PINAGMAMASDAN niya ang kislap ng mga bituin sa kalangitan. Pati ang kagandahan ng buwan. Kaibigan na matalik ang mga Janeiro at Del Mundo, sa side niya ay mas masidhi ang sakit na kanyang nadarama nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa aksidente. Anim na buwan pa siya noong buntis pa siya kay Marie. Aksidenteng na crash ang eroplanong sinakyan ng kanyang mga magulang kung saan pauwi na ang mga ito sa Pilipinas galing Germany. Masakit sa parte niya na mawalan ng mga magulang lalo na at nag-iisang anak lang siya. Kaya ang ginawa niya'y para maisalba ang kanilang kompanya, na ang Janeiro Corporation. Nakipag-usap siya sa mga magulang ng kanyang asawa na sanay pumayag ang mga ito na mag-merge ang dalawang kompanya. Hindi naman siya binigo ng mga ito at mabilis na pumayag. Nguni