“Anika!”
Rinig kong pasigaw na tawag ni Nolan pero hindi ko siya pinansin. I pretend to be busy. Binuklat ko ang hawak na libro at lalong isinubsob ang mukha sa pagsusulat. Well, I'm actually doing my assignment naman. Medyo advance nga lang dahil kakatapos lang namin ng last subject at sa Monday pa ang submission noon. Friday pa lang ng hapon ngayon at halos lahat ng estudyante ay nagsipag-uwian na.
Pero dahil nga badtrip ako sa best friend ko, pumunta ako rito sa garden sa may bandang likod ng school at komportableng nakaupo sa bench na nasa ilalim ng malaking puno ng mangga. Sa lugar na ayaw niyang tinatambayan ko dahil delikado raw dito.
Tumingala ako nang padabog niyang ipinatong ang bag niya sa tabi ko.
“Kanina pa kita hinahanap, sabi ko na nga ba at nandito ka na naman,” nakasimangot na pakli niya habang kunot na kunot ang noo. "Ang tigas talaga ng ulo mo!"
“Sinabi ko ba na hanapin mo ‘ko? ‘Di ba nakikipaglandian ka sa classmate mo? Bakit nandito ka?”
“Ayun naman pala! Napaisip ako kung bakit nagpunta ka na naman dito. Dahil nakita mo pala kami Thalia,” anito habang nililigpit ang mga gamit ko.
Hinablot ko ang libro na basta na lang niya isinara. “Pakialamero ka ‘no?” singhal ko. “May ginagawa ako, ‘di ba? Nakikita mo ba, busy ako sa assignments ko?”
Muli niyang kinuha ang libro pati na rin ang ibang gamit ko na nakalatag sa upuan at isa isang ipinasok sa bag ko.
“Alam mo buds, sa tagal na natin magkaibigan, sinusubukan mo pa rin magsinungaling sa ‘kin,” iiling iling na sabi niya pagkatapos ay nakangising tumingin sa mga mata ko. “Alam kong hindi assignments ang ginagawa mo rito. Tara na, uuwi na tayo.”
Tinaasan ko siya ng kilay saka tumayo. “Umuwi ka mag-isa mo!” Kinuha ko ang bag ko mula sa kamay niya at mabilis na isinukbit iyon sa balikat ko.
“Buds, ‘wag ka ng magalit. Selos ka na naman. Nagpatulong lang naman si Thalia sa thesis niya. Saka next month ga-graduate na ‘ko, aawayin mo pa ba ‘ko?”
Hindi ko siya pinansin. Naiinis talaga ako at maalala ko lang kung gaano kalaki ang ngiti niya kanina habang hinaharot ng malandi niyang classmate ay gusto ko talaga siyang batukan.
Pero syempre hindi ko magagawa ‘yon dahil hindi naman kami. Ako lang naman si Anika Santillan na isang dakilang kababata at matalik na kaibigan para sa kanya na walang karapatang kalmutin sa mukha at sabutan ang lahat ng babaeng humaharot sa kanya kundi daanin na lang sa pagtatampo at pambabalewala ang kumag na ‘to para magkumahog papalapit sa ‘kin.
Siya si Nolan Villaraza, ang tinaguriang campus heartthrob. Ang nag-iisang lalaking inikutan ng mundo ko sa halos mahigit isang dekada ng buhay ko. We became friends when I was nine years old and he was eleven at that time. Lumipat sila sa probinsya namin at naging magkapitbahay.
He is about to graduate next month from Civil Engineering at ako naman ay isang nursing student at may isang taon pang natitira bago makatapos. Sa isang universidad lang kami nag-aaral kaya naman halos walang oras na hindi kami magkasama maliban sa oras ng klase.
We’ve been good friends for the longest time. Na minsan ay iniisip ko na sana ay hindi na lang. Because from the moment he chose to stay beside me and always been there for me, parang hindi ko na kaya ang mapalayo pa sa kanya. I used to depend on him. Sanay na ako na lagi siyang nasa tabi ko and I am his always priority.
Kaya naman kilalang kilala na namin ang isa’t isa. Demanding ako sa oras at atensyon niya na kahit kailan ay hindi niya inireklamo na sa tingin ko ay ikinatutuwa pa niya.
And that’s the reason why I always had the guts to throw tantrums and demand more of his time and attention. Pakiramdam ko kasi ay pareho kami ng nararamdaman at pagtingin sa isa’t isa.
Yes, I'm secretly in love with him. Kung kailan nagsimulang mahalin ko siya nang higit pa sa isang kaibigan ay hindi ko alam.
I know, there was no guarantee of where this love would lead me. Pero umaasa ako at nararamdaman ko na pareho kami ng nararamdaman para sa isa’t isa at ako ang tinutukoy niya na babaeng itinatangi niya.
“Bakit ba kasi kailangan mo pa utusan si Atomic na ihatid ako sa bahay?” nakasimangot na tanong ko na ang tinutukoy ay ang pinsan niya na nagtangkang manligaw sa akin noon.
Tumawa ito saka ipinatong ang isang kamay sa balikat ko at pinisil ang pisngi ko. Inirapan ko siya at inalis ang braso niya. “Ano ba?”
“Kasi nga, pinagbigyan ko na si Thalia at naririndi na rin ako sa kakulitan no’n. Eh may family dinner daw kayo sabi ni Jess at ibinilin sa ‘kin na siguraduhing makakauwi ka ng maaga.”
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang dinner out namin. Anniversary ngayon nila Mama at Papa at dahil ayaw daw nila ng bonggang celebration tulad ng mga nakaraang taon ay mas gusto daw nila na maging intimate lang ang pagsasalo salo namin.
Bukod sa hindi na sila mapapagod sa pagluluto ng maraming pagkain ay kailangan daw namin magtipid dahil sa lumalaki rin ang gastos namin para sa maintenance ng gamot ni Papa.
May heart viral infection kasi ito at noong nakaraang taon lang namin natuklasan.
“Hala, lagot ako! Bakit kasi ngayon ka lang?” pakli ko habang mabilis na lumalakad.
Nauna na akong tumakbo patungo sa parking lot ng university kung saan nakaparada ang luma niyang kotse.
“Buds, magdahan-dahan ka naman. Madadapa ka na!”
“Bilisan mo na dali, akin na ang susi ng kotse mo,” nakalahad ang kamay na utos ko habang patuloy sa patakbong paglalakad.
“No! Ayoko pa mamatay.” Pinindot nito ang susi ng kotse saka nilampasan ako. "At isa pa luma na nga itong kotse ko, baka mas lalong mapaaga ang pagdispatsa nito kapag ikaw ang nagmaneho."
Binuksan niya ang passenger seat at tila hinihintay na makasakay ako. Bahagyang napataas ang kilay ko dahil alam na nga na nagmamadali ako ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Pwede naman na hayaan na ako at dumiretso na lang siya sa driver’s seat para walang masayang na oras. But he is the most perfect gentleman na nakilala ko. He always put my safety and security first, minsan nga ay medyo OA na.
“Ako na, dali na. Lagot talaga ako nito kay Mama.”
Mabilis naman niyang isinara ang pinto pagkapasok ko sa kotse at patakbong umikot sa unahan. Ikinabit ko ang seatbelt habang hindi mapakali at panay ang tingin sa relos na suot ko.
“Relax! Ako’ng bahala sa ‘yo,” nakangiting sambit nito nang sa wakas ay nakalabas na kami sa campus.
Ilang minuto lang ay nasa bahay na kami. Pero sa pagkadismaya ko ay wala ng tao doon. Kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan si Papa pero inagaw iyon ni Nolan.
“I’ve already talked to Tito Ben at ako na ang nag-explain sa kanya kaya ka male-late sa dinner n’yo. So now, change your clothes para maihatid na kita,” anito na prenteng umupo sa sofa at umupo ng naka-de kwatro saka kumindat.
Pinigilan ko ang mapangiti at tinaasan siya ng kilay. “Mabuti naman dahil kundi dahil sa ‘yo kasama na nila ako ngayon. Hmp!”
Tinalikuran ko siya at tuloy tuloy na pumasok sa kwarto ko saka pinakawalan ang matamis na ngiti. Maybe it doesn’t mean anything pero kinikilig ako. Nature n’ya na ang magpa-cute sa akin but I can’t help to give meaning behind those sweet gestures.
Mabilis akong naligo pagkatapos ay nagbibis. Baka mainip na sila Mama kakahintay sa ‘kin at tuluyan na akong mapagalitan. Pero sigurado naman ako na lusot na rin ako kay Mama dahil nakapag-alibi na pala si Nolan. As usual, nabola na naman siguro ng lalaking ‘yon ang mga magulang ko.
He has this charm, hindi lang sa akin kundi pati na rin kila Mama at Papa. At kung susuriin lang na mabuti, boto sila kay Nolan para sa akin pero ang problema ay hindi naman kami. Sa halip, matalik lang na magkaibigan.
Napangiwi ako nang pumasok sa isip ‘yon. Konti na lang at mapupuno ko na ang iniipon kong lakas ng loob at ako na mismo ang magtatapat sa kanya. At kung kinakailangan ay magpapaturo na rin ako kay Jess kung paano ko gagawin iyon.
Napatingin ako sa pinto nang marinig ang katok doon. “Buds, matagal ka pa ba? Baka midnight snack na ang abutan mo roon.”
Sa halip na sumagot ay binuksan ko ang pinto pero laking gulat ko ng mapasubsob siya kaya’t napaurong ako pero mabilis niyang nahapit ang bewang ko para hindi ako tuluyang matumba pero kasabay noon ang hindi inaasahang paglapat ng mga labi namin.
Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya. Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang mundo ko pero ang nakakapagtataka ay parang rinig na rinig ko ang malakas na t***k ng puso ko at ang sobrang bilis ng t***k nito.
Hindi pa tuluyang naa-absorb ng utak ko kung paano nangyari iyon pero naramdaman ko na lang ang paglayo ng labi niya sa pagkakalapat sa labi ko at inalalayan ako upang makatayo nang maayos.
Napakagat ako ng labi habang siya naman ay iniiwas ang mga mata sa akin. “Bakit kasi bigla bigla mo na lang binubuksan ang pinto?”
Ngumuso ako. “Eh bakit ba kasi sumasandal ka d’yan sa pinto na alam mo naman na may tao sa loob? Tinawag mo ‘ko, ‘di ba? So, pinagbuksan kita."
Hindi ito sumagot pero nanatiling nakatingin sa mukha ko. Ilang sandaling bumaba ang tingin nito sa labi ko.
Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko kaya bigla akong tumikhim at tinabig siya upang makalabas at itago ang pamumula ng mukha ko.
Matagal ko rin naman inasam ang mahalikan niya pero bakit ngayong nangyari na ay abot abot ang kaba ng dibdib ko at hindi ko maunawaan ang emosyon sa mga mata niya na hindi ko rin nagawang titigan nang matagal.
Ganoon ba talaga ang pakiramdam na mahalikan sa unang pagkakataon? Nagustuhan din kaya niya?
Napapikit ako at kagat ang labing pasimpleng hinaplos iyon.