Chapter 7

1738 Words
Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nasalubong ko ang nakangiting mukha ni Nolan na mabilis na lumapit sa akin. “Kanina pa ako tumatawag sa ‘yo. Hindi mo ba dala ang phone mo?” tanong nito na tila walang nakita na ibang tao na kausap ko. “Sorry, naka-silent mode kasi. Nagsimba ka rin ba?” “Hindi. Nakita ko si Jess, nandito pa nga raw kayo kaya dumiretso na ako rito.” Tumikhim si Oliver na nakaagaw ng pansin nito. Masyado akong na-excite nang makita siya kaya’t nawala na rin sa isip ko na ipakilala sila sa isa’t isa. “Umm…Buds, si Oliver. Anak ng friend ni Mama. Oliver, si Nolan, best friend ko.” Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya saka muling bumaling kay Oliver. “Nolan, pare,” anito na seryoso ang mukha. “Oliver,” sagot naman nito na inilahad ang kamay. Tinanggap naman iyon ni Nolan pagkatapos ay agad na nilingon ako. “Ready ka na ba? Pwede na tayong umalis?” Tumingin ako kay Oliver na mataman lang nakamasid sa amin pagkatapos ay nilingon ko sila Mama na hindi pa rin matapos tapos sa kwentuhan. Alanganin akong tumingin sa kanya. Nakakahiya naman kasi kung basta ko na lang iiwan si Oliver habang busy pa sila Mama. “Let’s go! Naki-park lang ako do’n sa gilid,” nagmamadaling yaya nito sa akin na hinawakan pa ang braso ko. “Wait!” tumingin ako kay Oliver na tila hinihintay lang ang gagawin ko. “Ok ka lang ba rito? Pasensya na ha, mauna na kami. May lakad pa kasi kami,” nahihiyang paalam ako. Ngumiti naman ito. “No worries. Go ahead,” saad nito habang nakatitig sa akin. “Happy birthday, ulit.” “Thanks! Nice meeting you.” Nilapitan ko sina Papa upang magpaalam. Sumunod naman sa akin si Nolan na muling ipinagpaalam ako sa kanila. “Nagmamadali ka?” nakakunot ang noong tanong ko nang makapasok kami sa loob ng kotse niya. Maayos naman ang pagkaka-park ng kotse niya at wala naman doon nanghuhuli kaya nagtataka ako kung bakit madaling madali ito. Sinulyapan lang niya ako sandali saka pilit na ngiti ang isinagot sa akin. Pagkatapos ay tahimik lang na nagmaneho. Ngumuso lang ako nang hindi ito sumagot. Kinuha ko ang cellphone na sunod sunod ang pagtunog ng notification sa social media account ko. Pouring lots of notification of birthday greetings which mostly came from my classmates and colleagues in different groups and school organizations I am affiliated with. Isa-isa ko rin sinagot ang mga personal message which I could almost forget where we are heading to. I looked up from a sudden halt. Tumingin ako sa paligid. I am now not familiar with the place. Ganoon na ba kahaba ang byahe namin at hindi ko na namalayan na malayo na pala ang narating namin to the point that I could hardly recognize the place? “Nasa’n tayo?” I beam a wide smile asking him. Tumanaw ako sa labas ng bintana sa tapat niya at hindi ko mapigilan ang humanga sa ganda ng lugar. Isang lawa iyon na may katamtamang laki. Halos tanaw na tanaw din ang buong paligid ng gilid ng lawa na wari’y binalutan ng malinis na damo ang buong paligid nito. May mga pine tree rin na tila sinukat ang layo sa isa't isa at pagkakahanay sa palibot nito. Sa bandang kanan ay may maliit na playground na may ilang bata na naglalaro kasama ang pamilya. I glanced at him with amusement. “Ang ganda rito!” Kusa akong lumabas ng kotse at kinuha ang cellphone para mag-picture. “Nagustuhan mo ba?” Mula sa likuran ay tumabi siya sa akin at iginiya ako sa isa sa mga bench doon. Tumango ako bilang sagot then I gasped. “Super ganda! Saang lugar ‘to?” “Sakop na ‘to ng San Vicente,” turan nito na ang tinutukoy ay ang ikatlong bayan mula sa amin. “I see...I never knew this place. Kung alam ko lang ito noon pa ay malamang lagi ako narito.” “I don’t think so.” I frowned. “Bakit naman?” Nilingon ko siya na nakatanaw na rin sa lawa. “This is an exclusive private property.” “Wow! Talaga? Pero bakit ka pinapasok dito?” “I happened to know the owner.” “I see,” I said with a grin on my face. Hindi ko na inalam pa kung sino ang tinutukoy nito for it was really obvious on his reaction that he didn’t like to say any further. Pero hindi ako sanay na masyado siyang seryoso. These past few weeks ay naramdaman ko na parang may nagbago sa kanya. Hindi na siya ganoon ka-clingy. Hindi na rin siya makulit at madalas ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin. I don’t want to speculate something beyond the reality, that’s why I need to know the real score between us… today. At hindi ako papayag na matapos ang araw na ito na naka-hang pa rin ako. And think I’m crazy but I’m willing to give up our friendship if he will tell me he feels otherwise. Dahil hindi ko na kayang maging kaibigan lang sa kanya. I’d better be alone and try to live without him