Chapter 13

1541 Words
Nakangiti akong pumasok sa basketball court kung saan nakahanda na ang lahat para sa huling araw ng medical mission dito sa Barangay. Sa unang pagkakataon ay nahuli ako ng dating sa oras na dapat ay nandito na ang lahat ng volunteer. Paano kasi ay halos alas-dies na nang umuwi si Nolan kagabi at kung hindi ko pa siya ipinagtabuyan ay hindi pa rin ito uuwi. Napasarap kasi ang paglalaro namin ng baraha pagkatapos ng hapunan na lalong tumagal nang sumali sa amin si Jessica. Ipinaalam na rin namin kina Mama at Papa ang tungkol sa relasyon namin ni Nolan at wala akong nakitang pagtutol sa mga magulang ko. Tingin ko nga ay parang mas ikinapanatag pa ng loob ni Papa nang si Nolan mismo ang nagsabi rito nang tungkol sa amin. Katunayan ay ito mismo ang nag-imbita rito kagabi na sa bahay maghapunan at si Papa pa mismo ang nagluto. “Blooming Anika, ah!” bati ni Doctor Salas na nakasalubong ko. Inilapag ko muna ang bag na nakasukbit sa likod ko sa mahabang upuan sa gilid ng court saka kinuha ang hawak na medicine kit ni Doc. Matamis na ngiti ang isinagot ko rito. “Pasensya na, Doc, ha? Napasarap po kasi ang tulog ko kaya na-late ako ngayon.” “Naku, ayos lang iyon at parami naman ang volunteers natin. And thanks to Doc Oliver. Tingnan mo oh,” sambit nito na itinuro ang gawi ng isang table na may ilang pasyente ang nakapila na ang ilan ay nagkakandahaba ang leeg sa pagtanaw sa doctor na nasa harapan nila. “Hindi lang volunteers ang dumami pati pasyente na hindi ko alam kung saang banda ng katawan ang gustong ipa-check up kay Doc,” umiiling at natatawang dagdag nito. Itinikom ko ang bibig at pinigilan ang tumawa dahil sa sinabi nito. Obvious naman talaga na ang iba sa mga nakapilang pasyente ay mukhang gusto lang makalapit kay Doc Oliver at wala naman talagang sakit na kailangang ipa-check up. Mula nang dumating ito ay pansin namin ang pagdami ng gustong mag-volunteer na karamihan ay mga babae na kahit kailan ay hindi pa namin nakasama sa alinmang activity namin. At karamihan din sa mga ito ay wala sa itsura ang kagustuhan na umasiste sa mga pasyente kundi ang sumunod at magpa-cute lang kay Doc Oliver kaya madalas ay napapailing na lang si Doc Salas. Tiningnan ko si Doc Oliver na busy sa pag-iistima sa isang babaeng pasyente na halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong sleeveless na blouse at halos mapunit na rin ang labi sa sobrang lapad ng ngiti habang titig na titig dito. Napangiti ako. ‘Ano kaya ang sakit ng babaeng ‘yon?’ Sabagay, hindi naman nakakapagtaka at hindi ko rin masisisi ang mga babaeng ito. Bukod sa napaka-gwapo ni Doc Oliver, maganda ang pangangatawan, matangkad, mayaman at masipag ay napaka-gentleman din nito. Laging may baong ngiti sa kahit na kanino at may malasakit sa kapwa lalo na sa mga matatanda. Kung susuriin lang ang kilos at ugali at hindi aalamin ang family background nito ay hindi mapagkakamalan na galing ito sa marangyang pamilya. Napataas ang mga kilay ko at ngumiti nang mapagawi ang tingin nito sa akin at sinenyasan akong lumapit sa kanila. Huling huli lang naman nito na pinagmamasdan ko siya. “Anika, pakikuha naman ang BP ni Nanay at paki-monitor muna ang heart rate niya,” seryoso ang mukha nito habang nagsasalita na tila naman hindi napansin ang matagal kong pagmamasid sa kanya. Itinuro nito ang matandang nakasunod sa pila. “Nanay, dito ka muna sa kabilang table. Sinunod n’yo po ba ang ibinilin ko sa inyo kahapon?” Inalalayan ko ang matandang babae na nakangiting tumango habang nakahawak sa dibdib nito. Siguro ay nasa sixties na ito. Halos araw araw na itong pumupunta rito mula ng magsimula ang medical mission sa Barangay na ito. Masyado kasi itong nag-aalala sa kalusugan nito dahil kakamatay lang daw ng asawa nito na nag-umpisa ang pagbagsak ng katawan mula nang ma-heat stroke. Nang dumating ang oras ng pananghalian ay eksaktong naubos na rin ang mga pasyente. At dahil last day na ngayon ng medical mission at kinabukasan ay babalik na ang ilang volunteer doctors ay nagyaya ang mga ito na sa labas sila kumain. Syempre kasama kaming lahat na volunteers. Tumawag muna ako kay Nolan at ipinaalam dito ang napag-usapan ng grupo para hindi na siya magpunta rito para sunduin ako. Na sakto naman na hindi niya talaga ako masusundo dahil may biglaang lakad daw ito. Napansin ko ang isa isang nag-aalisan na sasakyan ng mga doctor kaya agad kong inilagay sa bulsa ang cellphone pagkatapos