"MOM, are you okay?"
Napasulyap siya sa anak na ngayo'y nakatingin sa kanyang mukha. Ngumiti siya rito at hinaplos ang makintab nitong buhok.
"Mommy is just thinking about something, sweetheart."
"What are you thinking about, Mom?"
"Don't mind me. Just go to sleep. Would you like me to read a bedtime story?" nakangiting tanong niya sa anak.
"No, Mom. Just sing me a lullaby."
"As you wish, sweetheart," saad niya sa anak at nagsimula siyang kumanta ng paboritong lullaby song nito.
Hanggang sa makatulog ang anak ay nagpasya na siyang lumabas ng kwarto nito. Nasalubong niya ang asawang si Kervy pero hindi niya ito pinansin. Pero bago pa man siya tuluyang makaalis, nahawakan na nito ang kabila niyang braso.
"Can we talk?"
"Para ano, para sa ilan mo na namang kasinungalingan?" sarkastikong tugon niya sa asawa. Narinig niya ang malalim nitong buntong-hininga. Damang-dama niya ang pagod at inis nito.
"Bitiwan mo ako, wala akong panahon para marinig pa ang ilang mga kasinungalingan mo!"
Unti-unti niyang naramdaman ang pagluwag ng hawak nito, hanggang sa tuluyan na nga siya nitong binitiwan. Mabilis na naglakad siya patungo sa sarili nilang silid na mag-asawa kung saan may sekretong isang kwarto na para sa kanya.
Ang totoo, hindi na niya alam kung nagsasabi ba sa kanya ng totoo ang asawa. Pero bakit kailangan pang patunayan ni Kervy sa kanya gayong alam naman niyang gano'n din ang gagawin nito sa kanya, hindi ba? Ang saktan siya dahil sa ginawa niyang pamimikot dito?
Pero bakit hindi gano'n ang nakikita niya sa asawa? Kundi bagkus ay mas ipinaramdam pa nga nito na mas mahalaga sila ni Marie para rito. O baka naman guni-guni niya lang iyon para mahatak siya sa planong nais nitong gawin?
Inis na binuksan niya ang naturang kwarto at pumasok sa loob diretso sa sariling pinto ng kanyang silid. Sumalampak siya sa sariling kama at tahimik na lumuluha. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa kakaiyak.
Kinabukasan maaga siyang nagising. Naligo, saka nagbihis. Kailangan niyang i-divert ang atensyon sa sariling negosyo at sa kanyang anak na si Marie.
Paglàbas niya ng sariling silid ay wala siyang nadatnan na Kervy sa sarili nitong kwarto. Siguradong umalis na ito papunta sa opisina.
Binuksan niya ang pinto at tinungo ang kwarto ng anak na si Marie. Kumunot ang kanyang noo nang hindi makita ang anak.
"Ma'am, nasa dinning na po sina Marie at daddy niya. Pinagluto raw po kasi siya ng kanyang daddy ng paborito niyang pagkain."
"Gano'n ba?" aniya.
"Sige, pakisabi na lang sa ilang kawaksi na dalhan ako ng breakfast sa may terrace, doon na lamang ako kakain," tugon niya.
"Yes, Ma'am."
Naglakad na siya patungo sa terrace dala ang sariling laptop. Busy siya sa kanyang negosyo. Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Mula sa sariling bulsa ay kinuha niya ito at tiningnan kung sinong caller, si Cleir ang kanyang sekretarya.
"Cleir?" sagot niya sa tawag.
"Ma'am, hinahanap ka po ni Ms. Boromeo. Nagtatanong siya kung kailan daw matutuloy ang meeting niyo regarding sa kanyang proposal."
"Sabihin mo na lang muna na busy ako," sagot niya.
"Okay po."
"I need to hang-up now, Cleir. Mamaya darating ako riyan."
"See you, Ma'am."
Pinatay na niya ang tawag. Naglakad na siya patungo sa terrace. Naupo siya sa couch at inilapag sa glass center table ang sariling laptop at binuksan iyon.
Kumunot ang kanyang noo nang biglang tumunog na naman ang kanyang cellphone. Nang silipin niya iyon, nakita niya ang pangalan ng kaibigang si Eula.
"Mommy!" Napaigtad siya sa matinis na boses ng anak na si Marie. Kasama nito ang ama na hawak pa ang isang kamay.
Ngumiti siya sa anak pati sa asawa. As usual, hindi sila pwedeng magtalo sa harapan ni Marie dahil iyon ang dapat nilang gawin bilang mga magulang nito.
Kahit na sabihing wala mang namagitang pag-ibig sa kanila ni Kervy, kailangan pa din nilang iparamdam dito ang pagpapahalaga ng isang pamilya alang-alang dito. Para sa anak kaya niyang magtiis.
"Are you not going to answer the call, hon?" nakangiting tanong ni Kervy sa kanya.
"Si Eula lang naman 'yan at sigurado naman akong maintindihan niya ako," sagot niya kay Kervy.
Tumatakbo si Marie sa kanyang gawi at sinalubong siya nito ng isang mahigpit na yakap at pinaulanan ng halik ang kanyang mukha.
Isang matamis na kagalakan sa kanyang puso na makitang masigla ang hikain niyang anak. Mahal na mahal niya si Marie at wala siyang kayang gawin para sa anak.
"Good morning, Mommy! Have you already eaten breakfast?" nakangiting tanong ni Marie sa kanya.
"Nope, pero nagpahanda ako sa kawaksi natin ng para breakfast ko, sweetheart."
"Dad cooked our favorite dish, I hope you get to taste it, Mommy."
"Well, of course! Luto iyan ng Daddy mo kaya hindi ko 'yan palalampasin," nakangiting tugon niya sa anak na hindi tumitingin kay Kervy.
Deep inside, hindi pa rin nagbabago ang damdamin niya sa lalaking lihim niyang minamahal. Malakas pa rin ang epekto nito sa kanya. Pero kailangan niyang huwag magpahalata rito. Hindi pa siya tapos sa kagaguhan na ginawa nito, ang panloloko nito sa kanya at pagsisinungaling.
"Ma'am, narito na po ang breakfast niyo. Sinigang na baboy po luto ni sir," nakangiting ani ng kawaksi.
"Pakilapag na lang muna sa mesa," utos niya.
"Mom, Dad mentioned that he wants to take me to SM. I really wish you could join us, would that be alright with you?"
Napasulyap siya sa asawa. Ngumiti siya rito. "Yes, of course!" Maagap niyang sagot.
Kahit na sabihing hindi abot sa tenga ang kanyang ngiti. Para sa anak lahat isaalang-alang niya.
"Sweetie, could you please accompany me to the garden to see the white roses you planted? We can come back here later when your Mommy is done having her breakfast."
"Okay, Dad!"
Nakangiting hinagkan muna siya ng anak. Lumapit sa kanya si Kervy, ang hindi niya inaasahan ay ang pag-halik nito sa kanyang mga labi.
Hindi niya napigilan ang pagkagulat.
"Hurry up, you know I don't like being kept waiting, Mrs. Del Mundo," mahinang bulong nito sa kanyang tenga pagkatapos ng halik na iginawad nito sa kanya.
Naikuyom niya ang dalawang-kamao sa narinig mula rito. Muntik na niyang makalimutan na kailangan niyang maging mabait na asawa sa kanyang asawa.