“Good morning, Sir Nolan. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Paul,” nakangiting bati sa akin ng babaeng tingin ko ay sekretarya ni Tito.
I took a quick glance on the woman, sigurado akong ngayon ko lang siya nakita but she already knew my name and somehow has been expecting my arrival. Her friendly smile doesn’t ease even a bit of my irritation kaya imbes na ngitian ito ay dumiretso ako sa pinto na may nakasulat sa itaas na President’s office.
Narinig ko na bigla itong humabol at tangkang pipigilan ako sa biglang pagpasok pero hindi ko siya pinansin. I didn’t give a damn to knock or ask permission to enter. Kung tutuusin nga ay hindi na dapat ako pumunta rito.
Mula sa pagkakayuko sa table ay nag-angat ito ng tingin pero hindi mababakas sa mukha nito ang pagkagulat.
“You’re here,” sambit nito saka isinenyas ang upuan sa harap ng table nito, inviting me to sit down.
“Ikaw ba ang may kagagawan nito?” Pagbagsak kong ipinatong sa table niya ang dala kong papeles.
Tumuwid ito ng upo saka inabot iyon at binuksan. “I don’t usually beat around the bush, Nolan, alam mo ‘yan. Yes, it was me.”
“How dare you interfere with my business? Pinaghirapan ko ang project na ‘yan. Even the higher ranks approved it.”
Tumango tango lang ito habang nakamasid sa akin pagkuwa’y muling sumandal sa swivel chair nito. “I’m doing this for you. Accept my proposal and get back your life.”
“We’re living the life the way we wanted. Bakit hindi mo maintindihan ‘yon?”
“Because that’s not what you deserve. At sigurado akong hindi rin iyan ang gustong buhay ni Hubert para sa inyo! Nasa tamang edad ka na at nasa harapan mo na ang pagkakataon para bawiin ang lahat ng inagaw sa inyo, Nolan. Hahayaan mo ba na tuluyang mawala ang lahat ng pinaghirapan ng Daddy mo.”
“At my expense?”
Matalim ang mga matang tiningnan niya ako. “I already presented my plan—”
“And I disagreed,” I said firmly.
Huminga ito nang malalim na hindi inaalis ang mga mata sa akin. “Then wait that company to fall down kasama ng tuluyang pagkasira ng reputasyon ng Daddy mo.” Tumigil ito saglit saka umiling iling. “They are still using your father’s credibility to extort money.”
Binuksan nito ang drawer saka kinuha ang isang folder doon at iniabot sa akin.
Nakakunot ang noong kinuha ko iyon saka binasa ang nilalaman.
“The full and concrete status of the company. Alam kong alam mo ang pinagdaan ng Daddy mo pagkatapos ng ginawa ni Roland sa kanya. Kung gusto mong ibaon sa limot ang lahat ng paghihirap at sakripisyo niya, ignore it. But don’t think that I would only sit still and do nothing—”
“Na dapat sana ay noon mo ginawa kung kailan kailangang kailangan ka ni Daddy!”
I put down down the document and sneered.
He took a deep breath and gazed at me. “That’s why, I’m doing this. Hanggang ngayon ay pinagsisihan ko na wala akong ginawa noon.”
“Then do as you please pero ‘wag mo akong idamay. Tahimik na ang buhay namin ni Mommy sa probinsya at masaya na kami roon. Malayo sa mga taong hindi namin dapat pagkatiwalaan.”
Marahas itong tumayo at lumapit sa akin. “Hindi ka sigurado sa sinasabi mo, Nolan. Kung hindi mo gagawin ang sinasabi ko sa ‘yo, ihanda mo ang sarili mo sa maaaring mangyari sa Mommy mo. Ayoko sana na sa akin manggaling ito pero sa tingin mo ba saan kukuha ang Mommy mo ng pera para pag-aralin ka? Para buhayan ka, ha?”
“Anong sinasabi mo? Ganyan ka na ba ka-desperado and you could even use my mother just to persuade me to follow you?”
I looked back at him with the same intense. I can’t tell the emotion I saw in his eyes. Kumurap kurap ito saka muling bumalik sa table niya. “Take this. Saka ka magdesisyon.”
Ilang sandali ko siyang tiningnan. Wala akong nakitang anumang emosyon sa kanya bukod sa tingin ko ay desperasyon.
He avoided my gaze and look farther. At kung hindi ako nagkakamali ay sandaling gumuhit sa mga mata nito ang lungkot.
Aaminin ko, hanggang ngayon ay hindi lang sama ng loob ang tanging nararamdam ko sa kanila kundi galit. Lalo na sa kanya. Of all people, mula ng magkaisip ako I was expecting him to be the last person who will turn his back to my father. We were family and he used to treat me as his own child pero ng mga panahong nagsimulang dumating ang problema ni Daddy, isa siya sa unang tumalikod dito.
Wala siyang ipinagkaiba kay Lolo na walang ibang pinakinggan at kinampihan kung hindi ang paborito nitong anak at nagbingi bingihan sa panig ni Daddy.
They were all Dad’s nightmare and the last people I wish to meet in this life.
I took the folder without wasting another second to look at him pagkatapos ay marahas kong binuksan ang pinto saka diretsong lumabas.
Tangkang papaandarin ko na ang kotse ng mapalingon ako sa folder na basta ko na lang inihagis sa passenger seat.
I curiously opened the document and I can’t help but to frown deeper. Unang bumungad sa akin ang partnership property ng isang investment company na nakapangalan kay Mommy at sa nagngangalang Peter Madrid.
Sunod ang financial transactions, agreements at kung anu-ano pang mga dokumento patungkol sa negosyong iyon.
Binasa kong muli ang papeles. Walang nabanggit si mommy tungkol sa negosyong ito at ano ang kinalaman ni Tito Paul dito at ang sinasabi nitong reputasyon.
At bakit may mga summon na naka-attach dito?
Kinuha ko ang cellphone ko upang alamin mula kay Mommy ang tungkol dito at kung bakit hindi niya ito ipinaalam sa akin.
Pero nagbago ang isip ko nang magawi ang mga mata ko sa address na nakasulat sa itaas ng papel.
I turned on the engine and decided to visit the place. Mas nananaig sa akin ang kuryosidad na makita ang kumpanya at alamin kung totoong konektado rito si Mommy.
Halos kalahating oras lang at narating ko na ang lugar. Napansin ko ang isang komusyon sa harap ng building. Nilampasan ko ito at maayos na ipinarada ang kotse saka nagpasyang dumaan sa gilid upang iwasan ang maiingay, galit at ang ilan na nakikipagsigawan sa mga security guard na hindi ako napansin kaya’t mabilis akong nakapasok.
Lumapit ako sa receptionist na tila namumutla pa na nakatingin sa labas ng building. Mula rito ay kita ko ang mga nagkakagulong tao sa harapan ng salaming pinto. Para silang mga aktibista na nangra-rally. Ang kaibahan nga lang ay karamihan sa mga ito ay mukhang may mga kaya sa buhay base sa mga kasuotan at porma, maging sa pananalita ng mga ito.
“Excuse me, Ms.,” untag ko sa babae na mukhang hindi yata napansin ang presensya ko. Tumikhim ako na siyang nakapukaw sa atensyon nito.
“Ah..Yes, Sir?” alanganing bati nito.
“Pwede ko bang makausap si Mr. Peter Madrid?”
Bigla itong napatigil saka iniwas ang mga mata sa akin. “W..wala po si Sir Peter. Out of the country po. Bumalik na lang po kayo sa ibang araw.”
Naramdaman ko ang pag-aalinlangan niya at kung hindi ako nagkakamali ay konektado ito sa komusyon na nangyayari sa labas.
“I’m Nolan Villaraza. Son of Eva Villaraza,” pakilala ko.
Kung totoong konektado rito si Mommy, sigurado ako na kilala rin siya rito.
“Anak po kayo ni Ma’am Eva?”
Tumango ako. Dinukot ko mula sa bulsa ang wallet at kinuha ang isang ID ko para ipakita sa kanya.
Tinitigan niya ito saka tiningnan ako. Maya maya ay may kinausap ito sa telepono saka tumango tango.
“Sa second floor po ang office ni Boss. First door, sa kanan.”
Tumango lang ako saka tinungo ang itinuro nito.
Isang katok pa lang ang nagawa ko ay may sumagot na agad sa loob at pinapasok ako.
Bumungad sa akin ang isang lalaking tingin ko ay nasa 50’s na. Nakatanaw ito sa labas ng bintana na agad lumingon sa akin nang isara ko ang pinto.
“Nolan Villaraza? Ang unico hijo ni Eva,” nakangising bati nito. Tinitigan ko siya habang bahagyang tumango. Sa una pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito.
“Finally, nakilala na rin kita. Unfortunately, we meet in the middle of this chaos,” sabi nito saka inilahad ang kamay. “By the way, I’m Peter Madrid, your Mom’s business partner.”
“So, what can I do for you?” tanong nito pagkatapos kong tanggapin ang nakalahad nitong kamay saka isinenyas ang upuan sa harap ng table nito. “Pinapunta ka ba rito ni Eva to meddle and fix the business dilemma? Nakapag-desisyon na ba siya?”
Kumunot ang noo ko at sinundan ng tingin ang kamay nito na mahinang kinakatok ang table nito. Sa tono ng pananalita nito ay hindi mababakas ang kahit anong pag-alala sa boses nito.
Kung totoo ang mga nakalagay na impormasyon na ibinigay sa akin ni Tito Paul, hindi ko iisipin na ito ang isa sa nagmamay-ari ng negosyong nasa gitna ng malaking problema ngayon. He was calm and collected na para bang naglalaro lang.
“I want to know kung ano ang connection dito ni Mommy.”