I'm patiently waiting for my last subject to dismiss. Half day lang ang klase ko every Tuesday, Thursday and Saturday. At mamayang hapon ay manonood ako ng basketball. Varsity player si Nolan since Sophomore and this is his last game as a student.
Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako isipin pa lang na sa susunod na taon ay wala na akong iche-cheer sa basketball court.
Siya lang naman talaga ang dahilan kung bakit ko nahiligan ang manood ng basketball games. At literal na sa kanya lang nakatutok ang mga mata ko kapag nag-umpisa ng gumalaw ang bola.
“Ms. Santillan, are you with us?”
Napatingala ako at gulat na napatingin sa Professor ko na hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa tabi ko. Tumingin ako sa palagid at pati pala mga kaklase ko ay nakatingin na rin sa akin ngayon.
Mukhang nawala talaga ang atensyon ko sa klase namin. Paano naman kasi ay ilang araw na akong nagmo-monologue at wala na yatang pumapasok sa utak ko. Mabuti na lang at tapos na ang lahat ng final exams namin at itong huling linggo ay recap na lang and completion ng practicum namin.
Bukas kasi ay nineteenth birthday na namin ni Jessica. Kung kailan plinano ko na magtapat ng nararamdaman ko para kay Nolan.
Bahagya akong napangiwi at nahihiyang tumingala ulit sa Professor ko. “I’m sorry, Sir. Ano nga po ulit 'yon?”
Sandaling gumuhit ang kunot sa noo nito pagkatapos ay umatras ng konti sa harapan ko.
“Ok, mukhang isa ka rin sa mga na-groggy sa dami at haba ng exams this week,” nakangiting sambit nito. “Anyway, as I’ve said earlier, isa ka sa ni-recommend ko na mag-take ng admission exam sa dalawang hospital sa Canada and California. Given your excellence performance in practicum and academic, nominated ka to take qualifying exam in those hospital abroad and once you maintain your general weighted average until next year and you have passed the licensure exam here, automatic ang employment mo kung saang hospital ang mapili mo.”
Napakurap-kurap ako habang matamang pinakikinggan ang mga sinasabi ng Prof namin. I literally parted my lips habang nakaturo ang daliri sa dibdib ko, as if confirming if he was really talking to me. “S..sure po kayo, Sir? Ako po ba ang tinutukoy n’yo?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumiti ito at tumango. “Of course, you are Ms. Anika Santillan, right?”
Napakagat ako sa labi saka tumango.
“Then, I must be talking to the right person. And if it is really too good to be true for you,” anito na tumigil sandali saka bumalik sa harapan at may kinuha sa ibabaw ng table nito saka iniabot sa akin. “Here is the invitation letter and better discuss it to your parents. Napakagandang opportunity nito sa mga estudyanteng katulad mo. Almost 80% na ang probability mo to work abroad with promising career opportunity and well, as we’re expecting, a more satisfying income.”
Tumayo ako at lumapit dito. I bit my lips dahil hindi ko mapigilan ang paglapad ng ngiti ko habang pinakikinggan ko iyon at the same time ay nakatutok ang mga mata sa invitation letter na hawak ko.
Hindi pa naman kinumpirma ng invitation na iyon na makakapasa ako ay pakiramdam ko, tagumpay na agad ako.
Naririnig ko na dati pa na nagkaroon nga ng random invitations ang ilang hospital abroad sa university namin pero iilan lang ang nakapasa roon. At ang ilan na iyon ay talagang hindi rin basta bastang estudyante. They were consider the best among the best. At may ilan pa nga raw na nabigyan pa ng scholarship abroad to continue in medicine course.
“Thank you so much, Sir. I really didn’t expect it. Hayaan n’yo po, hindi ko man po maipapangako pero pipilitin ko po na hindi masayang ang recommendation n’yo,” taos sa pusong pahayag ko.
Tumango ito habang nakangiti. Muli akong bumalik sa upuan ko. Nag-lecture pa ito sandali pagkatapos ay nagpaalam na rin sa klase.
Most of my classmates congratulated me and wish me good luck. Malugod ko naman tinanggap ang maagang pagbati nila. That would be my additional tool to pursue and work hard to achieve this once in a lifetime opportunity para sa isang ordinaryong estudyante na katulad ko.
Halos makalimutan ko ang oras at ang lakad ko ngayong araw. Ilang beses ko na rin binasa ang letter na hawak ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na makakasama ako sa mga mabibigyan ng pagkakataon na makakuha ng admission exam abroad.
I instantly calculated my time at parang gusto ko nang simulang trabahu-hin agad ito. I honestly didn’t expect it pero nakapakagandang pagkakataon nito kung maipapasa ko ito at makakapasok sa kahit alin hospital na affiliated nito at kapag nagkataon ay napakalaking tulong nito sa pamilya namin.
Kailangan ni Papa ng operasyon at sabi ng Doctor ay kakayanin pa naman ng puso ni Papa hanggang dalawang taon kung tuloy tuloy ang maintenance at disiplina nito pero hindi dapat lumampas sa limitadong panahon na iyon na hindi ito naooperahan kung hindi ay malalagay sa alanganin ang buhay nito.
Napakislot ako nang may biglang umupo sa tapat ko. I automatically raised up my head just to instantly fade my smile.
“Kanina pa nagsisimula ang basketball. Anong ginagawa mo rito?” nakasimangot na tanong ng pinsan ni Nolan na si Atom.
Napatingin ako sa oras at nanlaki ang mga mata nang madiskubre na halos kalahating oras na pala mula ng magsimula ang laro.
“Hala! Bakit ngayon mo lang ipinaalala?” natataranta kong tanong habang nililigpit ang bag ko. Pati pagkain ko ay ngayon ko lang napansin na halos kalahati lang ang nabawas.
Nandito ako ngayon sa canteen ng campus upang mag-lunch pero dahil sa nilipad na ang utak ko sa pangarap ko ay ako na lang pala ang naiwang kumakain dito.
“Aba, malay ko ba na pwede mo palang makalimutan ang super best friend mo! Siguro malapit ng magunaw ang mundo,” sarkastiko nitong saad.
Saglit ko lang siyang sinulyapan saka binigyan ng nakamamatay na irap. Minsan iniisip ko kung pinsan ba talaga ito ni Nolan kasi magkaibang magkaiba sila ng ugali.
Sobra kasi itong hambog kumilos at magsalita samantalang si Nolan ay gentleman and low key. At siguro kahit hindi ako na-in love kay Nolan ay hindi ko pa rin siya magugustuhan. Kaya nga nang nagtangka pa lang itong manligaw ay binasted ko na agad. At mula noon ay lagi na itong masungit sa ‘kin na madalas ay pinapatulan ko.
“Whatever! Diyan ka na nga,” sambit ko bago tuluyang tumalikod at patakbong tinungo ang basketball court.
Pagdating doon ay nakisiksik ako sa karamihan ng mga estudyante na malalakas ang sigawan. They were cheering for their bet and proudly supporting each player.
Nakarating din ako sa bandang unahan pagkatapos kong makiraan at maipit sa mga manonood at karamihan ay tumataas ang kilay at iniirapan ako.
But I don’t care. Last chance ko na mapanood dito ang best friend ko. Late na nga ako tapos hindi ko pa siya makikita ng malapitan.
Nang makapwesto nang maayos ay sumabay ako sa sigawan ng mga estudyante. I shouted his name na agad naman nitong hinanap ang pinagmulan.
Kumaway ako nang mapagawi sa banda ko ang mga mata niya. He waved back and winked at me pagkatapos ay nagsimula na ulit humabol sa bola.
Napahawak naman ako sa pisngi ko na pakiramdam ko ay biglang nag-init. I smile. Lagi naman niyang ginagawa iyon pero ganoon pa rin lagi ang nagiging reaksyon ng katawan at puso ko. Kinikilig at sobrang kabog palagi ng dibdib ko. Na hindi ko alam kung talagang hindi niya nahahalata o binabale wala lang niya.
Napatili ako nang mag-three points ito kasabay din ng iba’t ibang sigawan at cheer ng kanilang team.
“I love you, Nolan!” Narinig kong sigaw ng grupo ng kababaihan na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Ang ilan sa kanila ay tumingin sa akin at ang babaing nasa unahan nila ay tinaasan ako ng kilay saka umirap.
Nakita ko naman ang pagkaway ng damuho kong best friend at feel na feel ang kasikatan at pagtitilian ng mga kababaihan.
“Go go go, Fafa Nolan!”
Napangiwi na lang ako at itinuon ang atensyon sa mga naglalaro habang ang ilan sa sumisigaw sa pangalan ni Nolan ay wala rin tigil ang bulgar na pagpapantasya sa kaibigan ko na parang walang ibang nakakarinig sa kanila.
After the game ay malakas ang sigawan at cheer para sa team nila na muli na naman nagwagi. Kanya kanyang lapit ang mga supporter sa bawat player at nakangiti kong pinapanood si Nolan nang binuhat ito ng mga teammate niya. Siya na naman kasi ang tinaguriang MVP and highest pointer.
Naupo muna ako sa gilid habang busy pa sila na kausap ang team coach. Isa isa naman nag-alisan ang mga nanonood. Habang ako ay matyagang naghihintay sa kanya na nakasanayan ko na.
After a while ay nakita kong papalapit na sa ‘kin si Nolan bitbit ang backpack nito. Kanina ay ngiting ngiti ito pero ngayon ay nakatitig sa akin habang papalapit pero nakabusangot na ang mukha nito.
“Congrats, buds! Ang galing talaga ng best friend ko,” bati ko habang sinasalubong siya.
Nagtataka kong tinitigan siya nang hindi naaalis ang pagsimangot niya. “Bakit ganyan ang mukha mo? ‘Di ba dapat masaya ka? Panalo ang team mo at MVP ka na naman. Ang ganda ng legacy mo rito sa campus.”
“I know. Pero mukhang nakalimutan mo yata na last game ko na ito rito. Kung hindi pa kita ipinahanap kay Atom, hindi ka pala makakapanood,” nagtatampong sambit nito. “Nag-practice pa naman ako nang husto para sa ‘yo.”
Kinuha ko ang panyo sa bag ko at agad na idinampi sa noo nito na may ilang butil pa ng pawis. “Wow! So, dedicated pala sa ‘kin ang laro mong ‘to?” sabi ko habang seryosong pinupunasan ang mukha niya.
Napatigil ang kamay ko nang mapagawi ang tingin ko sa labi niya. Napalunok ako nang makasalubong ang mga mata niya na nakatitig din sa mukha ko.
Nag-iwas ako ng tingin at akmang ibaba ang kamay ko nang hawakan niya ang braso ko.
My heart beat fast at parang biglang hinalukay ang tiyan ko.
“Heto pa oh, basang basa ng pawis.” Turo nito sa batok at leeg niya.
Tumikhim ako at tumango. "O...oo nga," sang-ayon ko at pinunasan ang itinuro nito habang iniiwas ang tingin mula sa kanya.