Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o tatalikuran. Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya at naramdaman ang paghawak sa braso ko.
Kumurap kurap ako at pasimpleng iniiwas ang braso ko kasabay ng pag-iwas ng mga mata ko sa matiim na titig niya.
Malamang ay galit siya sa pag-dedma ko sa kanya nitong mga nakaraang araw pero hindi ba’t sapat naman ang rason ko kung bakit ko iyon ginagawa?
Babae ako. Nagmahal, umasa, nasaktan at napahiya. Hindi madaling tanggapin ‘yon. Hindi ba niya maintindihan na kailangan ko muna ang dumistansya sa kanya?
Alam kong alam niya ang nararamdaman ko para sa kanya at nagawa pa niyang daanin sa biro iyon bago ang birthday ko. Kaya anong dahilan nito ngayon para umasta na parang siya pa ang dehado? At para lumapit sa akin na parang balewala lang ang ipinagtapat ko sa kanya.
Oo nga’t magkaibigan kami sa matagal na panahon at unfair sa kanya ang pag-iwas ko dahil hindi naman niya kasalanan na hindi kami pareho ng nararamdaman para sa isa’t isa pero sana naman, at least, marunong siyang lumugar at umintindi.
What happened back then has already happened. I’ve said what I shouldn’t have said. At ayoko man tanggapin pero may nagbago na sa pagitan namin dalawa. At tingin ko ay hindi na namin maibabalik ang dati namin samahan at nakasanayan.
Lumunok ako. “Bakit ka ba nandito?” tapang-tapangan tanong ko.
“Bakit mo ‘ko pinagtataguan?”
“Busy ako sa medical mission. Anong pinagtataguan ang mga pinagsasabi mo?”
“Nakalimutan mo na ba kung ilan taon tayong magkasama? Alam ko kung anong oras ka umuuwi at umaalis at pati na rin ang mga pinupuntahan mo. I even know when you’re telling the truth or lie!”
Umismid ako at mapaklang ngumiti. Alam nga niya, manhid nga lang. “Alam mo naman pala, so dapat alam mo rin kung ano ang reason ko.”
Lumamlam ang mata nito na lalong nagpabigat ng dibdib ko. Tinabig ko siya at akmang tatalikod pero mabilis niya akong pinigilan sa braso.
“Alam ko. Kaya nga nandito ako, ‘di ba?” maagap na sagot nito.
Matapang kong sinalubong ang tingin niya. “Fine! Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Pagod ako at gusto ko nang magpahinga.”
“Pagod ka? Parang hindi naman ‘yon ang nakita ko kanina habang kasama mo ang doctor na ‘yon.”
Napaawang ang labi ko habang nakakunot ang noo. Paano niya nalaman na si Doc Oliver ang naghatid sa akin eh hindi naman ito lumabas ng kotse nang ihatid ako kanina?
“Magkasama kami sa medical mission at masarap siyang kasama kaya hindi ko naramdaman kanina ang pagod.”
Gumalaw ang panga nito habang mas lalong tumalim ang tingin sa akin. Tiningnan ko naman siya na walang emosyon.
Bigla ay nakakuha ako ng pagkakataon na ibangon ang nasaktan kong ego sa pag-amin ko ng nararamdaman sa kanya na binalewala lang niya.
“May sasabihin ka pa ba? Kailangan ko ng magpahinga dahil may lakad pa kami ni Oliver mamaya,” mataray na pagsisinungaling ko.
He deeply frowned and our eyes met for a moment. Pero hindi ko iyon matagalan kaya’t ako ang unang nagbaba ng mata.
Narinig ko na lang na may kausap siya sa telepono.
“Yes, Tito. Ihahatid ko rin po siya agad. Salamat po.”
Ibinalik niya sa bulsa ng pantalon ang cellphone at agad na hinawakan ako sa braso at hinila patungo sa kotse niya.
“Sandali! Ano ba?” protesta ko na walang nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Parang wala siyang narinig at hindi pinansin ang pag-agaw ko sa kamay ko na mahigpit niyang hawak.
Pwede naman ako magpumiglas nang buksan niya ang pinto ng kotse at pinilit ipasok dito pero parang may sariling isip ang katawan ko na nagpatianod na lang sa ginagawa niya.
I rolled my eyes habang pinapanood siya hanggang sa makaupo ito sa driver’s seat at agad na pinaandar ang makina ng kotse.
I kept silent habang siya ay tila malalim ang iniisip habang nagmamaneho.
Nalaman ko na lang na bahay pala nila ang tinutungo namin. Nagtatakang napatingin ako rito nang tumapat ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay nila.
“Anong meron? Bakit tayo nandito?”
He pulled the car over and stared at me. “Masama ang pakiramdam ko at gusto kong ipagluto mo ako ng seaweed soup.”
Napaawang ang labi ko at napalitan ng pag-aalala ang inis na nararamdaman ko. Kaya pala malamlam ang mga mata nito kanina dahil may dinaramdam ito.
I suppressed the urge to see if he was telling the truth. Baka kasi pina-prank lang ako nito. But he suddenly grabbed my hand and put it into his forehead.
“Ang init mo, ah!” natataranta akong napaharap sa kanya. “Kanina ka pa ba nilalagnat?”
Hindi ito sumagot at mataman lang na nakatingin sa akin. Lumabas ako ng kotse at nagmamadaling binuksan ang pinto sa tapat niya.
Inalalayan ko siya papasok ng bahay. Walang tao roon dahil ang Mama nito ay madalas na nasa bake shop na negosyo nito.
Since sanay na ako rito ay hindi ko na kailangang itanong sa kanya kung saan nakalagay ang medicine kit nila kaya tuloy tuloy ako sa loob at kinuha iyon habang siya ay nakasunod lang ang mga mata sa akin habang nakaupo sa sofa.
