SA HULI ay pinili niyang huwag itong buksan, sa halip ay tinungo niya ang sariling banyo kahit pa nga sabihing nakaramdam siya nang guilt. Itinapat niya agad ang sarili sa shower. Napayakap siya sa sarili nang maramdaman ang malamig na tubig na ngayo'y pumapatak sa kanyang ulo at katawan. "Tama ba ang ginawa ko?" Para lang siyang baliw na kinakausap ang sarili. Pagkatapos niyang maligo ay agad na lumabas siya ng sariling banyo. Gano'n na lamang ang gulat niya sabay singhap nang madatnan ang asawa na prenteng nakaupo sa kanyang sofa. "P—Paano ka nakapasok dito?!" nauutal niyang tanong dito. Pilit pinapakalma ang puso dahil sa mabilis nitong pagtibok. Halatang tulad niya'y bagong ligo ito. Inayos niya ang suot niyang roba. "I can't sleep until I see some evidence that Eula has fabric