Mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni Papa kasunod nito si Mama na naluluha pa nang lapitan ko pagkatapos ay niyakap ko nang mahigpit. “Mama naman eh! Noong umalis ako, umiyak ka tapos ngayon umiiyak ka pa rin?” natatawang puna ko rito. “Miss na miss na kita eh! Kung hindi pa guma—” “Asawa ko, papasukin kaya muna natin sa loob itong anak mo bago mo sermunan,” natatawang singit ni Papa sa amin. Pinahid naman ni Mama ang luha niya saka malambing na hinaplos ang buhok ko. “Halika na sa loob at ipaghahain ko na kayo. Mainit pa siguro ang mga niluto ko.” Sabay kaming naglakad ni Mama papasok sa bahay. Nakakapit pa ako sa braso niya nang mapatingin kami pareho kay Papa nang tawagin nito si Nolan. “Ako na riyan, Nolan at sabayan mo na si Anika na kumain,” utos nito habang kinukuha an