Chapter 29

1752 Words
Kasalukuyan akong nasa nurses’ lounge habang hinihintay si Charlie na matapos sa duty nito. Ipinahiram niya muna sa akin ang laptop niya para hindi raw ako mainip sa paghihintay sa kanya. Ipinatawag kasi ito sa emergency room para humalili sa ER doctor na sandaling lumabas para sa personal issue nito. Dahil lowbat ang cellphone ko ay laptop na lang niya ang ginamit ko upang buksan ang social media account ko habang pinakikinggan ang paborito kong kanta. Inayos ko ang pagkakaupo sa leather sofa at marahang inilapat ang likod sa backrest nito saka ko iniunat ang mga binti ko na bahagyang nangalay dahil sa ilang oras kong pabalik balik na paglalakad. Sanay naman na ako sa trabaho ko kaya kahit halos maghapon akong nakatayo at madalas na mag-overtime ay balewala na sa akin. Mas natutuwa pa nga ako kapag sinabihan ako na kailangan ko mag-extend sa shift ko dahil syempre mas madaragdagan ang sweldo ko. Halos magta-tatlong taon na ako rito at malaki-laki na rin ang ipon ko. Bukod kasi sa nagastos sa operasyon ni Papa ay hindi na sila pumayag na ipadala ko sa kanila ang sweldo ko. Katwiran nila ay wala na silang pinag-aaral kaya sobra pa sa kanila ang sweldo ni Papa. Ayaw naman nitong pumayag sa suhestyon namin ni Jess na mag-retire na ito sa pagtuturo tutal ay kayang kaya na namin silang suportahan. Masyado pa raw siyang bata para mag-retiro. Si Jessica naman ay maayos na rin at stable ang clothing business nito na sinimulan nitong itayo two years ago. Pagkatapos ay noong nakaraang taon naman ay nagtayo ito ng investment company. I was surprised to see how enthusiastic she is until now and I was beyond happy how she gradually reaches her dream and doing her passion at the same. Out of curiosity, I asked her about investment which I planned that time to engage myself in investing my hard earned money at first. I was just eager to have financial literacy until I’ve learned that the said company was under partnership. And much to my expectation, ang boyfriend niya ang tinutukoy nitong partner sa negosyong iyon. Kaya naman bukod doon ay hindi na ako nagtanong pa. But curious as it seems, sandaling tiningnan ko ang profile ng kumpanya. Nang makita ko ang ilang pictures ni Jess at Nolan na magkatabi and romantically attached to each other during the chamber ribbon cutting ay nag-browse na ako sa ibang site. Aaminin ko, kahit papaano ay nakaramdam ako ng inggit ng mga sandaling iyon kahit pa totoong masaya ako para sa kanilang dalawa. Pareho naman kaming successful ni Jessica pero siguro ay iilang tao lang talaga ang nabibiyayaan ng sobra sobrang swerte sa buhay at isa roon si Jessica. She got everything a woman can ask for. Alam kong ma-swerte siya kay Nolan. Knowing him for more than a decade ay alam kong siya ang tipo ng mga lalaki na papangarapin ng sinumang babae. Pero syempre, swerte rin naman siya sa kapatid ko. Jessica was able to change to a better version of herself the day she fell in love with Nolan, alam ko ‘yon. Dahil naalala ko pa noong sinabi ni Mama na maganda ang epekto rito ng kung sinuman ang “crush” nito ng mga panahong iyon. That time ay sobrang nakonsensya ako sa naramdamang inggit kay Jessica but I immediately shoved off the listlessness I was about to feel at that moment. I know, for the first few months I’ve been here was like a total weariness but God spared me of drowning myself to unsettled emotion. He uses people to cheer me up and see the true meaning of life. And experiencing pain is just one of life’s lessons that we should learn to survive from. And once you’ve successfully survived from that pain, you will surely see His reason positively. I snapped back when I heard the ringing from the laptop. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakapikit habang pinakikinggan ang banayad na musika mula sa earphone na nasa magkabila kong tenga. Tiningnan ko ang laptop para tingnan kung sino ang istorbong tumatawag. I was enjoying myself trailing from the past but was suddenly interrupted. Bahagya na lang akong napangiti nang makita ang pangalan ni Jessica asking for a video call. I pressed the answer button then I straighten my back. I sit on the couch with crossed legs. Wala namang ibang tao ngayon dito dahil hindi naman oras ng pahinga. Napahawak ako sa leeg ko na bahagyang nangalay. Nakatulog yata ako na hindi ko namalayan. “Hey, Twinny!” masiglang bati nito the moment my face appeared on the screen. “Naistorbo ba kita?” “Hindi naman, nagpapahinga lang ako,” mababa ang boses na sagot ko. “Actually, pauwi na ako. Hinihintay ko lang si Charlie.” “Good! So, is it great time to talk?” Naibaba ko ang kamay ko na humahaplos sa batok ko saka pairap na tumingin dito. “Of course, ang pormal, ha? As if naman na nangingimi ka na istorbohin ako,” natatawang pakli ko. “Well, mabuti na ‘yong sigurado ako na