Tumaas ang kilay nito saka ngumisi. “So, your Mom really perfectly hid it from you. I wonder how you’ve learned about this now.” Tumigil ito sandali habang nilalaro-laro sa kamay ang hawak nitong ballpen. “To answer your question, Eva is my business partner. We both own this investment company for a long years.”
“How long?”
“Since your father died?”
Tumahip ang dibdib ko. Awtomatikong naikuyom ko ang mga kamay kong nakapatong sa mga hita ko. Hindi ako sigurado pero bigla akong nakaramdam ng takot o kaba pagkatapos ng sinabi niya.
Matalim ang mga tinging ipinukol ko sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”
“Simple lang…mula ng mamatay ang Daddy mo ay sinimulan na namin ang negosyong ito.” Mataman niya akong tiningnan bago nagpatuloy. “Dahil wala naman iniwan ang Daddy mo sa kanya para buhayin ka kaya tinulungan ko siya. And here it is, magkasama namin pinatakbo ang negosyong ito sa mahabang panahon, which I doubted why and how she managed to keep it from you.”
I clenched my jaw as I welcome his gaze with his mocking statement. Hindi ko na nagugustuhan ang pananalita at pinupunto nito.
Ipinilig ko ang ulo sa biglang pumasok sa isip ko. Maybe I was just overthinking.
“Let me go straight to the point, Mr. Madrid. Kaya ako nagpunta rito ay para alamin ang kasalukuyang sitwasyon ng kumpanya kung totoong konektado rito si Mommy and nothing more.”
“You sound like your father.” Tumango tango ito saka ngumisi. “Well I guess, hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa since ikaw na mismo ang lumapit sa akin.” Tumigil ito sandali. “Maybe you would also like to know not just about the business matter but more on our personal relationship?...In that case, let me start with this, we have run this business flawlessly for many years. Your Mom and I have been good partners since then. Not to mention how we’ve been good to each other even before she married your father.”
Kumunot ang noo ko at nagtitimping hinintay ang mga susunod nitong sasabihin.
“As you can see, for a longer years, naging maayos ang buhay n’yo. Your Mom and I became a good partner. Napalago namin ang negosyong ito. At dahil dito ay naitawid niya ang pangangailangan niyo. That’s why I think, I don’t deserve that kind of look of yours towards me,” anito na biglang gumuhit ang galit sa mga mata.
Tiim ang bagang na tumayo ako. “Nonsense!” I whispered.
Mali na pumunta agad ako rito kesa kausapin muna si Mommy. Mas mabuting umalis na ako hanggang nakakapagtimpi pa ako. Malaki ang tiwala ko kay Mommy at ayokong mabahiran iyon ng isang taong hindi ko lubos na kakilala.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito na hindi ko pinansin pero napatigil ako nang muli itong nagsalita. “Do you care to share with me your next plan, Nolan. Co’z if you're planning to confront her, I’m afraid, your Mom will surely deny it.”
Gumalaw ang panga ko saka muling humarap sa kanya. “Anong gusto mong sabihin, Mr. Madrid.”
Tumigas ang mukha nito na tumitig sa akin. “Hindi ka ba nagtataka kung paano ka binuhay ng Mommy mo? Kung paano ka niya napag-aral sa magandang eskwelahan at binigyan ng magandang buhay sa kabila nang wala ni isang kusing na iniwan sa inyo si Hubert?”
Mariin akong lumunok pagkarinig kung paano niya sabihin ang pangalan ni Daddy.
“Nagsumikap si Mommy para palaguin ang negosyo niya.”
Tumawa ito habang tumatango-tango. “Yes, ang bake shop na sa akin din nanggaling…You know what, Nolan, hindi mo na dapat pang nalaman ito. But since, you’ve learned about this now, hindi na kita pahihirapan pa lalo na ang Mommy mo…planado na namin ni Eva ang lahat. I will clear this mess at pagkatapos ay aalis na kami ni Eva papuntang America.”
Umiling ako saka pilit na tumawa. “You’re crazy!”
“Maybe,” tumango tango ito. “We were deeply in love like crazy at kung hindi dahil sa traydor mong ama ay malaya sana kaming nagmamahalan ni Eva hanggang ngayon. Ako ang mahal ng Mommy mo at hanggang ngayon ay hindi nagbago ‘yon.” Lumapad ang ngiti nito na nauwi sa maugong na halakhak pagkatapos ay lumapit ito sa wine cabinet sa bandang likuran nito saka nagsalin ng alak sa baso. “But look what happened, I was really destined to be with your Mom kaya siguro maagang nawala ang Daddy mo. Eva and I are destined to be partners not only in business but also in bed—"
Isang malakas na suntok sa panga niya ang pinakawalan ko bago pa niya matapos ang sasabihin saka mahigpit kong hinawakan ang kwelyo ng damit niya. “’Wag na ‘wag mong dudungisan ang pagkatao ni Mommy dahil—”
“Hindi ka naniniwala? Bakit hindi mo alamin ang nakaraan namin? Hubert's family knew about our past until now. Actually, the bind between us never end,” nakangising sambit nito. “Why do you think Hubert’s family easily abandon you after he died, huh?” he asked mockingly.
Mariin kong pinaglapat ang mga labi ko at naniningkit ang mga matang tinitigan siya.
“Because they believed that you are my son.” Pagpapatuloy nito.
Umawang ang labi ko habang lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo nito dahil sa pagkagulat at galit na biglang bumukal sa dibdib ko pagkatapos ng sinabi nito. “Don’t you dare say that again!”
Kahit kailan ay hindi ko pinagdudahan ang pagiging ama sa akin ni Daddy. Kung hindi ko pa siya bibitawan ay baka masakal ko siya kaya marahas kong inalis ang mga kamay ko na mahigpit pa rin nakahawak sa kwelyo niya.
“Stop that nonsense and don’t let me see you again!”
Lumabas ako at pabalibag na isinara ang pinto. Nakakuyom ang kamay ko nang pakawalan ang isang malakas na suntok sa pader bago pumasok sa elevator.
Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng lalaking iyon pero hindi ko mapigilan ang malakas na kutob ng dibdib ko na maaaring may katotohanan ang sinabi nito maliban sa huling sinabi niya. Bagay na hinding hindi ko matatanggap kahit kailan.
Biglang pumasok sa isip ko ang pangyayari noon. Mula nang magkaisip ako hanggang sa mamatay si Daddy ay saksi ako kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Naalala ko pa kung paano sila tuksuhin ng mga kaibigan nila tuwing dadalaw o magkikita-kita ang mga ito at kainggitan dahil sa sobrang pagiging sweet nila sa isa’t isa.
Sila ang naging huwaran ko kaya kahit sa murang edad ay nangarap ako na balang araw ay makatagpo rin ako ng pagmamahal na katulad ng mayroon sila.
Napakunot ang noo ko kasabay ng alaala nang magsimulang magkaroon ng problema sa kumpanya ni Daddy. Madalas mainit ang ulo ni Daddy kapag dinadala niya ang trabaho sa bahay pero kahit gaano kainit ang ulo nito ay nakakaya nitong maging mahinahon kapag kaharap ako lalo na si Mommy.
Pero minsan ay hindi sinasadyang narinig ko ang pag-aaway nila. Lumapit ako sa pinto ng kwarto nila dala ng kuryosidad. Tahimik noon si Daddy habang si Mommy naman ay mataas ang boses at walang tigil sa pagsasalita. Hindi ko noon maintindihan ang pinag-uusapan nila at ang tanging naunawaan ko lang ay sinisisi nito si Daddy at nagsisisi raw ito sa naging desisyon niya na pakasalan ito.
Sa mga sumunod na araw ay napansin ko ang hindi nila pagkikibuan. Si Mommy ay laging mainit ang ulo habang si Daddy ay nanatili lang na tahimik. Pero hindi rin nakatiis noon si Daddy at palaging sinusuyo si Mommy. Narinig ko pa nagmakaawa noon si Daddy na ‘wag umalis si Mommy, na gagawin niya ang lahat para muling ibangon ang negosyo.