namin mag-usap saka lumabas. Nadatnan ko si Doc Oliver na nakatalikod sa gawi ko na tila may kinukuha sa loob ng kotse. Maya maya ay humarap ito, hawak ang isang bottled water na binubuksan nito saka uminom mula rito. Napatingin ito sa akin saka nakangiting ibinaba ang hawak na bote. “Let’s go? Nakapagpaalam ka na ba sa boyfriend mo?” nakangiting tanong nito. Bahagyang napaawang ang labi ko sa tanong nito. Sa pagkakaalam ko kasi ay best friend ang pakilala ko sa kanya noon lay Nolan.Bahagya akong tumango saka ngumiti. “Nauna na yata sila?” tanong ko nang mapansin na wala na ang mga kasamahan namin at kami na lang ang naiwan. Lumingon ito saka tumango. “Umuna na sila. Sumunod na lang daw tayo. Sa El Cristina, alam mo raw ‘yon?” tanong nito habang binubuksan ang passenger seat ng kotse nito. “Yup! Medyo malapit lang ‘yon,” I cheerfully replied saka pinaunlakan ito nang isenyas ang nakabukas na pinto ng kotse nito para sumakay ako. Dahil sa ilang araw namin magkasama ay naging panatag na ako rito. Magaan siyang kasama at kahit yata sino ay hindi maaalangan dito. Bukod na sadyang mabait ito ay marunong makisama at hindi suplado. Halos labinlimang minuto lang ay narating na namin ang tinutukoy nitong restaurant. Sikat ang lugar na ito rito dahil ito lang ang ang nag-iisang mamahaling restaurant dito sa bayan namin. Karaniwan ay mga mayayaman ang madalas na customer dito. At bihira lang ang mga masasabing may kaya sa buhay ang talagang nakaka-afford dito. Pagdating sa loob ng restaurant ay nadatnan namin na masayang nagtatawanan ang mga kasamahan namin na tila inaasar na naman si Thea na isa din sa mga volunteers na aminadong may crush kay Doc Oliver. Bahagya pang namula ang mga pisngi nito nang makita ang pagdating namin. Diretso kami sa pagpasok at lumampas sa dining hall papunta sa may bandang likuran ng restaurant. Pinili kasi ng mga ito ang outdoor dining area dahil siguro mas maaliwalas at mas malaki ang mga table doon kung saan karaniwang malaking grupo ang umuokupa roon. “Um-order na kami, ha? Ang tagal n’yo kasi. Heto ang menu, mamili na rin kayo ng gusto n’yo,” ani Doctora Salas habang inaaabot sa amin ang dalawang listahan ng menu. Nagpasalamat ako kay Doc Oliver pagkatapos nitong hilahin ang upuan sa tabi ni Doktora Salas para sa akin saka ito naupo sa kasunod na upuan sa tabi ko. Napatingin ako kay Thea na ramdam ko na kanina pa nakamasid sa amin. Pilit itong ngumiti nang magtama ang mga paningin namin. Tipid ko siyang nginitian at kinindatan na agad naman niyang naunawaan ang ibig sabihin. Humingi kasi ito ng pabor na kung maaari ay ito ang sumama rito pagpunta sa Ilaya falls na gusto nitong puntahan na agad ko naman sinang-ayunan. Kaya gumawa ako ng dahilan para hindi ito masamahan bukas kung kailan nakatakda ang pamamasyal sana namin. Medyo nakokonsensya naman ako dahil doon pero alam ko naman na walang intensyon na masama si Thea. At isa pa ay hindi ko alam kung paano magpapaalam kay Nolan na alam kung hindi makakasama bukas dahil luluwas daw ito ng Maynila. Halos mahigit isang oras kami nanatili doon. Lulubusin na daw ng mga ito ang huling araw nila dito sa lugar namin dahil hindi na sila sigurado kung kailan ulit makakabalik dito. Palabas na kami ng restaurant nang mapansin ko ang dalawang customers sa may bandang sulok ng restaurant. Bahagyang lumingon ang isa kaya agad kong nakilala. Si Nolan ang isa sa mga iyon na nakatalikod sa gawi ko kaharap nito ang isang middle aged man na sa unang tingin pa lang ay halatang may pagka-superior ang dating. Base sa postura at kilos nito ay halatang may sinasabi ito sa buhay. Prenteng nakasandal ito sa upuan habang nakangising titig na titig kay Nolan. Hindi ko man lubusang nakikita ang reaksyon ni Nolan ay nararamdaman ko naman na may parang may tensyon sa pagitan ng mga ito. “Shall we go?” untag ni Doc Oliver na nagpabalik ng diwa ko. Tiningnan ko siya saka umiling. “Ummm, Doc, ok lang ba na hindi na 'ko sumabay sa inyo pag-uwi?” Kumunot ang noo nito saka binaybay ng mga mata kung saan ako nakatingin kanina. Ilang sandali iyong tumingin doon saka tumango tango. “Are you sure? Mukhang busy siya,” sambit nito. I knew Nolan. Kahit gaano pa ito ka-busy ay hindi ako nito kayang balewalain. Tumango ako. “Sure na sure,” nakangiting sagot ko. Lumabas ako at tinungo ang mga kasamahan namin na naghihintay sa labas saka nagpaalam isa-isa sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD