Pakiramdam ko ay napanis na ang laway ko sa tagal ng byahe namin na hindi kami nag-iimikan. Pati leeg ko ay medyo nangangalay na but I don’t care, basta ayoko siyang kausapin. I can only hear him constantly taking a deep breath at nararamdaman ko rin ang paminsan minsan na paglingon niya sa akin. I pretended to be asleep. Maya maya ay naramdaman ko ang biglang pagtigil ng sasakyan kaya agad naman akong napatuwid ng upo at excited na tumingin sa labas. Pero agad na bumagsak ang balikat ko nang sa halip na bahay namin ang mabungaran ko ay sa isang marangyang restaurant na hindi pamilyar sa akin ang kinaroroonan namin ngayon. “Why did you stop?” may halong inis na tanong ko. Humikab pa ako kunwari para magmukhang naalimpungatan lang ako. “We’re going to eat first,” seryoso pero napapangi