Pasimple kong kinagat ang labi ko habang muli akong iginiya ni Nolan papasok sa bahay nila. Sa unang pagkakataon ay parang gusto kong kabahan sa pagharap sa Mommy niya.
Napatingin ako sa magkahugpong na mga kamay namin. Hawak hawak niya iyon ng mahigpit na tila ba tatakas ako anuman oras.
Nilingon niya ako saka nakangiting kumindat. Napilitan naman akong ngumiti saka bahagyang hinila ang kamay ko upang patigilin siya sa pagpasok.
Nilingon naman niya ako habang hindi nawawala ang malaking ngiting nakapaskil sa mga labi nito.
“Ummm..Nolan, siguro uuwi muna ako. A..ano kase may gagawin pa ako,” pagdadahilan ko.
Unti unting nawala ang ngiti nito saka tinitigan akong mabuti. “Gano’n ba? Hindi na ba ‘yon makakapaghintay?”
Umawang ang labi ko pero walang salitang lumabas doon. Paano ba ako magdadahilan dito kung ang tititigan ko ay ang nakikiusap niyang mga mata na mas malamang ang pagkadismaya?
Napalunok ako saka wala sa sariling napailing. “H..hindi naman.”
Napangiwi ako. Ano ba’ng nangyayari sa ‘kin at bakit pati pagsasalita ko ay hindi ko rin magawang ibalik sa normal? Ganito ba talaga ang pakiramdam na magka-boyfriend? Hindi naman kasi ako ganito ka-conscious sa harap nito kahit in love na ako sa kanya noon pa.
Napapikit ako ng mariin habang kagat kagat ang labi ko.
“What’s wrong?”
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at nahihiyang ngumiti sa kanya. “Eh kasi..si Tita—”
“Yes? Ako ba ‘yon?”
Sabay kaming napalingon ni Nolan sa pinagmulan ng boses at nasalubong namin ang nakangiting Mommy niya na pababa ng hagdan. Matamis ang ngiti nito at tila nanunudyo ang mga tinging palipat-lipat sa amin ni Nolan lalo na ng mapagawi ang mga mata nito sa mga kamay namin na magkasalikop pa rin pala hanggang ngayon.
Muli naman lumingon sa akin si Nolan na bahagya kong pinanlakihan ng mga mata. Pero ngumisi lang ito saka tumabi sa akin at humarap sa Mommy niya.
“Mom, meet Anika, my girlfriend.”
Napakurap kurap ako kasabay ng pag-awang ng bibig ko nang mabilis na lumapit sa akin ang Mommy niya at mahigpit akong niyakap.
“I knew it! My instinct never fails me,” sabi nito saka kumalas sa pagkakayakap sa akin. “Thank you for being with my son, Anika and for accepting him. Ang alam ko kasi, matagal ka ng crush niyan,” bulong nito pero sapat naman para marinig ng anak.
“Ma,” natatawang tawag nito na hindi naman itinanggi ang sinabi ng Mommy niya.
“Oh siya, maiwan ko na muna kayo. I've only checked on you dahil lumabas ka raw. Nag-aalala lang ako dahil sobrang init sa labas eh baka mabinat ka, hindi ka pa lubusan gumagaling ay nagawa mo na naman lumayas,” may halong sermon nito sa anak.
“Who told you?”
“Si Atom, kanina ka pa raw niya pinapauwi dahil sabi niya ay mukhang nilalagnat ka pa rin pero ayaw—”
“Ok na ok na,” putol nito sa sinasabi ng Mommy niya. “Sige na, Ma. Susunduin na lang kita mamaya, ok?”
Napangisi naman ang Mommy nito na iiling iling na nagpaalam sa amin. "Fine! Babalik na muna ako sa shop. Hindi ko na rin naman kailangang mag-alala dahil kasama mo na si Anika," sabi nito bago tuluyang lumabas ng bahay.
