang magkabilang pisngi nito.
Kinuha niya ang sariling cellphone sa kanyang bulsa at nag-text kay Kervy. Sinabi niya ritong kanina pa ito hinahanap ni Marie.
***
Napasulyap si Kervy sa sariling cellphone nang bigla itong nag-vibrate. Sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ang pangalan ng asawa sa phone screen.
Dinampot niya mula sa kanyang office table ang sariling cellphone. Binasa niya ang mensahe ng asawa. Awtomatikong napasulyap siya sa kanyang relong-pambisig. Nailing na lamang siya nang hindi na naman niya napansin ang oras. Palibhasa'y, napaka-workchaholic niyang tao.
Mula sa sariling swivel chair ay tumayo siya at dinampot ang kanyang suit. Papalabas na sana siya sa kanyang opisina nang makita niya si Eula. Nagsalubong agad ang kanyang makakapal na kilay.
"What are you doing here, Eula?" His irritated voice was undeniable as he asked her.
Kinagat ni Eula ang pangibabang-labi na tila ba inaakit ang asawa ng kaibigan. Pagdakay pumasok sa loob ng opisina at mabilis na isinara ang pinto ng opisina ni Kervy. Pero bago pa man niya maisara ng tuluyan ang naturang pinto. Marahas na hinawakan siya ni Kervy sa kabilang braso at pabalibag na itinulak siya nito palabas.
"Get out!" Singhal ni Kervy kay Eula. Nagmamadaling lumapit naman sa kinaroroonan nila ang ilang guards at ang takot na takot na sekretarya ni Kervy.
"Patawad sir, sinubukan ko po siyang pigilan pero ayaw niya pong makinig at nakuha pang itulak ako," sumbong ni Agnes sa kanya.
"Ilabas niyo ang babaeng 'yan at huwag na 'wag ng papasukin pa sa building na ito! Kapag 'yan nakapasok ulit sesesantihin ko kayo lahat, naintindihan niyo?!" Sigaw ni Kervy.
"Yes, sir!" Halos na sagot ng mga guards at ni Agnes.
Umigting ang kanyang magkabilang panga sa sobrang inis at galit. Dāmn it! Sigurado siyang magsusumbong si Eula sa asawa niya at gagawa na naman ito ng kwento para masira silang mag-asawa.
Sumenyas siya sa isang guard at agad naman itong lumapit sa kanya. "Please review all the CCTV footage where that woman is visible."
"Yes, sir."
Malaki ang utang na loob ng pamilya nila noon sa pamilya nina Eula ayon na rin sa kanyang mga magulang, dahil no'ng buhay pa ang kanyang Lolo at Lola ay magkaibigan na ang mga Lolo't Lola nila. Hanggang sa nagkaro'n sila ng malaking utang na loob sa naturang pamilya. Ang mga Lolo't Lola ni Eula ang dahilan kaya na ibangong muli ang kompanyang ngayon ay siya na ang namamahala.