Hating gabi na pero kanina pa ako pabali-baliktad sa kama ko at wala yatang balak na dalawin ng antok.
I already called Charlie pero ang bakla ay kina-cancel ang tawag ko. Gusto ko lang sana na mag-unwind o mas tamang sabihin na uminom ng alak to calm my nerves ngayong gabi.
Pero dahil wala akong kasama na lumabas ay sinubukan ko na lang na matulog ng maaga pero heto nga at halos limang oras na yata akong nakahiga ay parang nagsisimula pa lang ang araw sa pagka-aktibo ng utak ko.
Mahigit isang buwan ko na rin naman pinaghandaan ito pero bakit ngayon ay hindi ko maintindihan ang eksaktong nararamdaman ko. Am I just too excited?
But definitely not nervous. Dahil wala naman akong dapat na alalahanin. I have survived my three years here in Canada and for those years, nagawa kong paghilumin ang sugat na dala dala ko rito.
And I can say that I am strong enough to face those people who’ve hurt me without holding any bitterness in my heart. Maybe, I should be grateful for what happened in the past, instead. I became strong and unexpectedly found my strength that I never imagined that I have in my whole life. And most of all, I've learned not to depend on anyone else except myself.
Masasabi kong, successful naman ang paglayo ko both in career and in heart. Naging diversion ko kasi ang trabaho ko while I was mending my first broken heart. At dahil sa sakit at pagkabigo ay nagawa kong hanapin at mas pagbutihin pa ang sarili ko.
Sabi nga nila, when God closes a door, He will open the window. And I am the living proof of that bible quote.
Nabigo ako sa unang lalaking minahal ko but it led the way to the betterment of the people I care about.
Dahil sa kabiguang iyon ay napunta ako sa bansang ito at nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isa sa mga pinakamalaki at marangyang hospital dito sa Canada na naging dahilan upang maipagamot namin si Papa at madugtungan ang nanganganib niyang buhay noon.
Naging sandata ko ang sakit upang mas maging matatag at mas pagbutihin pa ang trabaho para sa pamilya ko na hindi naman nagtagal ay nagbunga ang lahat ng pagsisikap ko. In less than a year, mula ng nag-trabaho ako rito, I became a registered nurse.
I earned a satisfying income with my chosen field. Has a wonderful working environment with friendly colleagues and co-workers. I also have some friends and nice neighbors.
Kung tutuusin ay wala na akong mahihiling pa sa dami ng biyayang natanggap ko. Kung meron man siguro ay love life na lang. Pero masyado pa akong nag-eenjoy sa trabaho ko. But of course, sometimes I dated random guys but I never have plans to get into a serious relationship. Tama na ang fling lang muna with some limitations. Syempre, I need to put some spice on my serious life at hindi naman porke nasaktan ako noong una ay ide-deprive ko na rin ang sarili to enjoy life with opposite s*x.
Besides, I am still too young. But my painful experienced from my first love gave me a lot of reasons to guard myself from any chance that may lead me to experience it again.
In short, baka takot lang ako na masaktan muli kahit na sigurado ako sa sarili na I’ve totally moved on. O siguro ay baka hindi ko pa lang talaga name-meet ang true love ko that’s why I’m still comfortable with having flings and making friends to whoever wants to court me.
Sigurado ako sa bagay na iyon. But why do I feel so uneasy now? Kahapon ay ipinaalam sa akin ng Head Nurse namin na granted na ang two months vacation na hinihingi ko at ilang oras na lang ay nakatakda na akong lumipad pabalik ng Pilipinas.
I actually filed my vacation leave last month nang tumawag sa akin si Jessica, ang kakambal ko na ikakasal na siya. At kailangan kong umuwi sa pamimilit na rin nila Mama at Papa na dapat ay nandoon din ako sa napakahalagang araw na iyon para kay Jessica. At syempre, ako rin nga pala ang kinuha niyang maid of honor sa kasal niya.
How sweet of my sister talaga! She’s going to marry the man I loved, lumayo ako at nagparaya. (Kung pagpaparaya nga bang matatawag ‘yon dahil sa umpisa pa lang naman ay hindi naman pala ako minahal ng higit pa sa isang kaibigan ng nag-iisang lalaking minahal ko.)
Pagkatapos ngayon ay pauuwiin ako just to witness their matrimonial vows? Well, sabi ko nga naka-move on naman na ako. So, walang kaso 'yon. At kung hindi ako uuwi ay baka isipin pa nila na hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kanila.
At ‘yon ang ayokong maramdaman at isipin nila. Dahil burado na ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Tanging magagandang alala na lang ng nakalipas ang nanatili sa puso ko.
I love Jessica. She’s the only sister I have. Siya man ang dahilan kung bakit lalo akong nasaktan noon ay hindi sapat na dahilan iyon para sisihin ko siya habambuhay at maging hadlang sa kaligayahan niya. Nagmahal lang naman din siya at kailanman ay hindi maaaring ituring na kasalanan ang magmahal.
Gusto kong makita nila na tanggap ko na ang kapalaran namin tatlo para magaan ang kalooban nila sa pagsisimula nila ng bagong buhay bilang mag-asawa at tuluyang maging maligaya. They deserve to be happy. Happiness ng dalawang taong tunay na nagmamahalan.
Besides, three years are long enough para makasama ko naman ang pamilya ko. Kaya siguro hindi ko matukoy kung anong nararamdaman ko ngayon is because I missed them a lot.
I get up. Six hours from now ay flight ko na. I took a bath and changed my clothes. I already packed my bags and finally got ready to go.
Nag-iwan na lang ako ng note para kay Charlie na kaibigan kong doctor at housemate na rin. Pinoy din siya na pinalad na makakuha ng trabaho rito sa Canada base sa kursong tinapos niya. Marami rin kasi rito na Pinoy nurses pero Doctor ang tinapos sa Pilipinas.
Uuwi rin siya at magbabakasyon kasabay ko pero tatapusin muna niya ang monitoring ng tatlong araw sa isang pasyente niya na may cancer.
I took a deep breath and smiled at the reflection I was looking in front of the mirror. Then I took out my cell phone from my bag and stared at the photo sent by Jessica.
It was a photo of the bride and groom to be. Actually, marami iyon shots. Jessica asked me once kung alin daw sa mga iyon ang mas maganda for invitation.
And I honestly chose the one I think is best that I am now staring at. Pero kahit alin naman doon ay maganda at perfect couple silang tingnan.
Napatitig ako sa larawan ni Nolan. He still handsome and manly. Parang medyo nangayayat lang ito ng konti pero mas pumusyaw ang kulay. O siguro ay dahil matagal kong pinigilan na makibalita at kumustahin ito kaya tingin ko ay malaki ang ipinagbago nito.
Sunod kong tiningnan ang kapatid ko. Their eyes were both full of contentment and happiness lalo na sa mga larawan na tinitingnan nila ang isa’t isa.
They really look so much in love. And I am happy for them. Mabuti na lang at hindi ko ipinagpilitan ang sarili ko o ipinaglaban ang pagmamahal ko noon kung hindi ay tatlo sana kaming magiging miserable ngayon.
I closed the photo gallery at nagtipa sa messenger ko. ‘I’m leaving, Papa. See you in a bit. I love you!”