“Kambal, nasa labas si Nolan.”
Nilingon ko si Jess na kadarating lang. Galing ito sa rehearsal sa isang beauty pageant na sinasalihan nito ngayon.
“Sinabi mo ba na nandito ako?”
“Hindi. Hindi ko naman alam na nandito ka.”
“Pakisabi wala ako rito at hindi mo alam kung nasa’n ako.”
Wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya. Masyado pang masakit para sa akin ang reaksyon niya. Buti na lang at hindi niya ako diretsong binasted, at baka nagpakamatay na ‘ko pag nagkataon. Pero syempre, hindi ko gagawin ‘yon. Sobrang mahal ko kaya ang pamilya ko.
“Aba, mahigit isang linggo mo na yata hindi kinakausap ang bestfriend mo ah! Ano bang nangyari? Nasabi mo na ba sa kanya ang gusto mo sabihin?”
Tumigil ako sandali sa binabasa ko saka nakasimangot na tiningnan siya. “Hindi…Hindi ko na pala siya type.” I lied.
Tama nang kay Nolan lang ako napahiya. Dahil baka pagtawanan lang ako nito kapag ikinuwento ko pa kung paano ako ako dinedma ng lalaking iyon.
Sinipat niyang maigi ang mukha ko pero walang alinlangan ko naman sinalubong ang mga mata niya.
I know she’ll not be going to believe what I’ve said kaya kailangan kong ipakita na totoo ang sinabi ko na mukha naman napagtagumpayan ko.
“Lumabas ka na at sabihin mo wala ako rito.”
“Ok,” anito na bahagyang napatango-tango. “Sabi mo eh!”
Ilang minuto pa ay tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko lang kung sino ang tumatawag at nang makumpirma ito ay inihagis ko sa tabi ang cellphone.
Pero kinuha ko ulit iyon at sandaling nag-isip. Hindi naman pwede na iiwasan ko na lang siya. Hindi naman niya kasalanan na hindi kami pareho ng nararamdaman sa isa’t isa.
I reluctantly pick up the phone and answer his call.
“Hello?”
“Anika,” paos ang boses na sambit nito sa kabilang linya.
“Pasensya ka na, busy kasi ako. Nag…nagpunta ka raw sa bahay?”
“Pwede ba tayong mag-usap?”
“Umm…oo naman,” pilit kong pinakaswal ang boses ko pero ang totoo ay gusto ko nang umiyak. Miss na miss ko na siya pero hindi ko pa siya kayang harapin. “Pero hindi ngayon, ha? Ano kasi…busy lang…Tatawagan kita, ok? Bye!”
I immediately hang up the phone. Isinubsob ko ang mukha sa unan habang inihahampas ang kamay sa kama. I want to see him pero kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil ayokong kaawaan niya ako.
Kailangan ko muna ng sapat na oras para maka-move on. At hindi ko magagawa iyon kung lagi ko pa rin siyang makakasama o makikita.
Lumipas pa ang isang linggo na hindi ko pa rin siya kinakausap. I always find a way to escape. Kung saan saan ako nagpupunta na mga medical mission at nagbu-volunteer bilang staff na mostly ay dito lang sa bayan namin.
Bukod sa sobra kong nae-enjoy ang ginagawa ko ay unti unti ko na rin nakakalimutan na heartbroken ako
“Anika? Mas maaga ka yata ngayon. Salamat ulit at hindi ka napapagod sa mga medical mission natin,” ani Doktora Salas na isang pediatrician, nasa middle age na ito. “Siya nga pala, may volunteer doctor tayo ngayon from Manila.”
“Ok, Doc. Aayusin ko lang ang mga gamot na dala ng staff. At naka-set na rin ang table. May ilan na rin pong pasyente ang nagpalista,” saad ko habang inilalapag ang mga bottled water sa mesa.
Nakangiting tumango ito pagkatapos ay isinuot na ang white gown uniform nito.
