“Hoy! Anong nginingiti ngiti mo riyan?”
Gulat akong napaangat ng ulo at nasalubong ang nang-iintrigang tingin ni Jessica, ang kakambal ko. She looks stunning even in a simple family dinner like this. Pero kahit naman magsuot siya ng simpleng damit ay kusang lumulutang ang ganda niya.
Fraternal twins kami at magkaibang magkaiba rin ang ugali. Madaldal siya, tahimik ako. Suplada siya, friendly naman ako. Maputi siya, morena ako at dahil iyon sa hilig ko sa mga sports at school activities na madalas ay nabibilad sa araw samantalang si Jess naman ay napakaalaga sa kutis. Mahilig kasi siyang sumali sa mga beauty pageant at rumaraket din minsan sa pagmo-modelo.
Pero sabi nila pareho raw kaming maganda. ‘Yon nga lang, mas malakas ang charm at s*x appeal niya kaysa sa akin sa tingin ko.
Napakagat ako ng labi at tiningnan ang mga magulang ko na parehong nakatingin din sa akin.
Si Papa ay nakangiti habang si Mama naman ay katulad ng tingin ni Jess na tila binabasa ang mga mata ko.
Natatawang umiling ako. “Wala! Naalala ko lang ‘yong nakakatawang sagot ng classmate ko sa recitation kanina,” pagdadahilan ko.
Tumaas ang kilay ni Jess na alam kong hindi naniniwala sa sinabi ko. Of course, she’s my twin sister. Alam niya kung kailan ako nagsasabi ng totoo at kung kailan hindi.
And based on her reaction, alam kung uulanin ako ng tanong nito mamaya pag-uwi namin at hindi ako palalabasin sa kwarto hanggang hindi ako nagsasabi ng totoo.
“Ma, may pupuntahan pa ba tayo after dinner?” pagliligaw ko sa usapan.
“Gusto sana ng Papa mo na manood ng sine.”
“Wow, talaga? Game ako diyan!” excited na sagot ko pagkatapos ay tumingin kay Jess na bahagya lang ngumiti. “Ayaw mo?”
Ngumuso ito saka tumingin kila Papa. “Ma, pwede bang hindi ako sumama? Tatawag daw kasi si Vincent mamaya. Sabi niya ay baka raw matagalan na ulit bago siya makatawag. Alam n’yo naman ‘yon sobrang busy pa sa pinaka-busy.”
Ang tinutukoy nito ay ang boyfriend nito ngayon na isang US Navy, na as of the record ay ang pinakamatagal na niyang naging boyfriend. Five months to be exact. Nakilala raw niya ito sa huling beauty pageant na sinalihan niya.
Actually, hindi ko na matandaan kung pang-ilang boyfriend niya na ang Vincent na iyon. Jessica is a playgirl and heartbreaker daw sabi ng marami. At hindi iyon alam ng mga magulang namin.
But I know for sure na hindi naman siya lumalampas sa limitations niya sa pagbo-boyfriend and that’s the reason na rin siguro kaya pinapayagan siyang mag-boyfriend ng mga magulang namin.
Well, hindi naman mahigpit sila Mama at Papa when it comes to our personal life. I can also have boyfriend if I will choose to. At katulad ni Jessica ay marami rin naman ang gustong manligaw sa ‘kin but I always turn them down sa umpisa pa lang.
Dahil nga may hinihintay ako at siya lang ang gusto kong maging boyfriend at kung hindi rin lang naman siya ay di bale na lang. Ang tanong lang ay kung hanggang kailan ako makapaghihintay sa napaka-torpe kong best friend.
Feeling na kung feeling pero alam ko na may pagtingin din siya sa ‘kin. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. It was my first kiss at sobrang saya ko na siya ang nagparanas sa akin noon.
“Ok, ihahatid na muna kita—”
“Hindi na Papa, sayang ang oras at gasolina kung magpapabalik balik ka. Kaya ko naman umuwi mag-isa.”
Tumango naman si Papa bilang pagsang-ayon. Ilang minuto pa kaming masayang nagkwentuhan saka lumabas ng restaurant.
Pagdating sa bahay ay dumiretso ako agad sa kwarto. Excited na kasi akong i-kwento kay Jess ang nangyari sa ‘min ni Nolan.
Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako at alam kong kanina pa iyon napapansin nila Mama na mabuti na lang at hindi nila inuusisa ang dahilan.
Naabutan ko si Jess na akmang isasara ang laptop nang buksan ko ang pinto. Mukhang kakatapos lang nila mag-usap ng boyfriend niya.
“Hey! Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa tapos ang last full show ah?” balewalang tanong nito.
Umupo ako sa gilid ng kama. “May nadaanan kasi kaming coffee shop, ayon nagyaya si Papa.”
“Ah!” Bumangon ito sa pagkakadapa at nakangiting tumingin sa ‘kin. “What’s behind those smiles, huh? Kanina ko pa nararamdaman na kinikilig ka…Kayo na ba ng bestfriend mo?”
I knew it! Wala talaga akong maitago sa kakambal ko. Well, lahat naman ng bawat pangyayari sa buhay namin dalawa ay lantad sa isa’t isa. ‘Yon nga lang, mali siya ng hula this time.
She’s not only my sister but also my girl best friend. Madalas man na magkaiba kami ng ugali, hindi naman naging hadlang iyon para maging malapit ang loob namin sa isa’t Isa.
Huminga ako nang malalim saka hinawakan ang kamay niya saka nagniningning ang mga matang tinitigan siya. “Twinny, I had my first kiss!” mahinang tili ko..
Umawang ang bibig niya habang nanlalaki ang mga mata. “For real? Kayo na?” nakangiting tanong nito.
Unti unting nawala ang ngiti ko at ngumuso saka umiling.
“Aray!” nagulat ako ng sapukin niya ako ng mahina. “Bakit?”
“Gaga ka pala eh! Nagpahalik ka na agad pero hindi pa kayo? Aba, masyado naman sinu-swerte ‘yan best friend mo. Dinaan na lang sa friendship at tinamad ng manligaw! ‘Wag siyang magpapakita sa ‘kin kundi makakatikim talaga ng sampal ‘yan lalaking ‘yan.” naiinis na litanya nito.
Hinigit ko ng bahagya ang buhok niya saka tiningnan siya nang masama. “Napaka-eksaherada mo talaga ‘no? Pwede ba patapusin mo muna ang kwento ko?”
“Bakit? Ano pa ba—”
Tinakpan ko ng isang kamay ang bibig niya. “Shut up!” Putol ko sa sasabihin nito. “Gan’to kasi ‘yon…Kinatok niya ko rito sa kwarto kanina para pagmadaliin kasi nga baka raw mapagalitan na ako ni Mama.”
“You mean, dito sa kwarto? Dito kayo—”
“Kakalmutin ko talaga ‘yan balat mo kapag hindi ka tumigil!” naiinis kong putol sa malisyosa niyang dila.
Bigla naman nitong itinikom ang bibig and gestured like zipping her mouth. Iyon kasi ang isa sa weaknesses niya, ang magalusan ang mala-porsela niyang kutis.
“Good! So ayon nga, hindi ko alam na nakasandal siya sa pinto kaya pagbukas ko, na-out of balance siya. He bumped into me and accidentally squeezed his soft lip against mine,” muli akong napangiti habang sinasabi iyon. “Alam mo ‘yon, gano’n pala ang lasa ng first kiss. I feel like I was in a cloud nine.” Tila nangangarap pa na sambit ko.
Tumikwas ang nguso nito habang tila naman hindi makapaniwala sa sinasabi ko saka inalis ang kamay na nakahawak sa kamay ko. “Ano ba ‘yan? Akala ko pa naman ay may something na sa inyo. Aksidente lang pala. I bet, it didn’t last even ten seconds,” wari’y dismayadong saad niya.
Hindi ko siya pinansin at hindi rin ako nagpaapekto sa sinabi niya. Ewan ko ba, hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti tuwing maalala ko iyon. Kahit pa sabihin na aksidente lang ang halik na iyon, it seems to mean a lot for me.
“I don’t care. Ang importante ay siya ang first kiss ko at sisiguraduhin ko na siya rin ang last.”
“I can’t believe you,” umiiling na sambit nito. “Twinny, there are plenty of fish in the sea. Why are you sticking with that Nolan na mukha naman na wala yatang balak na higitan ang pagkakaibigan n’yo?” sambit nito na biglang natutop ang sariling bibig. “Sorry. I mean no offense. Ayoko lang na masaktan ka.”
I shrugged. Sabi nila kakambal na raw ng pagmamahal ang masaktan. At hindi mo masasabing totoo kang nagmamahal kung hindi mo mararanasan iyon. And I really love him that’s why I'm willing to take the risk to get hurt basta mabigyan lang ako ng pagkakataon na mahalin siya.
“Ready naman ako masaktan kaya nga I’ve decided to tell him what I really feel. At si Nolan ang gusto ko at pipiliin ko, kahit pa umulan ng mga lalaki sa labas.”
Gulat na napatitig siya sa ‘kin na para bang umamin ako sa isang krimen. “Sigurado ka?”
Walang alinlangan akong tumango. Buo na ang desisyon ko at gagawin ko ang plano kong iyon sa araw mismo ng birthday namin ni Jessica.
I don’t want to think about anything else except for his positive response. At nasa modern generation naman kami and it’s normal nowadays for girls to make the first move.
May mga lalaki lang talaga na masyadong torpe. O siguro ay natatakot lang si Nolan na magtapat ng nararamdaman niya dahil baka natatakot itong masira ang friendship namin. Which I really doubt will happen.
Kaya ako na ang kikilos. Sayang ang panahon na hindi namin naipaparamdam ang pagmamahal namin sa isa’t isa ng higit sa pagiging matalik na magkaibigan.