Chapter 28

1650 Words
“Hey Anika, kanina pa nagri-ring ang phone mo!” Napatunghay ako nang biglang pumitik sa sa mukha ko si Charlie habang nakataas ang mga kilay nito na namaywang pa sa harapan ko. Agad kong pinatay ang threadmill na gamit ko ngayon sa pag-e-exercise saka inalis ang earphone na nakasuksok sa magkabila kong tenga. “What?” “Sabi ko, kanina pa po nagri-ring ang phone mo,” mataray na sagot nito habang iniaabot sa akin ang cellphone ko na hawak niya. “Thanks!” nakangiting hinablot ko iyon mula sa kanya saka kinindatan ko ito na lalo naman ikinataas ng kilay niya. Hindi ko maiwasang matawa sa reaksyon na akala mo ay nandidiri tuwing gagawin ko iyon lalo na tuwing niyayakap ko siya. Pinindot ko muna ang answer button sa video call request saka kinuha ang towel na nakasabit sa rack na malapit sa kinaroroonan ko saka pasalampak na umupo sa sahig. “Anak, kumusta ka na?” excited at malakas ang boses na bati mula sa kabilang linya. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang masiglang mukha ni Mama. “As usual, Ma. Heto, maganda pa rin,” natatawang biro ko. Pinunasan ko ang leeg ko pababa sa dibdib ko. Nakasuot lang ako ng sports bra and shorts. Tuwing rest day ko ay kung hindi pagwi-window shopping at kain sa labas ang inaatupag namin ni Charlie ay naggi-gym lang ako na mas nakahiligan ko nang gawin sa loob ng halos tatlong taon na pananatili ko rito sa Canada. “Ay syempre, sang-ayon ako riyan! At mas lalo ka pang gumaganda ngayon," tila proud na pagkakasabi nito. "Teka, baka naman may pinagpapagandahan ka na diyan ay hindi pa namin alam?” nakakunot ang noong tanong nito kaya naman naisipan ko itong biruin. Tumaas taas ang kilay ko saka tumingin sa nakaupong si Charlie habang sinisipsip nito ang hawak na orange. Tina-tap pa nito ang kamay na tila sumasabay sa kung anong pinapanood nito sa kanyang laptop. “Meron syempre, Ma. Kaso di ako type eh. Panay na nga ang pakita ko ng motibo pero masyadong pakipot. Pero pasasaan ba at maaakit ko rin ang Charlie na ‘to,” biro ko habang bumubungisngis dahil sa biglang pag-asim ng mukha ni Charlie pagkatapos marinig ang sinabi ko na biglang napatingin sa akin. “Ikaw talaga, Anika! Mabuti na lang at tulog na ang Papa mo, kung hindi baka mapauwi ka rito ng wala sa oras,” nananakot na sambit ni Mama na hindi rin mapigilan ang matawa lalo na nang pasalampak na umupo sa tabi ko si Charlie na nagkakandahaba ang nguso. “Hay naku, Tita. Maanong pakisabi kay Tito na pauwiin na nga itong si Anika at ako’y naaalibadbaran na rito. Aba, mantakin mo naman na sa halip na may jowa na ako ay napupurnada pa kapag nakikita itong anak mo!” exagged na pakli nito na hindi nakalimutang paikutin ang mga mata na tumingin sa akin. Sabay naman kaming nagtawanan ni Mama. “Sabi ko naman sa ‘yo, baka tayo talaga ang para sa isa’t isa, ‘di ba, Ma?” nang-aasar na tanong ko kay Mama pagkatapos ay binalingan ito. “Sa eroplano pa lang eh magkasabay na tayo papunta rito at magkatabi pa tayo ng seats tapos magka-trabaho pa tayo at hanggang ngayon ay housemates pa rin tayo. Hindi ka ba napapaisip, huh? We really destined to each other,” maarteng pakli ko na bahagyang inihilig ko pa ang ulo sa balikat niya. “Gwapo ka, maganda ako. Oh ‘di ba, perfect combination! Hindi mo ba nai-imagine ang ganda ng magiging anak na—" “Eww, in your dreams!” diring-diring umiwas siya sa akin saka nanlalaki ang mga matang tumingin sa screen ng phone ko na halos agawin na sa akin. “Magma-madre na lang ako, Tita kesa pumatol sa babae, ‘no?” Pareho kaming tumawa nang malakas ni Mama habang ito ay mukhang aliw na aliw kay Charlie. “Basta Charlie, bibisitahin mo ako kapag umuwi ka rito, ha? Hindi pwedeng hindi,” ani Mama habang natatawa pa ring nakatingin kay Charlie. “Kelan ba kasi kayo magbabakasyon, anak?” “Aba, Tita, ako anytime. Eto lang naman anak mo ang hinihintay ko. Eh wala na yatang balak na umuwi diyan sa inyo. Siguro hindi talaga kayo nami-miss nito.” Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi niya ako pinansin. “Pero baka naman may iniiwasan lang na makita,” tukso nito na bahagya pang inilabas ang dila na sadyang nang-aasar. “Pero sabi naman niya ay naka-move on na siya. So, Tita, bakit kaya ayaw umuwi ni Anika?” Minsan talaga ang sarap putulin ng matabil nitong dila. Inirapan ko siya saka inilayo ko ang cellphone sa kanya. Tumayo na rin ako at umupo sa sofa habang tinapon ko siya ng may pagbabantang tingin na ipinagkibit lang nito ng balikat saka tumawa ng nakakaloko. Mula nang dumating ako rito sa Canada ay si Charlie na ang nakasama ko sa buong panahon na pananatili ko rito. We’re best of friends kaya naman halos lahat na yata ng tungkol sa akin at sa nakaraan ko ay naikwento ko na sa kanya at ganoon din naman siya sa akin. Mabait ito at maalalahanin. At kahit pa libangan na namin ang asarin ang isa’t isa ay hindi nawawala ang concern nito at pagiging protective sa akin. Sabi nga niya ay babae pa rin naman daw ako na dapat alagaan. Kaya nakahanda siyang ibigay iyon sa akin pero ang kabilin bilinan lang nito ay ‘wag na ‘wag ko raw siyang gagapangin sa kwarto niya kaya naman kahit nag-e-emote ako noong mga panahong iyon ay mabilis niyang napagaan ang loob ko. Naisip ko na napakalaking tulong niya sa mabilis na paghilom ng puso ko. Dahil siguro sa sense of humor niya at words of wisdom na lagi niyang ibinabahagi sa akin kaya mabilis kong natanggap ang lahat. Natutunan ko rin na alisin ang galit sa puso ko at unti-unting napatawad ang mga taong nanakit sa akin. Katunayan ay maayos na ulit ang relasyon namin ni Jessica. Muli kaming bumalik sa dati. Ang kaibahan nga lang ngayon ay malayo kami sa isa’t isa physically. We always support each other lalo na sa mga small and big achievements ng bawat isa. Pero isa lang ang hiniling ko sa kanya noong mga panahong hindi ko pa lubos na tanggap ang nangyari, na ayokong marinig ang kahit na anong tungkol kay Nolan na hanggang ngayon naman ay tinutupad niya. Katunayan ay iniwasan ko talaga ang makarinig ng kahit na anong tungkol sa lalaking 'yon mula ng araw na umalis ako. Hindi dahil sa galit pa rin ako kay Nolan kundi isang paraan ko iyon para tuluyang makalimutan siya. Dahil kung patuloy akong makikibalita sa kanya ay sigurado ako na patuloy lang na mananariwa ang sakit na ngayon ay sigurado akong tuluyan nang nawala. “Malapit na, Mama. Iniipon ko muna ang leave ko para matagal ang bakasyon ko riyan,” pagkuwa’y pangako ko kay Mama na tila naiinip sa sagot ko sa tanong niya. “Good! Kasi mapapauwi at mapapauwi ka rin naman sa ayaw at sa gusto mo.” Kumunot ang noo ko. “What do you mean, Ma? May nangyari ba? Kanino?" Kinakabahang tanong ko. Tila naman nabigla ito sa sinabi na bahagyang napangiwi pagkatapos niyang sandaling matigilan. “Ano ka ba, 'wag kang mag-alala. Walang anumang masamang nangyari kahit kanino sa 'min...Sige na, antok na ‘ko, anak. Bukas na lang namin sasabihin sa ‘yo. At gusto ni Jessica ay siya mismo ang magsabi sa ‘yo.” “Ma...” Humikab ito habang tinatakpan ang bibig. “Good night! Tama na ang exercise, mag-breakfast ka na, ha?...Bye!” Napakunot na lang ang noo ko nang biglang dumilim ang screen ng cellphone ko at nawala si Mama. Ilang sandali akong nakatitig doon nang marinig ang boses ni Charlie. “Breakfast is ready!” energetic na tawag ni Charlie. Wala sa sariling napatayo ako at pinuntahan ito sa kusina. “Oh, bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” puna nito habang iniaabot sa akin ang pagkain. Napanguso ako saka inabot iyon mula sa kanya. Nagsangag ito ng kanin na may pritong hotdog at bacon. Nagsalin ito ng orange juice at inilapag sa tabi ng plato ko. Umiling ako at bahagyang itinikwas ang nguso. “Si Mama kasi…may sasabihin daw sila sa akin pero gusto raw ni Jess ay siya mismo ang magsasabi sa ‘kin.” Bigla itong tumingin sa akin na animo'y gulat na gulat. “Hala ka! Hindi kaya buntis ang mang-aagaw mong lukaret na sister at magpapakasal na sila ng haliparot mong ex jowa?” Inirapan ko siya habang hindi ko mapigilan ang matawa sa ka-eksaheradahan niya. Binato ko siya ng isang piraso ng orange na natira niya kanina. “Ouch! Ano ba?” maarteng pakli nito habang inaalis ang prutas na tumama sa pisngi niya. “’Yang bibig mo, ha? Kapatid ko ‘yan tinutukoy mo,” natatawang saway ko rito. “Saka ang dami mong payo na sinunod ko pero mukhang ikaw naman yata itong hindi pa nakaka-move on.” Tumagilid ang labi nito. “Ikaw naman, syempre joke lang ‘yon! Gusto ko lang makita ang reaction mo. But based on my wide comprehension and imagination… Congrats! Mukhang move on na move on ka na, girl!” napapalatak pang pakli nito. “So, siguro naman ay may chance na si Hanz sa ‘yo.” Tukoy nito sa isang doctor na kasamahan namin sa trabaho na naging kaibigan na rin namin. “O si Doc Oliver kaya?” Inirapan ko lang siya saka inumpisahan ang pagkain. Minsan lang niya nakita si Oliver nang mag-tour ito sa Canada at nakipagkita sa akin. Mula noon ay madalas niya na itong tinutukso sa akin na may something daw iyong tao sa akin na kahit kailan ay hindi ko naman naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD