Simula

1087 Words
NANG makatulog na ang anak niyang si Marie ay nauna na siyang lumabas ng kwarto nito. Muli na namang bumalik sa isipan ni Lovie ang nasaksihan kanina. Si Kervy kasama ang kabit nito. Hayan na naman ang pamilyar na kirot sa kanyang puso. Narinig niyang bumukas ang pinto at alam niyang si Kervy ang lumabas. "Nakita kita kanina with your other woman?" sarkastikong tanong niya sa asawa. "How can you be certain that it was me?" Marahas na hinarap niya ang asawang si Kervy. "Huwag na 'wag mo akong gawing tanga, Mr. Del Mundo dahil hindi ako ipinanganak kahapon!" Singhal niya rito. "Who told you that I'm lying?" Salubong ang makakapal na kilay ni Kervy habang pinakatitigan ang kanyang naghihinagpis na anyo. "Kung gano'n, sino 'yong nakita ko kanina sa isang motel na kasama mo. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko, Kervy. Huwag mo akong gawing tanga sa mga kabalbalan mo!" Galit niyang tugon dito. Nailing lang sa kanya ang asawang si Kervy sa mga pinagsasabi niya. Napahilot ito sa sariling sentido. Halata sa anyo nito ang frustration. "I don't know what you're talking about. I've been at work the whole day, for pete's sake, Lovie. Is this how you're going to greet me, by picking a fight?" "Dāmn you!" Malutong niyang mura sa asawang si Kervy at inis na tinalikuran niya ito sa sobrang inis. "Lovie, where are you going?" tawag sa kanya ng asawa. "Shut up!" Asik niya rito. "Don't be rude, and I'm still talking to you, Mrs. Del Mundo!" May diing tawag ng kanyang asawa sa kanya, pero dire-diretso lang ang lakad ni Lovie patungo sa kwartong para sa kanya. Ibinalibag niya ng malakas ang pinto dahil sa sobrang galit. Napahilot siya sa sariling sentido at dumiretso siya sa balcony. Sinalubong agad siya ng malamig na simoy ng hangin. Narinig niyang bumukas ang pinto at ang mga mabibigat na yabag ni Kervy. "Lovie!" Tawag ni Kervy sa kanyang pangalan pero hindi niya ito pinansin. Hanggang sa puntahan siya nito sa balcony, nang tuluyan na itong makalapit sa kanya ay marahas siya nitong pinaharap dito. Kaya lang mas mabilis ang kanyang mga palad at dumapo iyon sa kabilang pisngi ng asawang si Kervy. Isang malutong na mura ang narinig niya mula sa asawa. Sapo nito ang kabilang pisngi. "You deserved it!" Singhal niya rito. "Do you have any proof?" seryosong tanong sa kanya ni Kervy. "Umamin ka na at 'wag mo akong ilihis bwēsit ka!" Inis niyang saad at galit na tinalikuran ang asawa. Pero bago pa man siya makaalis ay maagap siya nitong hinawakan sa mga braso. "Don't ever try to ruin my reputation with other people and with Marie, and I won't hesitate to kick you out of this house," banta ni Kervy sa kanya. "So, inamin mo nga na ikaw 'yon?" sarkastikong ani niya sa asawa. "It wasn't me, you can ask my secretary. You know I've been busy dealing with company issues, and now you're accusing me of cheating? What kind of thinking do you have, Mrs. Del Mundo?" galit na tanong ni Kervy sa kanya. Sumilay ang pait na ngiti sa mga labi niya sa narinig mula sa asawa. "Hindi mo ako maloloko, dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na ikaw iyong nakita ko sa motel, fūck you!" "Before passing judgment on me, kindly provide me with your evidence," sagot sa kanya ni Kervy. "Don't worry, talagang iyon ang gagawin ko at kakasuhan ko kayo ng lìntik mong kabit!" Inis na tinalikuran niyang muli ang asawang si Kervy at lumabas siya ng kanilang kwarto. Muli niyang ibinalibag ng malakas ang pinto ng kanilang kwarto at naglakad siya patungo sa kwarto ng anak na si Marie. Binuksan ni Lovie ang kwarto ng anak. Pagdakay, pumatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Mahal na mahal niya ito at lahat gagawin niya para ibigay dito ang lahat ng kailangan nito. Dahan-dahan siyang tumabi sa natutulog na si Marie. "I love you, sweetie. Always remember, kahit ano mang mangyari, mahal na mahal ka namin ng daddy mo," saad niya sa anak habang lumuluha. Masuyong hinagkan niya ang noo ng anak ng may buong-suyo. Pagdakay, saka siya pumikit habang yakap si Marie. Kinabukasan, maaga siyang nagising para ipaghanda siyempre ang walanghiya niyang asawa ng breakfast. Ganyan siya bilang asawa nito, at ang lahat ay para lamang sa mga mata ni Marie. "Mom, it seems like Dad is still asleep. Would you like me to wake him up?" Ngumiti siya sa anak habang kaharap niya ang kawali. Nagluluto kasi siya ng paborito ng kanyang mag-ama. "Go'on, sweetheart." Nasundan na lamang niya ng tingin ang bibong anak. Hinarap niyang muli ang niluluto. Nagluto siya ng garlic fried rice at sinangag. Pagkatapos niyang magluto ay inihanda na niya ang ilang mga plato, tinidor at ilan pang gagamitin. Gumawa na rin siya ng lemonade juice. Mayamaya ay narinig niya ang ilang yabag. Awtomatikong tumalon ang puso niya sa kaba. Hindi maitatangging malakas ang epekto ng presensiya ni Kervy sa kanya. "Good morning," bati niya ng may ngiti sa mga labi. For the sake of her daughter kayang-kaya niyang maging best actress. "Good morning, sweetie," nakangiting bati ng kanyang asawang si Kervy. Lumapit ito sa kanya, hinapit siya nito palapit sa matipuno nitong katawan at ginawaran siya nito ng mabilis lang na halik sa mga labi. Pasimpleng lumayo naman siya sa asawa pagkatapos. "Maupo na kayo, breakfast is ready!" Maagap niyang saad sabay upo sa silya, at sumandok ng kanin para lagyan ang plato ng kanyang mag-ama. "I love it, mom! Garlic rice is our favorite, right daddy?" Masiglang ani Marie. "Of course, sweetie!" "Sweetie, where's my coffee?" nakangiting tanong sa kanya ni Kervy. "Oh, I forgot. Sandali lang," nakangiting tugon niya sa asawa, nag-excuse siya sandali sabay tayo mula sa silyang kinauupuan. Tinungo niya ang coffee machine at inilagay ang isang tasa. Hindi niya akalaing nakasunod pala sa kanya si Kervy. "What is the name of the hotel?" tanong nito sa kanya. Kitang-kita niya ang seryoso nitong anyo. "Sagutin mo ang sarili mong sagot," mataray niyang sagot sa asawa. Mabilis na dinampot niya ang tasa ng kape nito at inis niya itong ibinigay dito. "Kape mo," ani pa niya at mabilis na naglakad patungo sa dinning table kung nasaan si Marie. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Lovie ang malalim na buntong-hininga ng asawa. Bakit feeling niya wala itong alam? Hindi siya pwedeng dayain ng kanyang paningin. Plano niya mamaya ay pupuntahan niya ang mismong hotel at sisiguraduhin niyang titingnan niya ang lahat ng mga CCTV footage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD