Pinili ko na maghintay sa labas ng restaurant. At siniguradong hindi ako mapapansin ni Nolan. Ayoko naman na makaistorbo ako o isipin nito na sinusundan ko siya. Lalo na at halatang seryosong bagay ang pinag-uusapan ng mga ito.
Pagkatapos ng halos kalahating oras ay nakita kong lumabas ang lalaking kausap ni Nolan. Walang lingon likod itong dumiretso sa isang magarang kotse na nakaparada sa harapan ng restaurant. Seryoso pa rin ang mukha nito na tila may halong disappointment.
Maya maya pa ay natanaw ko mula sa glass wall na papalabas na rin si Nolan kaya agad akong tumayo at sinalubong ito.
“Anika?” gulat na tanong nito na agad na lumapit sa akin. “Anong ginagawa mo rito? May kasama ka ba?”
Ngumiti ako at humawak sa braso niya. “Kasama ko ang mga kasamahan ko sa medical mission. Dito kami nag-lunch, ‘yon nabanggit ko sa ‘yo kanina,” sambit ko upang ipaalala rin na ipinagpaalam ko iyon sa kanya. “Masyado yatang seryoso ang pinag-usapan niyo ng ka-meeting mo at hindi mo kami napansin kanina.”
Napaangat ang tingin nito sa sasakyan na sandaling tumigil sa harap namin. Bumaba ang bintana sa likuran ng sasakyan at lumitaw doon ang lalaking kausap nito kanina. He showed his strong gazed to Nolan that asserts dominance and power.
Maging ako ay parang gustong matakot sa aura nito. I looked up to Nolan nang mapagawi ang tingin nito sa akin.
I caught his squinted eyes while clenching his jaw. Nag-iwan pa ito ng isang matalim na tingin sa lalaki bago hinawakan ang kamay ko at iginiya papunta sa kabilang bahagi ng parking lot.
Hindi ako nagsalita habang nasa byahe. I constantly checking on his reaction dahil baka sakali ay magbago na ang mood nito. But he was seem to be in deep thought. Parang pati yata ako ay nakalimutan niyang kasama ngayon.
Kanina ko pa gustong magtanong at mag-usisa tungkol sa lalaking kausap niya. Pero ayoko naman na pangunahan siya. Kung dati ay kinukulit ko ito sa lahat ng bagay at wala itong kayang itago sa akin, pakiramdam ko ay iba ngayon. I can sense that he needs privacy. Ngayon ko lang kasi ito nakitang ganito ka-seryoso. Pati ang uri ng mga titig nito kanina sa lalaking iyon ay ramdam kong may kaakibat na malalim na dahilan at kahulugan.
Tumikhim ako nang malapit na kami sa bahay namin. He must be aware that I’m here dahil kung hindi ay hindi niya tatahakin ang patungo sa bahay namin.
“Tuloy ba ang lakad mo bukas.”
Muling gumalaw ang panga nito na diretso pa rin ang tingin sa harapan saka lumingon sa akin sandali saka tumango.
“Pasensya ka na kanina.”
“Ok lang. Mukhang seryoso ang pinag-usapan n’yo. Ayos ka lang ba?”
Itinigil nito ang kotse sa tapat ng gate namin. Saka pilit ang ngiting humarap sa akin saka umiling. “But don’t worry, I can handle this,” maagap na dagdag nito.
Sandali ko siyang pinagmasdan. Maya maya ay inabot ko ang kamay niya at hinaplos iyon. “Nandito lang ako, ha? Kung may problema sana tulad pa rin ng dati, walang lihiman?”
Nanatili itong nakayuko habang nakatingin sa mga kamay namin. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito saka nagsalita. “Si Paul Villaraza, kapatid ni Daddy,” sambit nito saka dumiretso muli ng upo at tumingin sa labas.
Kumunot ang noo ko at nag-isip. Ang sabi nito ay dalawa ang kapatid ng Daddy niya at isa roon ang sumabotahe sa negosyo ng mga ito noon at sumira sa reputasyon ng Daddy niya.
At base sa reaksyon nito ay hindi malayong ito ang taong kinasusuklaman nito.
“Siya ang ba ang may kagagawan ng mga nangyari sa inyo noon?” hindi ko mapigilang tanong.
Umiling ito na lalong nagpakunot ng noo ko.
“They used to be allies, sa pagkakatanda ko. My Dad’s biggest confidant but at the end, he turned his back on my Dad.” He sneered. “I don’t know what was real story at hindi ko na sana plano na alamin pa kung anong nangyari noon lalo na ang lumapit sa kahit na kanino sa kanila.”
“So, sinadya ka niya rito?”
Tumango ito at mapaklang ngumiti. “Just this once. Birthday ni Lolo bukas. Pagbibigyan ko lang si Mama dahil hindi ako papayag na pumunta siyang mag-isa roon,” sambit nito na ramdam ko ang pinipigilang galit sa boses nito.
Kinagat ko ang labi at matamang pinagmasdan siya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin upang pagaanin ang loob niya sa mga sandaling ito. Bukod sa mga limitadong pangyayari noon na naikwento niya sa akin ay wala na akong alam sa pamilya nito.
Maya maya ay nakangiti na ito nang humarap sa akin. “Sorry, pati tuloy ikaw ay pinag-iisip ko. Just forget it,” anito na hinaplos ang mukha ko. “Dadaan ako rito bukas bago kami lumawas ni Mama.”
Niyaya ko siya sa loob ng bahay at ilang oras na nag-stay doon. We chatted while watching my favorite Korean drama.
Ipinagluto pa kami ni Mama ng pancake na paborito nito. He constantly made a joke na bentang benta sa akin lalo na kay Mama.
Tila nakalimutan na nito ang nangyaring pakikipagkita sa Tito nito. Kaya hindi na rin ako nag-ungkat pa ng anuman tungkol doon dahil baka masira ulit ang mood nito.
Isa pa ay hindi ako sanay na makita siyang galit. Sanay ako sa gentleness nito hindi lang sa akin at sa mga mahal niya sa buhay kundi sa lahat ng bagay. Sanay ako na lagi siyang masaya at walang anuman sama ng loob sa kahit na kanino o kahit saan.
Bago dumilim ay nagpaalam na ito. Maaga raw kasi silang aalis dahil balak daw niya na magpakita lang sa mga kamag-anak ng Daddy nito at bilang pagbibigay respeto na rin sa kanyang Lolo.
Pagkatapos ko siyang ihatid sa labas ay siya namang dating ni Jessica. She was smiling from ear to ear habang sumasayaw sayaw pa na hinawakan ang mga kamay ko at itinaas iyon saka umikot ikot sa ilalim nito.
“Ang saya mo, ah! Anong meron?” natatawang tanong ko na sinabayan ang pag-ikot nito.
“Anong nangyari? Nababaliw na ba ang mga anak ko?”
Tumatawang sabay kaming napalingon sa may pinto kung saan nakatayo roon si Mama.
Umiirit na tinakbo ni Jessica si Mama at naglulumundag sa harap nito. “Ma, natanggap ako sa in-apply-an kong advertising company. And guess what? May dalawang product na ang naka-line up sa akin bukod pa sa isang brand ng lotion na sisimulan na namin next month!”
Napaawang ang mga mata ni Mama habang titig na titig kay Jessica. “Talaga ba, kambal? Naku, napakagandang pagkakataon niyan!” tuwang tuwang sambit nito.
Pati ako ay gulat na lumapit sa mga ito at hinawakan ito sa braso. “Totoo ba, Twinny? Ang galing mo talaga! So, ang kasunod na niyan ay showbiz?!” kinikilig na tanong ko.
Nag-flip ito ng buhok saka lumingon sa akin. “Uh-huh! That is my next goal, ang makapasok sa showbusiness. Ready ka na ba, Twinny, na magkaroon ng artistang kakambal?” birong tanong nito.
“Oh, yeah! Ready-ing ready na 'kong maging manager mo, Twinny?” birong sagot ko na tumatawang sinang-ayunan naman nito.
“Aba, anong meron? Mukhang nagkakasayahan kayo, ah!?”
Sabay sabay kaming napalingon at sinalubong si Papa. Tinanggal nito ang suot na salamin sa mata at isinabit sa harap ng suot nitong polo shirt.
“Sa’n ka galing, Pa?” tanong ko habang ikinakawit ang kamay ko sa braso nito.
Si Jess naman ay ganoon din ang ginawa habang sinisimulang i-kwento kay Papa ang ibinalita nito sa amin.
Tuwang tuwa naman si Papa na binati ito at pinuri kaya abot abot ang ngiti lalo ni Jess.
“Sabi ko sa ‘yo, Papa, malapit na natin maipagamot nang tuluyan ang sakit mo at hindi mo na kailangan pagtiisan ang mga maintenance mo. Ako na ang bahala sa ‘yo!” proud na sabi nito habang nakangiting nakatingala kay Papa.
Hinawakan ni Papa ang ulo nito at malambing na hinalikan si Jess sa buhok saka maluha-luhang nagpasalamat. “Salamat, anak,” emosyonal na sambit nito pagkatapos ay bumaling sa akin. “Salamat mga anak. Napaka-swerte namin sa inyo ng Mama n’yo, alam n’yo ba ‘yon?”
“Tama na nga ‘yan, baka mamaya maiyak pa ang Papa n’yo,” nakangiting pakli ni Mama. “Tara na sa loob at tulungan niyo na lang ako magluto ng hapunan.”
Sabay sabay kaming nagtawanan saka masayang pumasok sa loob. Habang si Jess ay sobrang energetic na sumasayaw sayaw pa rin habang naglalakad papasok kaya pati si Papa ay ginaya na rin ang mga galaw nito.