"MA'AM, okay na po ang lahat. Wala pong makukuhang footage si Mr. Del Mundo gaya ng dati."
"Good, siguraduhin mo lang ang trabaho mo dahil alam mo naman kung ano'ng kaya kong gawin, right?" nakangiting tugon niya sa kabilang linya. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
"Yes, ma'am."
Awtomatikong tumaas ang isang kilay ni Eula. Saka siya nagpasyang umuwi ng kanyang sariling apartment. Muli niyang naalala si Marie. Huwag na huwag lang magsasalita ang batang iyon sa kaibigan niya at talagang malilintikan sa kanya ang batang iyon. Inis na tinungo niya ang sariling kotse sa garage at mabilis na pumasok sa loob saka ito pinaharurot ng takbo.
"Fūck!" Malutong niyang mura. Humigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel ng kanyang kotse.
Pero kailangan niyang maging kampante lalo na at naalala niyang uto-uto nga pala ang kaibigan niyang si Lovie. Lahat ng sasabihin niya'y pinaniniwalaan nito. Confidence siyang hindi ito magdududa sa kanya. Para siyang baliw na ngumingiting mag-isa.
***
"Sweetie, may sasabihin ka ba kay mommy?" nakangiting tanong ni Lovie sa anak. Kanina pa kasi niya napapansin na may nais itong sabihin. "Don't worry, darating na si daddy mo, okay? I texted him already."
"I'm home! Where's my princess? I have something for you, sweetie!" Sigaw ni Kervy. Sumilay ang ngiti nilang mag-ina nang marinig ang boses ni Kervy.
"Daddy!" Malakas na sigaw ni Marie at nagmamadaling tumakbo palapit sa ama, pagdakay mabilis namang kinarga siya ng sariling ama.
Nakangiting nasundan na lamang ng tingin ni Lovie ang anak. Gusto niyang maiyak sa nasaksihan.
Hindi man anak ni Kervy itong si Marie, ni minsan hindi nito pinaramdam sa kanyang anak ang kakaibang pagtrato, bagkus ay mas tinuring pa ito ni Kervy bilang isang tunay na anak.
Napasulyap sa kanya si Kervy. Tumango siya rito. Nang mapatingin si Marie sa kanyang gawi, lumapad agad ang kanyang ngiti at kunway masiglang lumapit sa kanyang mag-ama.
"Mabuti na lang at umuwi ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Marie," nakangiting sabi niya kay Kervy at hinalikan niya ito sa pisngi, kaya lang nagulat siya nang lumingon si Kervy dahilan para sa labi tumama ang halik niya para rito.
Awtomatikong nanlaki ang kanyang mga mata. Pero agad din siyang nakahuma sa nangyari. Kasalukuyang karga ng kanyang asawa si Marie na ngayo'y ang atensyon ay naka-focus sa laruan na bigay nito.
"Salamat na man at nauwi ka ng maaga. Himala at maaga ka ngayon," aniya sa asawa.
"I missed you and Marie. Aren't you happy to see me?" nakangiting tanong ni Kervy sa kanya. Nailing siya rito.
"Nagluto nga pala ako ng ulam, dalawang putahe. Adobong manok at Sinigang na baboy," tugon niya rito.
"Wow, those are my favorites, huh?" bulalas ni Kervy nang marinig ang kanyang sinasabi.
"Let's go sa dinning," aya niya rito.
"Yeheey, kakain na kami ng dinner na magkasama!" Masiglang turan ni Marie. Nakangiting nagkatinginan na lamang sila ni Kervy.
Pero agad ding kinalma ni Lovie ang sarili. Basta nariyan si Marie sa paligid ay kailangan nilang magkunwaring happy family sa mga mata ng anak. Ayaw nilang nasasaktan ito. Sad to say pero may sakit ang anak nilang si Marie, cardiomyopathy.
Lahat ginagawa nila para sumaya lang ang anak na si Marie. Para kay Lovie mahalaga ang bawat oras, minuto, segundo, araw, buwan, taon, at etc. para sa anak nilang sakitin.
Bilang ina ni Marie masakit sa parte niya na tanggapin ang katotohanang hindi normal ang buhay na meron ang kanyang anak na babae. Minsan natatakot sila sa tuwing inaatake ito ng sakit dahil hindi niya mapigilan na tila parang dinudurog ang puso niya kapag nakikita itong nahihirapan huminga. Kaya palagi silang may handang oxygen sa bahay.
Masiglang inihanda niya ang mesa, lumapit agad sa kanya ang ilang mga kawaksi. "Ma'am, ihahanda na po ba namin ang pagkain?"
"Yes please dahil kakain na kami ng dinner," sagot niya sa mga kawaksi. Kasalukuyang nasa silya na ang kanyang mag-ama na ngayo'y hinihintay ang pagkain na maihanda.
Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Mula sa sariling bulsa ay kinuha niya ito at sinilip kung sino ang caller. Nakita niya agad sa screen ang pangalan ng kaibigang si Eula.
"Manang, please dalhin niyo na ang mga ulam sa mesa," utos niya sa isang kawaksi.
"Yes, ma'am."
Sinagot niya ang tawag ng kaibigan. "Eula, napatawag ka?" nakangiting tanong niya rito.
"I'm bored, Lovie. Pwede ba akong pumunta riyan?"
"Sure, tamang-tama at nagluto ako ng paborito mong Sinigang na baboy," nakangiting balita niya sa kaibigan.
"Oh, really?!" Narinig niyang bulalas ng kaibigan sa kabilang linya.
"Yes, halika na at hihintayin ka namin," paanyaya niya rito. Saka sila nagpaalam sa isa't isa.
"Sino ang kausap mo? Si Eula na naman ba?" Halos mapaigtad siya nang maramdaman ang presensiya ni Kervy mula sa kanyang likuran.
"Yeah, may problema ba?" takang-tanong niya rito.
"I'm sorry, but you need to be careful with that woman, Lovie. I don't trust her."
"Sa tagal na naming magkaibigan ni Eula nagkakamali ka sa mga espekulasyon mo sa kanya, Mr. Del Mundo," mataray niyang sagot sa asawa.
Nagulat siya nang hawakan siya ng mahigpit ni Kervy sa kabila niyang braso. "I don't want that woman coming near our daughter, do you understand me?"
Inis na pumiksi siya mula sa pagkakahawak ng asawa. "Ano ba, nasasaktan ako, Kervy!" Inis niyang tugon dito.
"Listen to me and don't disregard what I'm saying, Lovie. Because if anything bad happens to our daughter, you won't like what I'll do!" Galit na tugon ni Kervy sa kanya.
"Bakit mo ba pinagdududahan si Eula? Kung may dapat mang pagdudahan dito ay ikaw 'yon, Mr. Del Mundo!" Mahinang singhal niya rito. Nanggigigil na naman siya sa sobrang inis at sa todong deny ng bwēsit niyang asawa.
"Do what I'm telling you before you regret it later. I didn't fail to remind you, remember that," seryosong saad sa kanya ng asawang si Kervy. Pero hindi pa rin siya nagpatinag dito.
"Sinasabi mo lang 'yan para ma i-divert ang atensyon ko sa inis ko sa mismong kaibigan ko para kamuhian ko si Eula. Si Eula na naging susi para malaman ko ang lahat ng mga kabalbalan mong hayop ka!" Mahinang singhal pa rin niya sa asawa. Sinisikap niyang huwag marinig ni Marie ang kanilang pinagtatalunan.
"Uriel and I have been separated for a long time. I have never been with another woman because I chose to focus all my time and attention on the family I have now. So don't accuse me of unfounded allegations," he said. She could only watch him walk away, leaving her feeling confused.