"ARE you sure na wala talaga?" Hindi maipagkakaila ang gigil sa anyo ni Lovie nang wala siyang makita sa ilang CCTV footage.
"Ma'am, pasensiya na po pero hinalungkat na po nating lahat at kitang-kita niyo naman pong wala talaga."
"Maliban na lang kung deleted na kahapon pa!" Galit niyang tugon at inis na umalis sa naturang monitoring room. Dire-diretso ang kanyang lakad na tinungo ang sariling kotse sa parking space.
Inis na binuksan niya ang sariling kotse at pumasok sa loob niyon. "Dāmn it!" Malutong niyang mura.
Galit na hinampas niya ang manibela ng sariling kotse. Kailangan niyang alamin kung sino ang babae ng asawa niya. At talagang hindi siya magdadalawang-isip na ipalasap dito ang kanyang galit bilang, legal wife.
Pumikit siya saglit at kinalma ang sarili. Hindi siya pwedeng pumasok sa kanyang boutique na wala sa mood, dahil positive vibes ang nais niyang dala palagi sa negosyo hindi sa kung ano pa mang negative energy.
Mayamaya ay idinilat niya ang mga mata. Pagdakay in-start na ang ignition ng sariling kotse, saka niya ito pinaharurot ng takbo patungo sa Marie's Boutique.
Pagdating niya sa mismong boutique ay sinigurado niyang magandang vibes she brings with her presence. She used to smile no matter how hard it was.
"Good morning, ma'am!" Bati sa kanya ng ilang mga employees niya.
"Good morning!" Nakangiting sagot niya sa mga ito, saka siya dumiretso sa sariling opisina.
Naupo siya sa sariling swivel chair at binuksan ang sariling laptop. Napahilot sa sariling sentido. Mayamaya ay bumukas ang kanyang pinto. Iniluwa roon ang sekretarya niyang si Cleir.
"Ma'am, brewed coffee for you," nakangiting ani nito sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanya at inilapag sa office table ang mainit na kape. Ngumiti siya rito.
"Thank you, Cleir."
"You're welcome, ma'am."
"By the way, may appointment ba ako ngayon, ilang meetings?" tanong niya sa kanyang sekretarya.
"Actually, meron po kayong lunch meeting kay Ms. Andrea Boromeo at 2PM, ma'am."
"Thanks," sagot niya rito.
"May ipag-uutos pa po kayo, ma'am?"
"Nothing," simpleng sagot niya.
Nakangiting nagpaalam na sa kanya ang kanyang sekretarya. Pero palaisipan pa rin sa kanya kung bakit walang CCTV record ang lìntik na pagpasok ng asawa niya sa mismong hotel kasama ang kalaguyo nito. Isa lang ang meaning no'n, deleted na agad para walang pruweba na makuha. Gano'n ka wais ang kanyang asawa para hindi niya mahuli.
Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong-hininga. Inis na pinalis na naman niya ang ilang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Awtomatikong dinampot niya ang sariling kape at walang-gatol siyang sumimsim doon dahilan para mapahiyaw siya sa sobrang init.
"What the!" Ani niya sabay sulyap sa umuusok niyang kape. Napaso pa tuloy ang kanyang dila. Muli niyang inilapag iyon sa kanyang office table.
After ng appointment niya kay Ms. Andrea Boromeo ay pupuntahan niya ang asawa sa mismong opisina nito. Minsan lang siya kung pumaroon at talagang gugulatin niya ito. Tingnan lang niya kung hindi niya ito mahuli sa akto.
As usual naging maganda ang takbo ng kanyang sariling negosyo. Marami na rin silang mga client, mostly ay ang ilang mga employees ng kanyang asawa kung saan nagtrabaho sa kompanya ng mga Del Mundo Incorporation. Sa tulong na rin ng kanyang biyenang babae. Si Phila Del Mundo.
Narinig niya ang katok sa pinto ng kanyang opisina. "Yes, come in."