Pumasok ako sa loob ng medical center na pansamantala naming gamit dito sa Barangay.
Inilapag ko sa table ang ilang medicine kit na kinuha ko sa loob nang lumapit sa akin si Doc Salas kaya agad akong tumunghay?
“Anika?”
Napatingin ako sa katabi nito na tumawag sa pangalan ko. Napangiti naman agad ako nang makilala ito. Tatawagin ko sana siya sa pangalan niya pero bigla akong nag-alangan nang makita ang suot nitong white gown.
“Doc Oliver?”
“Magkakilala na kayo?” nagtatakang tanong ni Doc Salas.
“Yes, Doc. She’s a friend of mine,” nakangiting saad nito saka bumaling sa akin. “Nice to see you again, Anika. Volunteer ka ba rito?”
I smiled and nodded.
“Naku, 'yan ang pinaka-active na volunteer dito. Suki ko na ‘yan,” nakangiting sagot nito. “Napakasipag na bata.”
Nakangiting tumingin ito kay Doktora pagkatapos ay muling bumaling sa akin. “Good. So it means, magkaka-trabaho pala tayo for one week?”
Tipid na tango lang ang isinagot ko. Hindi dahil sa ayoko siyang kausap kundi marami na ang mga dumarating na pasyente. I don’t usually good at chit chat lalo na at nasa trabaho. Pero napansin ko ang pagbabago ng anyo nito na tila napahiya sa naging reaksyon ko.
Ok nga naman ang una namin pagkikita pero ngayon ay parang nasupladahan ko siya kaya I gave him my genuine smile. “Nice to see you again, Doc Oliver. Maiwan ko muna kayo dahil dumarami na ang mga pasyente.”
Lumingon siya at sinundan ang tinitingnan ko. Tila nagulat naman ito sa nakitang kumpol ng mga taong papasok sa basketball court kung saan karaniwang ginagamit namin sa mga ganitong medical mission kahit saang Barangay o lugar.
“Alright! See you around, Anika.” Muling sumilay ang matamis na ngiti nito.
Ngumiti rin ako pagkatapos ay mabilis na lumapit kay Doktora Salas upang i-assist ito.
Sa dami ng pasyente ay halos hindi na kami nakapag-merienda nang maayos. Marami kasi ngayon ang nagkaroon ng sakit na tigdas at karamihan sa tinamaan ay mga batang edad sampu pababa.
Kaya naman naka-alert ang lahat ng Barangay sa buong bayan namin. At sa mga ganito rin pagkakataon mas importante na hindi magkaroon ng delay lalo’t dito lang umaasa ang mga mga karaniwang mamamayan na walang kakayahang magpagamot sa mga pribadong clinic o ospital.
Pasado alas-dos na nang sa wakas ay maubos ang pasyente. Agad na nagpaalam si Doktora Salas dahil may emergency daw ito na pupuntahan.
Kumuha ako ng food pack at nakiumpok sa mga kasamahan kong volunteer at sinimulang kumain.
“Anika, sasama ka ba ulit bukas?” tanong ni Princess na isa rin nursing student sa kanilang university. Pero nasa second year pa lang ito ng nursing.
“Oo. Ikaw ba?”
“Hindi na kasi start na ng SPES, kailangan ko muna unahin ‘yon para siguradong makakapag-enroll ako sa pasukan. Alam mo na,” nakangiting sambit nito.
Ang tinutukoy nito ay ang summer job na ibinibigay ng munisipyo namin para sa mga estudyante na gustong kumita habang bakasyon.
“Gano’n ba? Hala, wala na pala akong makakasabay sa lunch at merienda,” nakangusong sagot ko.
“Excuse me, pwede ba akong maki-share sa inyo?”
Sabay kaming napatingala ni Princess sa biglang nagsalita sa harap namin. Medyo nagulat pa ako at ngayon ko lang naalala na narito nga pala si Oliver este si Doc Oliver.
“Oo naman, Doc.”