makakausap kita nang maayos.” Tumaas ang kilay ko habang naiintrigang tiningnan siyang mabuti. Naalala ko ang sinabi ni Mama na may gusto raw itong sabihin sa akin. “Yes? Don’t freak me out, ok? Sinabi na sa akin ni Mama na may mahalaga ka raw sasabihin, so stop giving me that grinning look and tell me about it right now.” Lumapad ang ngiti nito na halos mahawa ako sa nakikitang saya sa mga mata nito. Sa totoo lang ay may idea na ako kung ano ito at aaminin ko na ang birong hula ni Charlie kahapon ay eksaktong naglalaro sa isip ko. Ano pa ba naman ang magiging dahilan ni Mama para maging hesitant ito sa pagbanggit sa akin ng isang bagay? Wala naman na iyon sa akin. In fact, matagal ko ng in-expect ang sandaling mangyayari iyon. Sooner or later, I will welcome my brother in-law. And this time, I think ready na ako na harapin sila. Huminga si Jessica nang malalim habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. She extended her arms saka tumingin sa tagiliran nito saka nakangiting tumango rito. I blinked my eyes when I properly recognize who was sitting beside her. Nakita ko ang paglunok nito habang nakatingin sa akin na hindi ko mawari kung nahihiya ba ito, natatakot o kinakabahan. That's why, I gave him my sweetest smile to make him feel comfortable. “Hi! It’s been—” Naputol ang sasabihin ko nang may biglang pumutok na party popper mula sa biglang bumukas na pintuan. Napangiwi pa ako habang inaalis ang ilang piraso ng confetti na dumikit sa bibig ko. “Happy birthday!” Sabay sabay na sigaw ng mga kasamahan kong nurses at nasa unahan nito si Charles na may hawak na cake. Napaturo ako sa sarili ng lahat sila ay nakatingin sa akin. Lumingon pa ako para siguraduhin na walang ibang tao rito kundi ako lang. “Ako? Ako ang binabati n’yo?” natatawang tanong ko. “Next week pa ang birthday ko, ‘no?” “Of course, alam namin ‘yon, dear,” sagot ni Charlie habang inilapit sa akin ang cake na dala nito saka sinindihan ang kandilang nasa ibabaw nito. “Make a wish first, bilis! Excited na ‘ko.” Napapailing na inilapat ko ang mga paa sa sahig pero nanatili akong nakaupo. Kahit naguguluhan ay sumunod naman ako sa utos ni Charlie na parang maiihi na hindi ko malaman. Pumikit ako at totoong nag-wish naman ako bago hinipan ang cake. Kumuhit pa ako ng konti sa icing nito saka tinikman iyon bago tuluyang maibaba ni Charles. “Wow! Ang sarap, naalala mo pa talaga ang favorite ko?” tukoy ko sa champagne cake na may strawberry buttermilk icing. Tumatawang umiling ito. “Actually dear, hindi ako ang nakaalala ng fave flavor mo… Kung hindi ‘yong isang may pakana ng lahat ng ito.” Nakakunot ang noong sinundan ko ang mga mata nito na napako sa muling bumukas na pinto. Mula roon ay pumasok si Hanz wearing his white long gown pairing with his most sexiest smile on his luscious lips, ika nga ni Charlie. Sa kamay nito ay hawak ang isang bouquet ng red tulips at walang kurap ang mga matang nakatingin sa akin habang papalapit ito. “For you,” anito na nakatitig pa rin sa akin. Nagsigawan naman ang mga kasamahan namin na kasama ni Charlie na pumasok na noong una ay tahimik lang na nanonood sa ‘min. Ang iba ay sumipol pa habang ang iba naman ay tumitili. Napatayo ako at saglit na tumingin sa laptop, naroon pa rin sina Jessica na alam kong matamang nakikinig at nanood sa amin. Nakangiting tinanggap ko iyon saka nagpasalamat. “Thank you pero hindi ko pa naman birthday, ‘di ba?” “Hay naku, pagbigyan mo na ‘yan si Doc Hanz at last month pa niyan ako kinukulit. He will be leaving tomorrow and will be gone for a month kaya in-advance na ang plano niya for your birthday,” pakli ni Charles kahit hindi naman siya ang tinatanong ko. “Naku dear, pasalamat ka dahil in a rush na ‘yan kaya eto lang ang ganap but if not baka bigla ka na lang um-oo at mauwi sa kasalan ang birthday celebration mo,” exaggerated na dagdag nito. Napakamot naman sa batok si Hanz na hindi kinontra ang sinabi ni Charlie. “Baliw ka talaga!” natatawang sambit ko. Napatingin ako sa laptop na hawak na ngayon ni Charlie. “What’s going on?” ani Jessica. “Advance celebration daw ng birthday natin.” I giggled. “Oo, advance birthday celebration ng kapatid mo na pinakamamahal ng hottest bachelor doctor namin na si Doc Hanz,” nakataas ang kilay na segunda ni Charles na hindi na naman naitago ang pagkainis sa kakambal ko. Nanlaki ang mga mata ni Jessica na hindi pinansin ang pagmamaldita ni Charlie. “What?! Boyfriend mo siya, Anika?” tila gulat na gulat na tanong nito. “How could you do that? Bakit hindi namin alam?" My smile gradually vanish while looking back at her as if she heard the most impossible thing to happen. “What?” pinilit ko pa rin ngumiti habang nagkibit na lang ng balikat. “I’ll call you later, ok?” “Wait!—” I didn’t let her finish and immediately cut the call.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD