NANG makatulog na si Marie ay inayos niya ang kumot nito, hinagkan sa noo ng may buong-suyo saka siya lumabas sa kwarto nito. Nagulat pa siya nang mapagbuksan niya ang asawa. "Tulog na ba si Marie?" "Oo. Si Knox ba nasa kwarto na niya?" tanong niya rito. "Yeah," sagot ni Kervy sa kanya. Narinig niya ang marahas nitong buntong-hininga. "Tulad ko ba ay nagulat ka rin sa pagiging kamukha mo kay Knox gayong ang sabi mo ay walang nangyari sa inyo ni Uriel noon?" "Yes, at palaisipan sa akin kung bakit nabuntis si Uriel. Maliban na lang kung — nag-undergo siya ng artificial insemination." Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig kay Kervy. "Bakit mo naman nasabi at paano iyong mangyayari?" Nalilitong tanong niya. "May kaibigan akong fertility doctor, at isa ako sa mga nag-donate nang — spe