"Good morning, Lovie!" Bati sa kanya ng kanyang Tita Phila, ang kanyang biyenang babae na ina ng kanyang nag-iisang asawa.
"Mommy!" Nakangiting ani niya sabay tayo niya sa kanyang swivel chair at lumapit dito. Nagyakapan silang dalawa.
"Is it true na nambabae ang anak ko?" takang-tanong agad nito sa kanya.
"Hindi ko alam, mom. Pero kitang-kita ko kahapon na siya nga iyong nakita ko. Alam niyo namang hindi kami magka-sundo ni Kervy simula noon pa man," sagot niya sa tanong nito.
"Pero imposible naman iyon. Ang alam ko nasa opisina niya si Kervy buong maghapon dahil sa ilang mga problema sa kompanya, hija."
"Don't tell me may kakambal po ang anak niyo, mom?"
"Nag-iisang anak lang namin ng Daddy Kian mo ang asawa mong si Kervy, hija. Kaya imposibleng may kakambal ang asawa mo," nakangiting tugon ng Mommy Phila niya sa kanya.
"Sumasakit po ang ulo ko sa isiping iyon. Sana lang hindi ako dinadaya ng aking paningin," saad niya sa biyenan.
"May dala nga pala akong pagkain para sa'yo. I hope you like it, pwede bang ikaw na lang ang magdala nito para kay Kervy mamaya sa lunch?"
"Sure, mom. By the way, bakit hindi na lang pala ikaw? Nag-away po ba kayo ni Kervy?" takang-tanong niya sa kanyang biyenan.
"We're not in good terms sa ngayon, hija. Alam mo naman iyang anak ko. Kapag ayaw, ayaw talaga. Huli na iyong ipinagkasundo ka naming ipakasal sa kanya kahit labag iyon sa nais niya."
"Nagsisisi po ba kayo na ipakasal siya sa akin?" tanong ko rito.
"Hindi kami kailanman nagsisisi na ipakasal siya sa'yo. Nagsisisi kami dahil ikinasal ka sa kanya. Dahil hindi mo man sabihin alam namin ng daddy Kian mo na hindi maganda ang pagtrato ni Kervy sa'yo."
Napayuko siya at pilit pinipigilan ang sariling mga mata na huwag lumuha. Ayaw niyang isipin ng kanyang biyenan na sobra siyang weak bilang babae. Una pa lang alam niyang pinandidirihan na siya ni Kervy. Pero kailangan niyang maging matatag as long na nasa poder pa siya nito.
"Sanay na po ako sa kanya, mommy. Heto na ang mga consequences na kailangan kong harapin," tugon niya sa biyenan.
"Paano, hindi na ako magtatagal hija. Kailangan ko pang bumalik sa bahay dahil aalis kami ng daddy mo. Dadalo kasi kami sa isang kasal sa isa sa mga anak ng kaibigan ng daddy mo at kailangan daw naroon kami."
"Mag-iingat kayo," saad niya sa biyenan. Nakangiting tumayo na ito at nagpaalam sa kanya.
Muling hinarap niya ang trabaho. Kailangan na niyang mapirmahan ang ilang mga papel na nasa folders para ma deliver na ang ilang mga dapat na ma i-deliver.
Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Eula ang nasa kabilang linya. Dinampot niya ang sariling cellphone at sinagot ang tawag ng kaibigan.
"Eula, napatawag ka?"
"I need you to be here, tama ka nga sa hinala mong may ibang kalaguyo ang asawa mo, Lovie. Dalian mo!" Palatak ng kaibigan niyang si Eula.
"Kunan mo ng video, wala ako sa mood na harapin ang mga walang-kwentang bagay, Eula. Bye!" Nanginginig ang kanyang boses ng sabihin niya iyon sa kaibigan. Nanginginig siya sa sobrang inis at galit.
"Dāmn it!" Malutong niyang mura.