Hanggang sa lumipas na ang panahon at tuluyang nagkasakit si Daddy at sa kasamang palad ay ikinamatay ito.
I shook my head. Hindi magagawa ni Mommy ang sinasabi ng lalaking iyon. Kilala ko ang mga magulang ko at alam ko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.
Dumiretso ako sa exit door at hindi pinansin ang mga taong gustong makapasok sa building na hanggang ngayon ay hinaharang pa rin ng mga gwardiya.
Nakakailang hakbang na ako nang mapatingin sa kausap ng isang security guard. Naagaw ang atensyon ko nang isang babaeng malakas ang pamilyar na boses na nakikipagtalo sa gwardiya.
Tumigil ako nang tuluyang makilala ang babae at nagtatakang lumapit ako sa mga ito.
“Jess? Anong ginagawa mo rito?”
Bigla naman nitong naitikom ang bibig pagkatapos ay tumingin sa akin. Naka-jeans and fitted blouse ito. Ang mahaba nitong buhok ay mataas ang pagkakapusod.
“Nolan?” gulat na tanong nito. “Bakit ka nandito? Don’t tell me, dito ka nagta-trabaho?”
Umiling ako.
Nanlaki ang mga mata nito saka lumapit sa akin. “So, isa ka rin sa mga nabiktima ng investment company na ‘to?”
Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkus ay niyaya ko siyang maupo sa isang bench na medyo may kalayuan sa mga nagkakagulong tao.
“Anong sinasabi mo na biktima ng investment?” panimulang tanong ko.
Bumuntong hininga siya saka umiling iling. “Ayan , nakikita mo ba ang building na ‘yan?” Turo nito sa pinanggalingan ko. “That Golden East Asset is a scammer.”
Sinundan ko ang tinitingnan nito. Naroon pa rin ang mga taong wala yatang pagod sa paghihintay at pakikiusap sa mga gwardiya na papasukin sila. “Anong ibig mong sabihin? Isa ka sa nabiktima nila?”
Ngumuso ito saka inikot ang mga mata saka pinahid ang maliit na butil ng pawis sa noo.
“’Unfortunately, yes!” gigil na sagot nito. “Lahat ng pinaghirapan kong pera ay napunta sa mga hayop na ‘yan.”
Sinimulan nitong i-kwento ang bawat detalye kung paano siya naging kliyente ng kumpanya habang namumula ang mukha nito sa galit.
“Oh ikaw naman, bakit ka nandito?” pagkuwa’y tanong nito.
Napaangat ang tingin ko sa kanya saka iniiwas ang mga mata. Hindi pa lubos na naa-absorb ng utak ko ang mga sinabi sa akin ng Peter na iyon at ang pagkawala sa akin ng project na matagal kong trinabaho pagkatapos ngayon ay panibagong problema na naman ang natuklasan ko.
“Pauwi na ako, sumabay ka na sa akin.”
Umiling ito. “Hindi ako aalis dito hanggang wala akong nakukuhang sagot sa kanila,” determinadong sambit nito. “Alam mo bang dugo’t pawis ang ipinuhunan ko para kitain ang pera na ‘yon, para kay Papa? Kaya pati pag-aaral ko ay naisakripisyo ko kasi natatakot ako na baka hindi na kayanin ng puso ni Papa kapag hindi pa namin siya naipagamot.”
“What do you mean na isinakripisyo mo ang pag-aaral mo?”
Napatakip ito sa bibig saka umiling iling. Maya maya ay humikbi ito saka hinawakan ang kamay ko. “Nolan, please, sa atin na lang ito. ‘Wag mong sasabihin kay Icca na nagkita tayo rito lalo na ang sabihin kina Papa ang tungkol dito. Please, Nolan!"
Wala akong nagawa kundi ang tumango bilang pagsang-ayon. Kailangan ko muna alamin ang katotohanan mula kay Mama.
Ilang beses ko siyang pinilit bago nakumbinsing umuwi. Sa huli ay pumayag na rin ito pagkatapos kong ipangako na tutulungan ko siya na mabawi ang halagang nawala sa kanya.