Nang makita ko ang paracetamol ay kumuha ako ng tubig at agad na ipinainom sa kanya.
“Mahiga ka muna diyan. Igagawa kita ng soup,” sabi ko habang inilalapag ang baso sa center table. “Teka, ano bang ginawa mo at nilagnat ka? Anong kinain mo?”
Umiling ito na ikinakunot ko ng noo. “Ang tanong ko, kung anong kinain mo kanina?”
“Hindi nga ako nag-lunch,” tila inis na sagot nito saka bumaling patagilid sa akin.
Tumayo ako sa harap niya at namaywang. “Baliw ka ba? Anong oras na, hindi ka pa nagla-lunch?”
Hindi niya ako pinansin at parang batang nakayuko habang nagta-tantrums.
Naiinis na nagtungo ako sa kusina nila at naghanap ng pwedeng iluto nang mabilisan. ‘Ano ba naman kasi ang ginawa ng lalaking ‘to at pati pagkain ay hindi na nagawa?’ maktol ko.
Wala naman problema kung asikasuhin ko siya dahil nasanay na rin ako roon at nakasanayan na rin ng Mommy nito na ako ang nag-aalaga rito tuwing may sakit ito.
Pero iba na ngayon. Kung palagi pa rin akong nasa likod niya tuwing kailangan niya ako ay ako lang ang lalong masasaktan. I should start to distance myself from the possible unbearable consequences.
‘Ngayon lang ito, Anika! Nasa period of adjustment pa kayo, kumbaga.’ I thought.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko ng lutuin ang seaweed soup. Iniinit ko na lang sa microwave ang nakita kong ulam sa ref at mukhang bagong luto lang din naman ang kanin na nakita ko sa rice cooker.
He obediently ate habang panaka-nakang tumitingin sa akin. Pagkatapos kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan niya.
He was standing behind me all the while. At hindi ko mapigilan ang ma-conscious. I know he was looking at me the whole time. Ano ba ‘yan? Kailan pa ako na-conscious sa presensya ng lalaking ‘to?
Agad kong pinunasan ang mga kamay ko pagkatapos kong hugasan ang mga ginamit ko sa pagluluto. Hindi naman niya ako katulong kaya bahala na siyang magligpit no’n.
“Ok ka na ba? Aalis na ‘ko,” sabi ko habang papalabas ng kusina.
But he suddenly blocked my way. “Masama pa rin ang pakiramdam ko,” tila nakikiusap na sambit nito.
Tinitigan ko siya and the I frowned. ‘Wag kang marupok, Anika!’
“Tatawagan ko na lang si Tita para ipaalam na may sakit ka.”
“Busy si Mommy.”
“Busy din ako. Isa pa, bakit ako ang kailangan magbantay sa’yo? Ako ba ang nanay mo?”
“Hindi! Pero ikaw ang magiging Nanay ng mga anak ko.”
Gulat akong napatingin sa kanya. Seryoso ang mukha nito habang walang kurap na nakatingin sa mga mata ko.
Napalunok ako at marahas na tinabig ito at mabilis na nilampasan siya. Pinaglalaruan ba ako nito?
Nakakailang hakbang pa lang ako ay naramdaman ko na ang pagpigil sa braso ko. Pumiksi ako pagkatapos ay humarap sa kanya.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” pigil ang galit na tanong ko. “Masaya bang paglaruan ang damdamin ko?”
Bahagyang kumunot ang noo nito. Mula sa mga mata ko ay bumaba ang tingin nito sa mga labi ko.
Napalunok ako nang yumuko ito at unti unting inilapit ang mukha sa akin. Napapikit ako nang marahang lumapat ang malambot niyang labi sa labi ko. Kasabay noon ang paghawak niya sa leeg ko at marahang hinaplos ang pisngi ko.
Napakapit ako sa mga braso niya dahil tila nanlambot ang mga tuhod ko at siguro ay naramdaman niya iyon kaya mabilis niyang ikinawit ang braso sa baywang ko.
Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang mundo ko. I don’t know what to do or react at that moment. Blangko ang utak ko at sa sobrang pagkakadikit ng mga katawan namin ay halos marinig ko na ang t***k ng mga puso namin.
I kept my eyes closed at hinayaan siya sa ginagawa. Parang napawi ang lahat ng sama ng loob at sakit na naramdaman ko sa loob ng mahigit dalawang linggo. At kung panaginip lang ito ay ayoko ng nagising pa.
Iminulat ko ang mga mata nang pinaghiwalay niya ang mga labi namin at nasalubong ko ang pilyong ngiti nito.
“I think it's about time to teach you how to kiss.” He chuckled.
I blushed while biting my lips. “Bakit mo ‘ko hinalik—”
He pressed his lips on mine again and pinned me on the wall before I protested.
Nasa ganoon posisyon kami nang biglang bumukas ang pinto kaya’t sabay kaming napatingin sa gawi noon.
At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang Mommy niya na tila nagulat din sa nasaksihan.
Sa takot ay bigla ko siyang naitulak saka tumayo nang maayos at hindi ko malaman kung paano sasalubungin ang tingin ng Mommy niya.
“Sorry, I should knock first. ‘Don’t mind me,” sabi nito habang nakangiti. “Ang init!!” Dagdag pa nito habang papasok sa kusina at tinapik sa balikat ang anak.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko na walang nagawa kundi sundan ito ng tingin hanggang sa tuluyang makapasok sa kusina.
Hindi ko alam kung anong mainit ang tinutukoy nito. Kung mainit ba ang panahon o ang nadatnan niya.
Naiinis na tiningnan ko si Nolan na ngiting ngiting nakatingin sa akin.