“Bakit ‘di mo sinabi na maysakit ka?” naiinis kong tanong kay Nolan.
Pinilit ko siyang inihatid dito sa ospital dahil sobrang taas ng body temperature niya kahit pa sobra sobra ang pagtanggi nito dahil mawawala rin daw iyon.
Pero dahil nurse ako ay alam ko rin kung kailan kailangan na ng agarang medication ang isang taong maysakit na hindi maaaring ipagsawalang bahala.
“Paano mo natiis ‘yan? Sabi ni Tita Eva ay mahigit isang linggo nang pabalik balik ang lagnat mo pero binabalewala mo lang,” sermon ko sa kanya. “Tapos ayaw mo pa raw magpa-check up. Lagi mo sinasabi, matigas ang ulo ko pero ano sa palagay mo ang ginagawa mo?” Tuloy tuloy na litanya ko.
Muli kong tiningnan ang temperature niya at nakahinga ako nang maluwag ng masiguradong bumaba na ito.
“Aray! Ang sakit ng ulo ko,” anito na biglang hinawakan ang ulo saka mariing pumikit.
“Ha? Saan? Masakit pa rin ba?” natatarantang tanong ko. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang noo nito.
Kanina lang ay okay na siya kaya naman sobra ang pag-aalala ko na baka hindi lang simpleng trangkaso ang tumama sa kanya tulad ng sinabi ng doctor.
I was in deep thought nang bigla na lang nito hinawakan ang batok ko at kinabig pababa sa mukha niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang maglapat ang mga labi namin. Kumilos ang isang kamay nito at ipinulupot sa likod ko dahilan upang pati katawan ko ay lumapat sa katawan niya.
Naramdaman ko ang mainit nitong labi na naghatid ng ibayong init sa buong katawan ko. At hindi ko alam kung dulot ba iyon ng lagnat nito na tila naghatid din ng kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.
Gusto kong papaniwalain ang sarili ko na epekto lang iyon ng pagdantay ng balat nito na kasalukuyang wala sa normal na temperatura. Pero bakit pati ang puso ko ay parang hinahabol sa sobrang bilis? Mas mabilis kaysa sa dati kong nararamdaman noong kinikimkim ko pa sa sarili ko ang pagmamahal ko sa kanya.
Narinig ko ang mga yabag sa labas ng ward na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. ‘My gosh, nasa ospital kami pero anong ginagawa namin?’
Itinuon ko ang mga kamay ko sa dibdib niya saka pinilit na tumayo. Pero hinuli niya ang kamay ko kaya’t muli akong napaupo sa gilid ng kama. Pinanlakihan ko siya ng mata pero ngumisi lang ito at bahagyang kinagat ang labi habang pinapanood ang pagkatatanta ko.
Nahihiyang iniiwas ko ang tingin at itinuon iyon sa pinto na agad na bumukas. Tumingin din siya roon at napangiwi nang makilala ang bagong dating na walang iba kundi ang makulit nitong pinsan.
Napapikit ako at wala sa sariling nakagat ang labi ko at bahagyang tumagilid ng upo.
“Anong—”
Hindi nito itinuloy ang sasabihin kaya napamulat agad ako ng mga mata.
“Anong ginawa n’yo, ha?” nakakunot ang noo na tanong nito habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
Tila tuod itong nakatayo sa may pinto habang hawak pa ang doorknob na hindi pa nagawang pumasok.
Ramdam ko ang pag-init lalo ng mukha ko nang mapansin ang malisyosong tanong at mga tingin nito.
Tumingin ako kay Nolan na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi habang nakatitig sa akin saka tumingin sa pinsan nito. “Ano’ng ginawa?” tanong nito na sinabayan ng mahinang tawa. “Ikaw, anong ginagawa mo rito?”
Bumangon ito saka umupo sa kama at tumabi sa akin.
Pumasok naman si Atom at umupo sa isang monoblock na upuan sa medyo may kalayuan sa kama. “Nagpunta ‘ko sa bahay n’yo at sabi ni Tita ay kasama mo raw si Icca, my loves. At itinuro ako rito ni Jess–"
Napatigil ito sa pagsasalita pagkatapos ay nakakunot ang noong napatitig kay Nolan nang makita nito ang pag-abot nito sa kamay ko.
Napansin ko ang unti-unting paglaho ng mga ngiti nito. Nakatingin ito sa mga kamay namin. “Kayo na?”
Mula kay Nolan ay lumipat sa akin ang nagtatanong nitong mga mata. Tumingin ako kay Nolan na alam kong matamang nakatingin sa akin simula pa lang na mag-usisa ang pinsan nito. Kumurap ako at bahagyang ngumiti.
Ngumiti rin ito saka muling tumingin kay Atom na tila naiinip at naiinis habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.
Tumango si Nolan. “Girlfriend ko na si Anika,” sambit nito na ngayon ay seryoso nang sinalubong ang seryoso at nag-uusisang mga mata ni Atom.
Ilang sandaling dumaan ang katahimikan. Maging ako ay hindi nakapagsalita habang walang nagawa kundi ang magpalipat lipat ang tingin sa magpinsan na matagal na nakatitig sa isa’t isa.
I don’t know the meaning behind those gazes pero nakaramdam ako ng tensyon sa mga sandaling iyon.
Maya maya pa ay tumayo si Atom na mapaklang ngumiti habang bahagyang umiling. “So, congrats!” anito na hindi nakatakas sa paningin ko ang pagguhit ng galit sa mga mata nito. Lumabas ito pagkatapos ay marahas na isinara ang pinto.
Napakislot ako sa gulat at nagtatakang tumingin kay Nolan na ngayon ay nabahiran na ng lungkot ang masayang mga mata kani-kanina lang.
Pagkatapos ng ilang sandaling pagpako ng mga mata nito sa nakasaradong pinto ay tumingin siya sa ‘kin sandali saka yumuko.
“A..anong nangyari?” nagtatakang tanong ko. Ngayon pa lang ay may nabubuo nang hinala sa isip ko nang posibleng dahilan ng reaksyon nito pero tingin ko naman ay hindi aabot sa ganoon ang nasa isip ko.
Pero hindi ko maiwasan ang magtaka at mag-alala dahil ngayon ko lang nakita ang ganoong reaksyon kay Atom. Madalas ay palabiro ito at ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang nagalit.
“Wala ‘yon. Masama lang siguro ang gising no’n kaya gano’n,” sagot nito na ramdam kong pilit lang ang mga ngiti.
“Sigurado ka ba?”
Itinaas nito ang kamay at hinaplos ang pisngi ko. “Sigurado ako. Tara na?” Yaya nito saka tumayo habang hawak hawak ang kamay ko.
Hindi ko na siya pinilit na magpa-confine pa rito sa ospital dahil sinigurado naman ng doctor na hindi na delikado ang trangkaso nito. At mabilis din gagaling basta’t kailangan lang sundin ang oras at dosage ng pag-inom ng gamot.
Pagdating sa bahay nila ay sinigurado ko muna na maayos na ang pakiramdam niya bago ako nagpaalam kay Tita Eva para umuwi.
Inihatid ako nito sa labas at nagpasalamat. Nagulat pa ako nang yakapin ako nito at bumulong na masayang masaya siya na tinanggap ko ang anak niya.
Gusto ko sana sabihin sa kanya na mas nagpapasalamat ako sa anak niya dahil sa umpisa pa lang ay pinahalagahan na ako nito at minahal na alam kong tulad ko ay higit pa sa pagiging matalik na kaibigan ang tunay na nararamdaman.
“Alam ko naman na mahal na mahal n’yo ang isa’t isa at saksi ako roon mula pa noong mga bata pa kayo kaya ang maipapayo ko lang sa inyo, sana ay pairalin n’yo lagi ang pagmamahal sa paggawa ng anumang desisyon. There are lots of hindrances along the way in any relationship at iyon ang nagpapatatag dito. Kaya nasa sa inyo na kung paano n’yo iha-handle iyon, ok?”
Nakangiti akong tumango rito bilang sagot. Bilang isang Ina ng lalaking minamahal ko ay nag-uumapaw ang puso ko sa mainit na pagtanggap nito sa akin bilang nobya ng nag-iisa nitong anak.
Pero may kung anong kaba ang naramdaman ko habang pinakikinggan ko ito. Ganoon ba talaga iyon? Hindi ba pwede na masaya na lang at wala ng pagsubok na dumating sa amin?
Pero wala naman talagang perpekto sa mundo. Wala naman nabuhay na puro saya lang. Wala ngang perpektong tao, relasyon pa kaya?!
But whatever tomorrows would bring to us, nakahanda ako. Lalo na ngayon na may sapat na akong dahilan at karapatan upang ipakita at patunayan ang pagmamahal ko sa lalaking una at tanging itinitibok ng puso ko.