Tumango na lang ako at sinundan ito ng tingin hanggang tuluyang lumabas saka hinarap si Nolan.
“Kelan ka pa nagkasakit?” nag-aalalang tanong ko.
Napakunot ang noo ko nang maalala na halos lagi itong pumupunta sa bahay namin na ilang araw ko rin iniwasan pero kung hindi ako nagkakamali sa pagkaintindi sa Mommy nito ay hindi lang ngayon nagsimula ang pagsama ng pakiramdam nito na akala ko ay dahil sa pagpapalipas nito ng gutom kanina.
“’Wag mo nang itanong, ok naman na ako,” sagot nito saka hinawakan ako sa kamay at pinaupo sa sofa. “Gusto mo bang magpahinga muna? Alam kong pagod ka.”
“Pero sabi ni Tita—”
“Hahalikan kita kapag hindi ka tumigil,” nakangiting banta nito.
Pinagmasdan ko siya nang lumapit siya sa pinto at ini-lock nito iyon.
Bigla akong napatayo at lumapit sa kanya. “Hoy, bakit mo ini-lock ‘yan?” natataranta kong tanong.
Kahit naman kasi head over heels ako sa kanya ay malinaw pa rin sa akin ang limitasyon ko. At sabihin man na advance akong mag-isip pero kailangan ko lang gwardyahan ang sarili ko lalo na ang puso ko.
It may be my first time to get into a relationship but I’m not naïve.
Natatawa itong lumingon sa akin saka malambing na hinawakan ang kamay ko at muling iginiya patungo sa mahabang sofa kung saan ako nakaupo kanina. “Relax! Ano ba sa tingin mo kung bakit ko ini-lock ‘yong pinto? Eh dati nga nagkukulong pa tayo sa kwarto ko,” nakangising tanong nito.
“Iba noon, mga bata pa tayo at mag-bestfriend lang tayo at iba na ngayon dahil…”
“Dahil?” tanong nito habang nakangiting nakatitig sa akin. Saka sandaling tumungo at hinawakan muli ang isang kamay ko at hinaplos haplos iyon at muli akong tinitigan pero this time ay sa mga labi ko na tumigil ang mga mata nito.
‘Gosh! Bakit ngayon ko lang napansin ang landi ng lalaking ito? ‘Wag mo ‘kong titigan ng ganyan baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.’
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. “Dahil…ano..syempre..ano tayo…”
“Anong ano tayo?” nakakaloko pa rin ang ngiting tanong nito.
“Kasi nga…tayo na!” nahihiya kong sagot na dinaan na lang sa pagtataray para maikubli ang pamumula ng mukha ko.
“So?”
“Anong so? Uuwi na ‘ko,” pakli ko. Sa totoo lang ay parang maiihi na yata ako sa kilig. At hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko na halos maglulundag na yata pati ang puso ko.
At sa tagal namin magkasama ay ngayon ko lang naramdaman ang mataranta sa harapan niya.
He was just staring at me the whole time with amusement in his eyes. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako but I can see and feel the happiness in it. Siguro ay pareho kami ng nararamdaman sa mga sandaling ito pero ako lang ‘yon masyadong over mag-react which I find it unfair. Relax na relax siya samantalang ako ay gulong gulo na ang buong sistema.
Tumayo ako nang hindi siya nagsalita at tuloy tuloy na naglakad patungo sa pinto. But he suddenly grab my hand kaya napapihit ako paharap sa kanya.
“Ok, ihahatid na kita,” anito na dinukot ang susi sa bulsa ng pantalon niya.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa kotse. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Pasimple ko siyang sinusulyapan habang busy siya sa pagmamaneho.
Pagkatapos itigil ang kotse sa harap ng bahay namin ay agad siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. I accidentally touch his arm at laking gulat ko nang maramdaman ang sobrang init ng balat niya.
Itinaas ko ang kamay sa leeg at noo niya upang salatin iyon. Noon ko lang napansin na malamlam na muli ang mga mata nito.