"LEAVE!" Galit niyang utos kay Kervy. Akala niya ay aalis na ito, pero gano'n na lamang ang gulat niya nang hapitin siya nito sa kanyang maliit na bewang palapit sa matipuno nitong katawan. "W—What are you doing, Mr. Del Mundo?!" Gulat niyang tanong dito. "To take possession of what belongs to me, honey," pilyong sagot ni Kervy sa kanya dahilan para manlaki ang kanyang mga mata. At sa punto ding iyon ay walang-gatol nitong kinabig ang kanyang batok at inangkin ang nakaawang niyang mga labi. Nagpupumilit siya sa pagpupumiglas mula rito pero sadyang mas malakas ang kanyang asawa. Hanggang sa nahuli nito ang kanyang kiliti, at unti-unting sinakop ng kakaibang enerhiya ang kanyang buong-katawan. Natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon sa mga halik, yakap at haplos ng asawa.