Hinila nito ang upuan sa bandang kanan ko. Pagkatapos ay binuksan ang food pack na dala nito.
“Pasensya na, ha? Nakaistorbo ko yata ang pagku-kwentuhan n’yo,” nakangiting saad nito na tumingin sa amin ni Princess.
“Hindi naman po, Doc. Tapos na nga po kami kumain,” sabi ni Princess na binigyan ako ng makahulugang tingin. “Mauna na po ako sa inyo, Doc Oliver…Anika. Kailangan ko pa kasing pumunta sa munisipyo ngayon.”
Tumango ako. “Ingat Princess. Good luck sa work. Silip ka minsan sa ‘min, ah?” bilin ko.
Nag-thumbs up ito habang isinusukbit ang back pack sa likod saka mabilis na naglakad palayo.
“Kumusta ka naman dito as volunteer?” Nilingon ko si Doc na tuloy sa pagkain. Mukhang napagod din ito.
“Umm, ok naman. Medyo nakakapagod pero nag-e-enjoy naman ako,” sagot ko saka uminom ng tubig.
“Good pero dapat may allowance kayo rito. Hindi rin kasi biro ang ginagawa n’yo. Medyo toxic ito sa mga estudyante pa lang na katulad mo,” anito na sinang-ayunan ko naman. “I’ve been in different medical mission at isa ito sa mga challenging area.”
“Bakit ka nga pala nakasama rito? Ang layo nito sa Maynila ah!”
“Actually, si Lolo ang nag-request sa akin na subukan mag-volunteer doctor dito. Try ko raw pag-aralan ang sitwasyon dito sa probinsya kahit ilang araw lang at mas marami raw akong matutunan at mare-realize na makatutulong sa propesyon ko which I hardly get it,” naiiling na sagot nito.
“I see…Siguro, gusto ka lang makasama ng Lolo mo.”
Nagkibit ito ng balikat. “Pero since makakasama naman pala kita during my stay, ok na ako,” nakangiting sambit nito. “Wala naman kasi akong kakilala rito and honestly, si Doc. Salas and Doc Rico lang talaga ang familiar sa ‘kin.”
Tumango-tango ako. Wala naman problema sa ‘kin. Mabuti nga iyon para may iba naman akong makakasama sa trabaho at baka marami rin akong matutunan sa kanya pagdating sa field namin.
“Ok lang ba sa ‘yo, Anika?”
“Sure! Pwede mo rin akong gawin tour guide, mura lang naman ang PF ko,” biro ko.
His face lit up. “Why not? Kahit doblehin ko pa ang sahod mo,” ganting biro nito. “Sabi ni Lolo ay marami raw magagandang lugar dito.”
“Oo naman! Kahit konti lang ang matataas na building dito hindi katulad sa Maynila, marami naman kaming maipagmamalaking tourist attraction dito.”
And then I almost narrate all the places that he will possibly like to visit.
“So, it’s a deal? Kelan mo uumpisahan ang pagiging tour guide ko? We only have busy mornings but we are free on the afternoon.”
Napakunot ang noo ko habang napapangiti. “Oy, binibiro lang kita sa tour guide tour guide na ‘yan. Sasamahan na lang kita minsan kapag free ako.”
He looked at me with disappointment saka napatango-tango. Pero hindi ko na lang binigyang pansin.
Pagkatapos namin nananghalian at iligpit ang mga kagamitan ay isa-isa na rin nagsipag-uwian ang mga kasamahan namin.
He offered me a ride na tinanggap ko naman. Itinigil niya ang kotse sa tapat ng gate namin pero nang malaman na wala sa bahay sina Mama ay hindi na ito pumasok pa.
Nang makaalis ang sasakyan nito ay saka ko lang napansin ang kotse na nakaparada sa kabilang gilid ng kalsada. Huli na para makaiwas ako dahil nakita ko na lang ang mabilis na paglabas doon ni Nolan na agad na lumapit sa akin.