LIHIM siyang nakaramdam ng guilt. Dahil sa kanya ay naputol ang skating moment ng kanyang mag-ama. Damang-dama niya sa mga pagkakataong iyon ang labis na pag-aalala sa anyo ng kanyang asawa. Umaasa siyang tunay iyon at hindi pagkukunwari lang dahil nariyan ang anak nilang si Marie. Dinala agad siya ni Kervy sa hospital which is sobrang OA. Malayo lang naman sa bituka ang nangyari sa kanya. Isang simpleng sugat lang naman sa kabilang braso. "Dinala niyo pa ako rito, malayo lang naman ito sa bituka," nakangiting sabi niya. "Because that's what Dad and I should do, I'm the only one who insists on bringing you to the hospital. I just want to ensure your well-being, Mommy." Ewan niya ba kung magiging masaya siya sa narinig mula sa kanyang anak pero bakit may kakaiba siyang kirot na nadaram