“Wow!” palatak ko nang matanaw ang maliliit na ilaw sa baybay ng lawa. “Akala ko ba exclusive property ito? Bakit pinapayagan ka na makapasok dito?”
Hindi ko makakalimutan ang lugar na ito kung saan ko naramdaman ang unang heart break ko. Ang araw na hindi niya nagawang tugunin ang pagtatapat ko.
Ngumiwi ako habang unti unting napalitan ang excitement ko nang muling maalala ang araw na ‘yon. “Akala ko ba magce-celebrate tayo? Parang gusto mo lang yata ako pagtawanan eh!”
Kumunot ang noo nito saka pinatay ang makina ng kotse. “What do you mean?”
“Hmp! Eh ‘di ba, dito mo ‘ko binasted?”
He frowned deeper saka hinawakan ako sa baba at malamlam ang mga matang tinitigan ako. “Did I say, I didn’t love you?”
Umiling ako habang bahagyang naka-pout ang bibig. “Pero hindi mo rin sinabi na mahal mo ‘ko.”
“But I do. At isa ‘yon sa pinagsisihan ko noon. That’s why I intend to replace that memory of yours, kaya kita dinala dito,” nakangiting sambit nito saka lumabas ng sasakyan.
Nakakunot ang noong sinundan ko siya ng tingin. Umikot siya sa harapan ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
“I hope you’ll enjoy this night with me, my love!” nakangiti ito saka kumindat.
Napangiti ako at walang nagawa kundi sumunod dito nang hawakan niya ako ng mahigpit sa kamay at iginiya palapit sa lawa.
Medyo maliwanag sa paligid dala ng malamlam na ilaw sa mga poste. Yumakap ako sa braso niya nang biglang humampas ang malamig na hangin.
Walang ibang tao rito ngayon kundi kami lang dalawa. Gusto ko sanang mag-usisa tungkol sa may-ari ng napakagandang lugar na ito nang biglang umilaw sa ibabaw ng tubig.
Napatigil ako sa paglalakad at napaawang ang labi nang magliwanag ang isang floating gazebo na ngayon ko lang napansin.
I was so amazed to see how that thing sitting on the edge of the lake gradually lit up that suddenly turned the place more romantic.
I bit my lip to suppress the big smile and turned to Nolan who was staring at me from the start. Hindi rin nawala sa mga labi nito ang mapang-akit nitong ngiti.
He led me inside the gazebo habang marahan niya akong inaalalayan sa paglalakad sa tulay na nag-uugnay dito mula sa kinatatayuan namin.
Pagdating sa loob ay kinuha agad nito ang isang bouquet ng red roses na nakapatong sa maliit na mesa sa bukana ng gazebo na nagsisilbing balkonahe pagkatapos ay nakangiting iniabot iyon sa akin. “For you.”
Napanguso ako saka ngumiti. “Thank you!”
Pasimple kong kinagat ang pang ibabang labi ko dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Paano ba naman hindi eh sobra naman kasi itong makatitig habang iniaabot ang mga bulaklak na ito? Na para bang natatakot siyang mawala ako sa paningin niya.
Kaya naman ang puso ko ay halos lumabas na yata sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig nito. Same old reaction ng puso ko na baliw na baliw sa lalaking nasa harapan ko everytime he lays his eyes on me.
Na hindi ko naman magawang sisihin ang sarili ko ng dahil doon. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog nang husto rito? He’s literally my ideal man. At hindi yata ako magsasawang ipagmalaki na ako ang maswerteng babaeng pinili niyang mahalin.
Ipinaghila niya ako ng upuan sa harap ng isang katamtamang laki ng mesa na may nakahanda na rin pagkain. May ilan pang artificial candle sa ibabaw niyon na mas lalong nakadagdag sa romantikong tanawin.
Ipinatong ko ang hawak na bulaklak sa ibabaw ng mesa habang siya naman ay umupo sa katapat na upuan sa kabila nito.
“Bumabawi ka, ah!” biro ko upang takpan ang paghuhurumentado ng puso ko.
Ngumiti rin ito dahilan para lumitaw ang isang dimple nito sa kaliwang pisngi na isa sa mga gustong gusto kong titigan sa kanya.
"Let's eat first. It's more delicious when it's hot," anito.
Sinimulan niyang harapin ang mga pagkaing nakahain. Pinagmasdan ko siya sa ginagawa. Nilagyan niya muna ng pagkain ang plato ko pagkatapos ay sa kanya.
“Dahil alam kong hindi maganda ang naging alaala mo sa lugar na ito and I want to replace it with a special one,” he said. “Nagustuhan mo ba?” tanong nito habang abala sa paglalagay ng table napkin sa lap niya.
Nakangiting tumango ako. “Sobra!” I gave him an honest reply kahit pa alam ko na hindi niya na kailangan pang tanungin iyon dahil obviously he sees happiness written all over my face. Sa tagal ba naman namin magkasama, exaggerated siguro na sabihin but we don’t actually need words to express how we feel dahil nababasa na namin ang isa’t isa kahit sa pamamagitan lang ng mga mata.
We started to dig in the lavish foods na tila kanina pa nang-iimbita dahil sa nakakatakam nitong itsura. At hindi nga ako nagkamali, sobrang sarap ng pagkain na halos maubos namin lahat.
Wala kaming ginawa kundi tumawa habang kumakain. Na tingin ko ay siyang nakabawas sa pagka-romantic ng lugar. It should be fine dining pero dahil sa mga kwento at biruan namin ay parang kumakain lang kami sa bahay.
Pagkatapos kumain ay magkatabi kaming tumanaw sa labas. May mga nakalutang din na maliliit na puting ilaw sa ibabaw ng tubig. Sa bandang kanan ay nandoon din ang ilang swan boat na nakita ko na rito dati.
“Hanggang anong oras pala tayo pwede mag-stay dito? Parang sobrang close naman kayo ng may-ari nito para payagan ka na gamitin ito at solo pa natin,” pagkuwa’y naisipan kong itanong.
Minsan kasi ay naisip kong i-search ang lugar na ito pero walang akong nahanap na information ng may-ari. Pero sa halip na sagutin ako ay humarap ito sa akin at kinuha ang kamay ko habang nagsisimulang pumailanlang ang isang musika.
Napangiti ako nang ilahad niya ang isang kamay niya at niyaya ako sa gitna ng gazebo. Ipinatong niya ang mga kamay ko sa magkabila niyang balikat pagkatapos ay naramdaman ko ang paghapit niya sa baywang ko.
“Ano ‘to?” kinikilig na tanong ko. “Ano ba talagang meron? Hindi pa naman natin anniversary, ah!”
His body started to sway na sinabayan ko naman. Ipinulupot ko ang kamay ko sa kanyang batok dahilan para mas magkalapit ang mga katawan namin.
“Kailangan bang may okasyon o hintayin pa ang anniversary natin to make special memories?” he said in deep husky voice.
He raised his one hand and gently touched my face. “Nasabi ko na ba sa ‘yo kung gaano kita kamahal?”
“Hmm, parang hindi pa. Sige, gaano mo ba ‘ko kamahal?” Dinaan ko sa biro ang sagot sa tanong niya.
“Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Na kakayanin kong gawin ang lahat para sa ‘yo. I can be your slave in this life kung gugustuhin mo,” namumungay ang mga matang sambit nito.
Napalunok ako at napakagat sa labi. My heart skipped a beat. Pakiramdam ko ay sandaling tumigil ang mundo ko. And again, my stomach started to feel some butterflies again and again. Habang ang puso ko ay naghuhumiyaw sa kaligayahan sa bawat katagang binibitawan niya.
I gazed up at him. Ngumiti ako at dahan dahang inilapit ang bibig ko sa tenga niya to utter, 'I love you, too’.
Naramdaman ko ang mas mahigpit niyang paghapit sa bewang ko and before I realized, his lips covered mine.
He kissed me gently as if he was guiding me to follow him. Marami naman nang beses na hinalikan niya ako but every time we kiss seems like getting more and more sweeter than before.
Wala sa sariling napahigpit ang yakap ko sa batok niya only to deepen our kiss. I suddenly felt the need and wanted him more. Siguro ay dahil na rin sa ganda at romantikong lugar kaya mas lalo kong nararamdaman kung gaano ko siya kamahal.
I gasped when we finally parted our lips. Nakangiting pinahid ko ang sulok ng labi niya para alisin ang mantsa ng lipstick ko while he didn’t take his eyes off me. I slightly frown and caress his face. Para naman kasing kinakabisa niya ang mukha ko sa paraan ng pagtitig niya. “Alam mo bang nakakatunaw ang mga tingin mo?”
Ilang sandali itong nakatitig lang sa akin saka dinampian ako ng mabilis na halik sa labi saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. “Always remember that I love you so much and I will do everything to make you happy and…safe no matter what happens.
“I know and I love you so much too,” malambing na sagot ko. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at hinayaang damhin ang bawat pintig niyon.
I know that very moment how sincere he was and meant every word he utters. Kaya naman hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti at kiligin sa mga sandaling iyon.
Ilang sandali pa kaming nanatili roon.
I know we both wanted to stay long at damhin ang katahimikan at kagandahan ng lugar na tila sadyang ginawa para sa mga taong nagmamahalan pero masyado nang lumalalim ang gabi.
Ayaw pa niyang umuwi pero napilitan na rin sa pangungumbinsi ko.
I felt something strange about him pero siguro ay dala lang iyon ng pagod mula sa trabaho kaya mas kinumbinsi ko siya na lisanin ang lugar para makapagpahinga na rin siya.