kung hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko. Dahil ganoon ko siya kamahal. I really want him more than a friend. I swallowed my words even before I utter nang magtagpo ang mga mata namin. “Oh, bakit ba ang seryoso mo ngayon? ‘Yan ba ang pa-birthday mo sa akin? Ang sweet mo, ha?” Dinaan ko na lang sa biro ang kaba na nararamdaman ko. I think I should take another breathe na pampalakas ng loob kaya maglalakad lakad muna ako. But he grip my wrist even before I took one step. Tumayo rin ito at naunang humakbang. I followed him. “Do you think, it’s a fine and perfect Sunday?” tanong nito na bahagya pang tumingala. I looked up too and turned my gaze to him. ‘Yes! It’s perfect and a very romantic place for us.’ Ngumiti ako at tumango. “Yes, it’s perfect lalo na siguro kung may panlatag ka rito at may dala kang pagkain.” Turo ko sa bermuda grass na dinadaanan namin. Tumigil kami sa ilalim ng isang malaking puno. I looked around the lake. May ilang nakalutang doon na swan boat na parang nag-aanyaya upang sakyan. “Pwede—” Naputol ang sasabihin ko nang maramdaman ang paglapat ng isang malamig na bagay sa tapat ng dibdib ko. Nagtatakang napalingon ako nang makita ang kwintas na sinisimulan niyang ikabit sa leeg ko. “’Wag kang malikot, hindi pa tapos,” anito habang seryoso ang mukha na sandali lang tumingin sa akin. Muli akong tumalikod at kagat labing itinaas ang buhok ko upang maikabit niya ito nang maayos. I smiled habang napapalunok. Abot abot ang kabang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Ewan ko ba pero ito na yata ang pinaka-special na birthday ko. Dati kasi ay lagi lang niya akong niyayang manood ng sine o i-treat sa mga medyo mahal na restaurant pero never pa niya akong ni-regaluhan. “Happy birthday!” nakangiting bati nito matapos ikabit ang kwintas. Humarap ako sa kanya habang hawak hawak ang maliit na pendant na korteng susi. Never pa naman ako nagkaroon ng alahas pero sa tingin ko ay white gold iyon katulad ng ilang alahas na mayroon si Mama. “Thank you!” sagot ko saka yumakap sandali sa kanya. “Pero mukhang mahal ‘to ah! Tinipid mo ba ang allowance mo para makabili nito?” Ngumuso ito. “Thank you lang, ok na,” pakli nito. “Ang arte! Para nagtatanong lang.” Bahagya ko siyang inirapan saka bumuntong hininga at sinalubong ang titig niya. I don’t know how to explain the emotion in his eyes. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ay mayroon pa pala akong maaaring hindi matukoy sa kilos at reaksyon niya. I swallowed and didn’t dare to avert my gaze. “I just want to know if there is any possible meaning behind giving this necklace.” “Anong meaning? It’s your birthday today and it’s a present,” anito na bahagyang iniiwas ang tingin. “Last year ko pa sana gustong ibigay sa ‘yo ‘yan pero hindi pa sapat ang ipon ko.” Tumango tango. “Wala ka na bang ibang sasabihin?” naninimbang na tanong ko. Tinitigan niya ako saka dahan dahang umiling. Napalunok ako saka tumango tango. Huminga ako nang malalim saka lakas loob na tinitigan siya. “I think, you have the right to know..” He slightly frowned and gazed at me intently. “I like you, Nolan…Well, I think I love you…more than a best friend,” nakayukong sambit ko. Luckily I have catched my breath. Pakiramdam ko kasi ay mauubusan ako ng hininga kahit pa pautal utal kong nasabi ang matagal nang kinikimkim ko sa dibdib. Tumunghay ako nang wala akong narinig na sagot sa kanya. He just stared at me blankly. Kumurap kurap ako para pigilan ang luha na gusto nang sumungaw sa mga mata ko. Pinaghandaan ko naman na ito for the longest time. And here I am, confessing my love to the only man I have in heart and mind. Pero sa kamalasan ay mali yata ako ng inaasahan. Wala man lang itong naging reaksyon. Walang ngiti o saya na mababanaag sa mga mata nito. Ni hindi nga man lang nagulat. Did he expect it, kaya hindi na siya nagulat nang sabihin ko ang nararamdaman ko? I smiled wryly. “’Wag kang mag-alala…hindi ko naman inaasahan na ganoon din ang isasagot mo…A..ano kasi, actually, hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi sa ‘yo…Basta nasabi ko na.” Hindi pa rin ito sumagot na patuloy lang na pinakikinggan ang mga sinasabi ko. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko sa pagkapahiya. Oh, how I wish na may dumating na alien at kunin na lang ako. “Pwede bang kalimutan mo na lang ang sinabi ko? Just pretend that I didn’t say anything, please!” pagmamakaawa ko. He parted his lips pero walang lumabas na kahit anong salita mula roon. “Hoy! Para kang naengkanto diyan. ‘Wag mo ng isipin ang sinabi ko. Kunwari, nanaginip ka lang,” I said trying to normal my voice habang nananikip ang dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD