ITINUON na lamang niya ang pansin sa breakfast na kinakain. Ang totoo, naiilang siya sa mga titig ng asawa. Pero hindi maitatangging kinikilig naman siya kaya lang pilit lang niya iyong pinapatay. "Hindi ka ba sasabay sa amin ni Marie? Ihahatid ko sila ni Yaya Oding sa school." Basag ni Kervy sa katahimikang namayani sa kanila. "Hindi na," tipid niyang sagot. Hanggang sa tumayo na siya dahil kailangan pa niyang pumasok sa opisina. Ilang araw na ring hindi niya nabisita ang Marie's Boutique. Halos liparin ng kanyang mga paa na lisanin ang dinning table. Nang marating niya ang grand staircase ng mansion at akmang aakyat na sana siya sa unang baitang nang marinig niya ang sigaw ni Marie. "Mom, Yaya Oding and I are going to leave. Daddy will be the one to give us a ride," masiglang tur