"FOR now, let's not force Marie to answer the question, honey," tugon ni Kervy sa kanya. Napasulyap siya sa anak saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Alright," sagot na lamang niya. Pero nanatiling nakatitig ang kanyang mga mata sa anyo ng kanyang anak. "Let's go." Narinig niyang sabi ni Kervy. Saka nito muling binuhay ang ignition ng kotseng sinakyan nila. Napasulyap siya sa anak. Pansin niyang iniiwasan ni Marie ang kanyang titig. Ibig sabihin, may itinatago ito sa kanya. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalalaman kung ano'ng nais nitong sabihin at bakit parang takot itong sabihin sa kanila ni Kervy ang tila parang may nalalaman itong hindi nila alam. Ayaw na rin niyang pilitin pa si Marie at baka maging ugat na naman iyon ng kanilang alitan ni Ker