Nakapikit ang isang matang sinilip ko ang orasan na nakasabit sa wall. Pasado alas sais na.
Bumangon ako at nakangiting nag-inat. Bumaling ako kay Jessica na himbing na himbing pang natutulog. Niyugyog ko ito sa balikat na dahilan ng pag-ungot nito.
“Gising na, Twinny,” utos ko na ngayon ay inalisan ko ng kumot na nakabalot sa katawan nito.
“Ang aga pa! Gusto ko pang matulog,” sagot nito sabay pahablot na kinuha ang kumot saka tumalikod sa akin.
Tumayo ako at ini-off ang aircon saka binalikan ulit ito. “Happy birthday, Twinny!.. Bangon na, bilis!” Hinila ko muli ang kumot mula sa katawan niya.
Bahagya nitong binuksan ang mga mata. “Happy birthday, Twinny,” inaantok na sagot nito.
Iniwan ko ito saglit at kinuha ang regalo ko na nakatabi sa cabinet. Noong isang linggo ko pa ito binili para sa kanya at pinag-ipunan ko ito mula sa allowance na tinipid sa loob ng isang buwan.
Nakangiti akong lumapit sa kanya at inilagay sa tabi nito ang isang katamtamang laki ng box na nakabalot sa pulang gift wrap na naglalaman ng isang set ng make up.
“Here’s my gift for you, Jess. Mamaya mo na buksan, ha? Maliligo na ako. Bumangon ka na rin para umabot tayo sa misa.”
Kumakanta ako habang naliligo. I feel so alive today, hindi lang siguro dahil birthday namin ngayon ng kakambal ko kung hindi pakiramdam ko ay magiging extra special ang araw na ito.
Pagkatapos kong maligo ay wala na sa kwarto si Jessica. I changed my clothes in a simple peach colored sunday dress na tinernuhan ko ng flat tan sandals. I blow dry my hair and braid. Nagpolbo na rin ako at naglagay ng manipis na lipstick.
Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Jessica na ngumunguya habang nagmamadali sa paglalakad.
“Bilisan mo na kumain, Twinny. Do’n na ‘ko naligo at mukhang napasarap ka sa banyo,” anito na ngumuso sa loob ng kabahayan. “Bibilisan ko lang magbihis.”
Tumango na lang ako at hindi na nag-usisa kung bakit mukha itong nagmamadali ngayon at saan ang lakad nito.
Saktong katatapos lang namin kumain ng bumaba si Jessica. Tumayo naman si Papa na may kinuha sa cabinet pagkatapos ay tinawag kami pareho. “Happy birthday, kambal! Pagpasensyahan n’yo na ang nakayanan namin ng Mama n’yo,” nakangiting sabi nito habang inaabot sa amin ang dalawang maliit na paper bag na parehong pareho ang kulay.
Nagkatinginan kami ni Jess at nakangiting sabay na inaabot iyon. “Ay, ok lang kahit anong gift, Papa, basta galing sa inyo ni Mama,” sambit ko na sinilip ang loob ng bag.
“Oo nga naman, Pa, Ma. Pero thank you pa rin. Hayaan n’yo at isang taon na lang ay kami na ni Icca ang bahala sa inyo.”
Tumingin siya sa akin at nag-high five.
“Happy birthday, kambal ko,” bati naman ni Mama na lumapit din sa amin. “Dalagang dalaga na talaga kayo. Hindi ako makapaniwala na kayo na ang babies ko at ilang taon na lang ay baka mag-asawa na rin kayo at iwanan niyo na kami ng Papa n’yo,” naluluhang sambit pa nito.
“Mama naman!” Lumapit ako rito at yumakap ganoon din si Jess. “Matagal pa kami mag-aasawa, ‘di ba, Jess?” tanong ko na lumingon sandali kay Jess na agad naman tumango at yumakap na rin kay Mama.
“Syempre, matagal pa mangyayari ‘yon, Mama. Wala pa nga nagiging boyfriend si Icca, ‘di ba? Pa’no mag-aasawa ‘yan?" natatawang tanong sagot nito.
“Oo nga naman, Mama,” tumatawa na rin sang-ayon ko.
“Pwede ba akong sumali sa inyo?” nakangiting tanong ni Papa.
Sabay sabay namin nilingon si Papa saka ibinuka ang mga braso upang salubungin din ang yakap nito.
“Ako naman, kahit may boyfriend ako, hindi pa rin ako mag-aasawa hanggang hindi pa namin nasisiguro ang kalusugan mo, Papa. Gagalingan ko pa sa pagmo-modelo ko para mapaoperahan kita,” ani Jess habang nakatingala kay Papa na nagsisimula nang mamasa ang mga mata.
“Salamat mga anak, pero hindi n’yo obligasyon iyon sa akin. Ang makapagtapos kayo sa pag-aaral at magkaroon ng maayos na buhay ang tanging kahilingan namin ng Mama n’yo.”
“Pero magiging maayos lang ang buhay namin, Pa, kung makakasama namin kayo ni Mama nang matagal na walang iniindang sakit at parehong malakas.” Dagdag ko.
“True! Kaya relax lang kayo ni Mama at kami na ang bahala ni twinny sa inyo.”
Nakangiting pinagmasdan kami ni Papa saka mahigpit na niyakap.
“Ang aga aga ang drama natin,” natatawang pakli ni Jess na unang kumalas sa pagkakayakap namin. “Ang ganda ganda pa naman lalo namin ngayon ni Icca, masisira lang sa ka-dramahan natin.” Biro nito na inayos ang medyo nagulong buhok.
“Kailan ba naman pumangit ang mga anak ko eh mana kayo pareho sa Mama n’yo?”
Tiningnan namin si Mama na malagkit na tingin ang ipinukol kay Papa pagkatapos marinig ang papuri nito saka malambing na inayos ang kwelyo ng polo shirt na suot nito.
“Tama ka naman diyan!” natatawang sang-ayon nito na tila kinikilig. “Siya, tara na nga at baka mahuli pa tayo sa misa,” anyaya ni Mama habang pasimpleng nagpunas ng mga mata.
Kinikilig naman kaming nagkatinginan ni Jessica. Kahit sanay na kami sa lambingan ng mga ito ay tuwang tuwa pa rin kami tuwing makikita namin kung paano nila iparamdam ang pagmamahal sa isa’t isa.
“Let’s go!” Jessica cheered.
Magkakasabay kaming pumasok sa loob ng simbahan na halos nakakapangalahati pa lang ang okupado na upuan.
Pumuwesto kami sa bandang unahan at bago pa magsimula ang misa ay narinig ko na may kabatian si Mama na bagong dating.
Napatingin ako sa mga ito kasabay ng pagkuhit ni Jess sa braso ko at itinuro ang mga nakatayo sa harap ni Mama.
Ipinakilala kami nito sa babaeng tingin ko ay kasing edad ni Mama na kaibigan daw niya noong college at sa kasama nitong binata na parang hindi nalalayo ang edad sa amin ni Jessica. Ngumiti naman ako at bumati sa mga ito.
Nasundan ko ang tingin ng lalaki na ipinakilala bilang Oliver na anak daw ng kaibigan ni Mama na ngayon ay magkatabi na sa upuan.
Lumapit naman ito sa akin habang nakangiti at tila nahihiya. “Pwede bang nakiupo rito?” tanong nito na nakaturo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Ngumiti naman ako at tumango. I looked at him and gave him a friendly smile habang si Jessica naman ay pilit lang na ngiti ang ibinigay dito nang mapatingin sa kanya si Oliver.
Ilang minuto pa ay nagsimula na ang mass. Natuon na roon ang atensyon ko lalo na nang mag-umpisa ang gospel.
I constantly nudged Jessica’s arm every time she peeps on her cellphone. Mukhang inip na inip na ito at wari’y hindi iniintindi ang misa.
Napapasulyap naman sa amin si Oliver na alam kong ramdam ang paninita na ginagawa ko kay Jessica.
Nang sa wakas ay natapos ang misa ay agad na nagpaalam si Jessica sa amin at siniguradong uuwi ng maaga pagkatapos ng lakad nito.
Pagkatapos paalalahan muli nila Papa na mag-ingat ay mabilis na itong sumakay sa tricycle habang kami ay sandali pang nanatili sa labas ng simbahan.
Kausap pa kasi ni Mama ang kaibigan nito na kanina lang daw ulit nila nakita. At mukhang matagal na rin itong kakilala ni Papa at halos hindi maubos ang kwentuhan nila.
I silently wait beside them habang paminsan minsan ay nasasali ako sa usapan nila.
“You’re Anika, right?” untag ni Oliver na sandaling nagpaalam kanina nang may tumawag sa cellphone nito.
“Yup!” nakangiting sagot ko.
Inilahad nito ang kamay. “I’m Oliver Bermudez.”
Tumango ako at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. We casually shook our hands and smiled.
Maputi ito at gwapo, may katangkaran din. 5’5 ako at siya ay mukhang 5’9. Medyo maputi ang balat at may pagka-conyo magsalita. Sa kilos at pananamit ay mukha itong mayaman katulad ng Mommy nito. Pero mukha siyang mabait at friendly tulad ko kaya siguro magaan ang loob ko sa kanya.
“Birthday mo pala ngayon?” untag nito.
“Yup! Birthday namin ni Jessica.”
Kumunot ang noo nito na tila nag-isip. Natawa naman ako dahil malamang ay hindi nito alam na kambal kami at tulad ng iba ay wala rin itong nakitang pagkakapareho namin ni Jess.
“Jess and I are twins,” nakangiting sambit ko.
“Really? You look different."
Nagkibit ako ng balikat. “Well, hindi lang ikaw ang nagsabi niyan. Talagang hindi kami napagkakamalang kambal since childhood,” natatawang sang-ayon ko. “Siya pala, taga rito rin ba kayo? Parang hindi kasi kayo pamilyar "
Umiling ito. “Nope! Sa Manila kami nakatira. Nag-visit lang kami kay Lolo, father ni Mommy and unfortunately uuwi rin mamaya.”
“Ayaw mo pa umuwi?”
Tumingin ito sa akin saka luminga sa paligid. “Maganda pala kasi rito sa probinsya. Tahimik at presko ang hangin.”
“Ngayon ka lang nakapasyal dito?”
“I’ve been here, once. I think, when I was in grade school. Can you imagine that? After more than a decade, saka pa lang ako nakabalik dito,” umiiling na nakangiting sambit nito. “Busy kasi sila Mommy at Daddy kaya si Lolo ang madalas na dumadalaw sa amin sa Manila.”
“I see.”
“I heard, nursing student ka?”
Tumango ako. “Yup, and on my fourth year next year.”
“Hmmm, mukhang destiny tayo ah!” birong sambit nito na sandaling ikinakunot ng noo ko.
“Nurse ka?” Mukha naman itong hindi estudyante. Tingin ko ay matanda ito sa akin ng tatlo o apat taon.
Nakangiti itong umiling. “No, I’m a resident doctor in St. Luke’s Hospital.”
“Wow! Doctor ka pala,” bulalas ko.
“Well, hindi siguro halata but yes, I am,” nakangiting sagot nito.
“Hindi naman. Akala ko kasi ay ilang taon lang ang tanda mo sa akin.”
Napaubo ito at natatawang tumingin sa akin. “Ngayon naman ay matanda na ang tingin mo sa akin… Pero mas matanda naman talaga ako sa ‘yo. I’m 26.”
Tumango tango ako while gazing at him. Mas gwapo pala ito kapag tumatawa at litaw na litaw ang mapuputi at pantay pantay na mga ngipin nito.
Pero mas gwapo pa rin at mas masculine ang dating ni Nolan. Nanlaki ang mga mata ko at natatarantang kinapa ang cellphone sa sling bag na suot ko.
Wala naman kaming eksaktong oras na pinag-usapan pero sigurado ako na magte-text ito. Hindi ko pa naman inalis sa silent mode ang cellphone ko kanina paggising ko dahil a-attend nga kami ng misa at ayoko na ma-distract sa pakikinig.
Napakagat ako sa labi nang makita ang limang missed calls saka napangiwi.
“Boyfriend mo?” napatingin ako kay Oliver na bahagyang nakangiti na nakatingin sa cellphone na hawak ko.
“Best—”
“Anika!”