MABUTI na lamang at hindi nakita ni Marie ang ginawang pag-halik ni Kervy sa kanyang mga labi. Inaamin niyang nabitin siya sa ilang segundo halik ng kanyang asawa. 'Alalahanin mong nariyan si Marie. Huwag kang magtaray kung ayaw mong magtampo sa iyo ang sariling anak,' paalala niya sa sarili. Naupo siyang muli sa couch at hinarap ang kanyang breakfast. Dinampot niya ang kanyang kutsara at tinidor. Bigla siyang nawalan ng gana. Damang-dama pa niya ang mainit na labi ng asawa. Muli, tumunog ang kanyang cellphone. Rumehistro ang pangalan ng kaibigan niyang si Eula. Binitiwan niya ang kanyang kutsara at tinidor, saka dinampot ito. Sinagot niya ang naturang tawag. Umaasa siyang huwag naman sana tungkol sa kabit ng asawa niya ang nais nitong ibalita sa kanya. "Eula," sagot niya. "Where