Eula POV INIS na inilagay niya sa ashtray ang upos ng sigarilyo. Dinampot ang isang kopita at sumimsim. "Sa tingin mo kaya hindi magsasalita si Marie?" sarkastikong tanong sa kanya ni Evelyn. "Subukan lang niya at talagang makakatikim sa akin ang bwēsit na batang 'yon. Takot lang niya sa'kin." "C'mon, Eula. Idinamay mo pa ang walang-muwang na bata sa kagagahan mo?" Naiiling na tugon sa kanya ni Evelyn. "Kaibigan ba talaga kita o kaaway?" inis niyang tanong dito. "Ewan ko sa'yo. Ang mabuti pa tigilan mo na iyang kabaliwan mo kay Kervy. Hindi mo nga siya nakuha kay Uriel pero sa best friend mo namang si Lovie siya ikinasal." "Dahil masyadong malandi ang pútang-înang 'yon!" Galit niyang tugon. Nailing na lamang sa kanya si Evelyn. "Siguraduhin mo lang na hindi magsasalita si Marie.