PAGKATAPOS niyang magawa ang pizza ay inutusan na niya ang ilang mga kawaksi na ihatid ang mga iyon kasama ang orange juice na kanyang ginawa. Naisipan na lamang niyang linisin ang ilang mga kasangkapan na kanyang ginamit sa paggawa ng pizza. Pagdakay, saka siya umakyat sa grand staircase ng mansion para magpahinga. Eksaktong gising na rin si Yaya Oding. "Ma'am, si Marie po?" "Nasa playground Yaya Oding kasama ang Daddy niya together with Mr. Walton and Eunice. Ikaw na ang bahala kay Marie, pakiusap huwag mong hahayaan na matuyuan ng pawis ang kanyang likod. Magpapahinga lang ako sa kwarto." "Sige po, Ma'am." Tumango lang siya rito, saka siya tuluyang umakyat sa hagdan at tinungo ang kwarto nilang mag-asawa. Pagkarating niya sa sariling kwarto ay ibinagsak niya ang sariling kataw