Chapter 10

1725 Words
I glared at him saka nag-martsa palabas ng bahay. “Anika, wait!” Pinigilan ko ang mapangiti. Bakit ba hanggang ngayon ay kinikilig ako kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko? Nasa may gate na ako nang iniharang niya ang katawan. “Saan ka pupunta? Hindi pa kita naipapakilala kay Mommy,” nakangising sambit nito. Pinanliitan ko siya ng mata. ‘Yong saya ko ay biglang bumalik na naman sa pagkairita ko sa lalaking ‘to. “Ano ba talagang trip mo, ha?” “Anong trip?” “Bakit mo ‘ko hinalikan? At anong sinasabi mong ipakikilala sa Mommy mo? Pinaglalaruan mo ba ‘ko?” Pati yata anino ko ay kilalang kilala na ng Mommy niya sa tagal na ng pagkakaibigan namin dahil halos dito na rin ako tumira noon. Nawala ang pilyong ngiti nito at muling sumeryoso. He took a deep sigh saka kinuha ang kamay ko at hinaplos iyon. “I’m sorry. Alam kong na-misinterpret mo ang pananahimik ko noong birthday mo. Hindi mo na kasi ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.” Hinaklit ko ang kamay na hawak niya pero hinigpitan niya ang pagkakahawak doon. “Hear me out first, please!” he exclaimed. Nakikiusap siya pero parang napipikon naman. I just nodded. “I didn’t expect to hear it from you, actually kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot sa’yo… Gusto ko kasi sana na ako ang manligaw pero masyado ka naman kasi nagmadali.” I pursed my lips. Kung makakapaglabas lang ng patalim ang mata ko kanina pa ‘to humandusay sa sahig. Nanakit na nga nang-iinsulto pa. “Ang yabang mo!” asik ko habang pinipilit kumawala sa pagkakahawak sa kamay ko pero hindi pa rin ako nagtagumpay. He chuckled instead na lalo kong ikinapikon. “Ano ba, Nolan? Dumarami na ang atraso mo sa ‘kin, ha? Kaya ‘wag mo ‘kong sisisihin kapag lumayo ako sa ‘yo at tuluyan ka ng mawalan ng best friend.” “Hindi mo magagawa ‘yon.” “Bakit hindi? Lalo na kapag nag-boyfriend ako natural lang na dumistansya ka sa ‘kin kaya magsanay ka na—” “Anong sinabi mo?” I raised my chin up at matapang na sinalubong ang mga mata niya. “Don’t worry dahil kapag ikaw naman ang nagka-girlfriend ay ganoon din ang gagawin ko. Syempre, para hindi magselos ang girlfriend mo o ang boyfriend—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinapit sa baywang and gave me an uninvited kiss. Sa gulat ay napaawang ang labi ko at nanlalaki ang mga matang pinapanood siya habang nakapikit ang mga mata nito. Maya maya ay naramdaman ko ang mainit na dila sa loob ng bibig ko. Mariin akong pumikit. He was impatient but I find gentleness on his kiss. Kaya imbes na itulak ay napahawak pa ako nang mahigpit sa kanya. Pero ang dibdib ko ay hindi ko na alam kung gaano kalakas ang pagkabog. I felt the commotion in my stomach which I could hardly explain the reason behind. Kung dahil ba iyon sa pag-aalinlangan, kaba o excitement sa bagong karanasan na ito o ano. But one thing is for sure, masaya ako kahit nalilito ako sa dahilan kung bakit niya ginagawa ito. But I felt my willingness to ride whatever the reason behind this. I gasped when he finally let go of my lips. Bahagya kong pinaglapat ang mga labi ko habang matamang nakatitig sa kanya. “Don’t make me confuse, Nolan. Bakit mo ba ginagawa sa ‘kin ‘to? I tried to avoid you dahil pinag-aaralan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa ‘yo pero anong ginagawa mo? Please, don’t act and do something that I might misunderstand and would hurt me even more at the end. ‘Wag mo ‘kong paglaruan.” Halos pabulong na lang ang huling sinabi ko. Hinawakan niya ang baba ko at namumungay ang mga matang hinuli ang mga mata ko. “I’m not playing around, Anika.” He sighed. “Mahal kita… higit pa sa isang matalik na kaibigan, noon pa. I didn’t tell you and don’t want or even make you feel about it dahil gusto kong may maipagmamalaki na ako at karapat dapat na sa ‘yo bago ko sabihin ang totoong nararamdaman ko sa 'yo…At naduwag ako na baka masira ang friendship natin kapag nagtapat ako sa ‘yo…I’d rather be your friend forever than losing you at all.” Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya. “A..nong sabi mo? Mahal mo ako?” I said, blinking my eyes. “C’mon, Nolan! Sinasabi mo ba ‘yan dahil natatakot ka na masaktan ako sa rejection mo?” I felt my heart racing from the first word he uttered but I can’t seem to believe it after his days of silence. Baka nabibigla lang siya o baka naman nabibingi lang ako. “You know, I’m not good in pleasing people. And I used to tell what is in my heart and mind bluntly. Pero pagdating sa ‘yo, hindi ko masabi ang totoo. But this time, I don’t want to compromise my feelings. Hindi dahil sa natatakot akong masaktan ka kundi natatakot akong mawala ka na hindi ko nasasabi sa ‘yo ang totoong nararamdaman ko.” Napalunok ako at ilang beses ikinurap ang mga mata. I my heart keeps on beating so fast that I could feel so elated na halos gusto ko nang magtatalon sa tuwa. His lips started to curl up while staring at me intently at sa palagay ko ay dahil iyon sa nakikita niyang reaksyon ko ngayon. I know happiness is written all over my face right now. At hindi ako magaling magtago ng kung anuman ang nararamdaman ko, be it happiness, sadness, disappoint, bitterness…lahat ng anumang emosyon. And Nolan knew exactly about it. At sa nakikita kong reaksyon n’ya ngayon, sigurado akong alam niya na ang magiging sagot ko at wala na akong dahilan para magpakipot pa. Tumikhim ako and tried to hide the joy that is almost blowing inside me. I welcome his gaze at tinaasan ko siya ng kilay. “So, sa palagay mo naniniwala ako sa mga sinasabi mo?” Unti unting nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagkunot ng noo nito. “Hindi ka naniniwala sa ‘kin?” Hindi ako sumagot. I know him very well, and if he was saying the truth, sigurado ako na hindi siya titigil hanggang hindi ako nakukumbinsi. And looking at him just now, parang gusto kong pangsisihan ang pag-iinarte ko. Kapag pinatulan niya ang sinabi ko negatively, I’m sure to regret it. “You should believe it because this is how I really feel, Anika.” Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. I looked at him intently and found myself again mesmerized and hooked in his magnetic brown eyes. Napalunok ako saka bahagyang ngumiti. “Hindi mo ba nararamdaman?” “Kelan pa?” I asked instead. Noon ko pa naman nararamdaman iyon and I was really hoping that my instinct was still precise pero dahil nga hindi naman siya nagtangkang manligaw o magpahaging man lang ng anuman affection bukod sa pagiging matalik niyang kaibigan sa akin, I’m totally clueless. “Don’t you really have an idea?” he asked frowning. I pouted my lips. “’Wag kung ayaw mo sagutin.” He took a deep breath while still gripping my arms. “Do you remember Iñigo?” Sandali akong nag-isip saka tumango. Si Iñigo ang classmate at masugid kong manliligaw noong nasa highschool pa lang ako. Tanda ko pa na sinuntok niya iyon nang inihatid ako sa bahay na nagtangkang halikan ako. Napatingin ulit ako sa kanya habang tumatango tango ito. “I don’t know exactly when it started basta alam ko lang ay selos na selos ako nang ligawan ka no’n,” sagot nito na muling sumimangot. Na para bang kanina lang nangyari iyon. “’Yon ba ang dahilan kung bakit ka sumali sa away ng team mo noon?” Hindi ito sumagot. Sinuri ko siyang mabuti, maybe I’m just overthinking. Muli akong napatingin sa kanya at nasalubong ang tila naiinip na itsura nito. “What?” “Ano na? Tayo na ba?” I bit my lip a little harder. “Nagmamadali ka?” Why do I feel that he suddenly get easily impatient this time? Dati naman ay napakahaba ng pasensya niya pagdating sa akin and he’s usually willing to wait whenever I am most comfortable about anything. “What if I am?” I furrowed my brow. “Ano ‘to, shotgun jowa?” may halong birong tanong ko. He looked at me with frustration. “Anika, please. Mahal mo pa rin ako, ‘di ba?” Halos maglumundag ang puso ko habang pinagmamasdan siya. Honestly, he looks childish pero kinikilig ako sa paraan ng panliligaw niya. Kung panliligaw nga itong matatawag. Parang mas tama siguro ang term na confirmation kesa sa panliligaw. Ngumuso ako saka dahan dahan tumango. Aarte pa ba ako? Eh ang tagal ko ng hinintay ang sandaling ito. “Yes!” Nagulat ako nang bigla itong sumigaw kasabay ng pagtalon pagkatapos ay agad akong niyakap nang mahigpit. “I love you, too, Anika!” bulong nito saka lumayo nang konti at hinawakan ang magkabila kong pisngi. “I love, I love you, I love you!” paulit ulit na sabi nito habang halos mapunit na ang labi nito sa sobrang lapad ng ngiti habang pinagmamasdan ang mukha ko. Napaawang naman ang labi ko at halos hindi makapaniwala sa nakikitang sobrang kaligayahan na nakabalatay sa mukha nito. “You do?” paninigurado ko habang pilit kong binabasa ang mga nagniningning niyang mga mata. Kung pagbabasehan ko lang ay ang ikinikilos at sinasabi n’ya ngayon ay abot langit yata ang pagmamahal niya sa ‘kin. Pero meron ba’ng gano’n? Pero kung hanggang saan man ang batayan ng pagmamahal niya ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay nararamdaman ko ngayon na mahal na mahal niya ako. “I really do,” walang gatol na sagot nito. “Now, can we get inside the house? I think kailangan ko ng palitan ang label natin kay Mommy bago pa siya mag-usisa,” natatawang sambit nito saka kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon pagkatapos ay iginiya ako papasok sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD