Chapter 23

1862 Words
Nababagot na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Maaga pa pero kanina pa ako nanonood ng tv kahit wala naman doon ang isip ko. Ginawa ko na yata ang lahat para maibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Pakiramdam ko kasi ay mababaliw ako sa kakaisip kay Nolan. Gustong gusto ko na siyang makita at makausap pero wala akong magawa para maibsan ang kalungkutang ito. Mukha naman tanggap na rin niya ang nangyari. Dalawang araw na mula ng mag-usap kami at makipaghiwalay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. Hindi man lang siya tumawag o nag-text man lang para kumustahin ako o subukang ayusin ang relasyon namin. Kaya mas doble ang sakit na nararamdaman ko dahil hindi lang nobyo ang nawala sa akin kung hindi pati na rin ang isang matalik na kaibigan. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga. Siguro ay hanggang doon na lang talaga kami. Siguro ay ito talaga ang nakatadhana para sa aming dalawa. Malalampasan ko rin siguro ito lalo na at malapit na akong umalis. Doon siguro ay mas mapapadali ang paghilom ng sugat sa puso ko. Pinalis ko ang luha sa pisngi ko na hindi ko namalayan ang pagbagsak hanggang sa napatingin ako sa mga halaman sa likod ng bahay mula sa nakabukas na pinto sa kusina kaya't naisipan ko na maglinis doon. Sinimulan kong kalkalin ang mga gamit ni Mama sa maliit naming garden. Mag-isa lang ako ngayon sa bahay. Magkasamang umalis sina Mama at Papa. Si Jessica naman ay mas maagang umalis para mag-enroll para sa summer class. Mukhang desidido na itong tapusin ang pag-aaral niya at sisikapin raw na maka-graduate ngayong summer. Kinuha ko ang gloves at ilang garden tools saka wala sa sariling nagbungkal ng lupa. Sinimulan kong alisin ang ilang maliliit na damo na tumutubo sa mga halamang bulaklak ni Mama. Maaga pa at hindi pa gaanong masakit sa balat ang sinag ng araw. Kumuha ako ng isang sako saka inilatag iyon at pasalampak na umupo roon. Habang abala ang kamay ko sa pagbubunot ng mga damo ay abala rin ang isip ko sa kung anu anong bagay. Hindi ko namalayan na umaagos na naman pala ang luha ko habang nakatingin ako sa kawalan. Si Nolan na naman! Pasimple kong pinahid ang mga luha ko nang marinig ang tikhim mula sa likuran ko. Pero bago ko pa maitago iyon ay nakalapit na sa tabi ko si Papa. Patagilid ko siyang tiningnan. “Papa, bumalik ka. May nakalimutan ka ba?” pilit ang ngiting tanong ko rito. Hindi ito sumagot. Sa halip ay kinuha nito ang isang maliit na upuan at tumabi sa akin. “Oo, nakalimutan ko na kailangan ngayon ng anak ko ng isang balikat na masasandalan at maiiyakan,” mahina ang boses na sambit nito. Napakagat ako ng labi. Unti unti kong inangat ang mga mata mula sa pagkakatitig sa mga halaman saka sinalubong ang malamlam na mga mata ni Papa. Napalabi ako habang nagsisimula na namang pumatak ang mga luha ko. Tila may biglang bumara sa lalamunan ko na hindi ko magawang magsalita. Mariin kong kinagat ang labi ko saka mahigpit na yumakap sa kanya. “I know, you’re not ok. Nandito lang si Papa. Handa akong makinig, anak,” anito habang hinahaplos ang likod ko. Lalo naman akong nakaramdam ng pagkahabag sa sarili ko. Sumubsob ako sa dibdib ni Papa habang pinapalaya ang masaganang luha na patuloy sa pag-agos sa pisngi ko. Sa bawat haplos niya sa buhok ko ay nakakaramdam ako ng gaan ng pakiramdam. Kung pwede lang na manatili na lang sa tabi ni Papa para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Ilang sandali pa at kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka pilit ang ngiting iniiwas ang tingin sa kanya. “Si Papa naman eh, pinapaiyak mo pa ako lalo,” nagbibirong reklamo ko. “Want to share your burden?” Sa halip ay tanong nito. Sandali ko siyang sinulyapan saka ngumuso. “Nalulungkot lang ako, Pa, dahil ilang linggo na lang at aalis na ‘ko. Medyo matagal ko kayong hindi makakasama. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na kayo,” kaila ko. “Alam mong hindi iyon ang tinutukoy ko,” nag-uusisang tanong nito na pilit hinuhuli ang mga mata ko. Nanatili akong nakayuko at hindi sumagot. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga halaman. “Nakausap ko si Nolan,” umpisang pahayag nito. Napatigil ako sa ginagawa. Sinulyapan ko lang siya at bahagyang tumango. “Nagtataka ako kung bakit bihira na siyang pumunta rito… Naghiwalay na pala kayo.” Napatango-tango ako habang napapakagat sa loob ng labi ko. “Hindi ko na pala kailangang magpaliwanag sa inyo. Hindi siguro siya makatiis na ibalita ang paglaya niya,” biro ko habang pilit na ngumiti. “Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili niya? Pag-usapan niyo ang problema. Hindi solusyon ang paghihiwalay.” Napailing ako. “Pa, hindi ko alam kung anong sinabi niya sa inyo pero malinaw po na pumayag siyang makipaghiwalay sa akin. Isa pa, paano ako makikipag-usap sa kanya kung siya mismo ay walang planong pag-usapan ang tungkol sa amin,” mahinahong paliwanag ko. “Besides, aalis na rin naman ako. Mas mabuti nga na nangyari ito bago ako umalis. At least, malinaw sa akin na wala na akong babalikan na boyfriend,” nakangiting dagdag ko. Bumuntong hininga ito saka umiling iling. “Sa tingin mo ba ay ganoon lang kadali kay Nolan ang ginawa niyang desisyon? Itutuloy mo pa rin ang pag-alis na may malaking puwang diyan sa puso mo?” Napakunot ang noo ko na bumalimg dito. "Papa naman. Kinabukasan ko ang nakataya rito. Hindi dahil sa nag-break kami ay hindi ko na rin itutuloy ang pagtupad sa pangarap ko dahil sa kanya. Mahal ko si Nolan pero napakadali para sa kanya na pakawalan ako at tanggapin ang lahat...Siguro ay ganoon lang kababaw para sa kanya ang relasyon namin kaya bakit ko ititigil ang mundo ko nang dahil sa kanya. Kung ayaw niya na sa 'kin, hindi ko para ipilit ang sarili ko," puno ng hinanakit na litanya ko. “Pero paano kung may mabigat siyang dahilan?” Naiinis na itinuloy ko ang ginagawa. “Papa, kaibigan niya ako bago ko pa siya naging nobyo. Kung mahalaga ako sa kanya, kahit gaano pa kabigat ang problema niya, sasabihin niya sa ‘kin para maunawaan ko.” “Kung ako ang tanungin, ayokong umalis ka. Gusto ko na nandito lang kayo sa tabi namin ng Mama n’yo.” “Papa naman…” “Alam kong nag-aalinlangan ka rin umalis. Kung ang pinaka-mabigat mong dahilan para magtrabaho sa malayo ay para sa pagpapagamot ko, nakikiusap ako na ‘wag mo ng ituloy, anak.. Ako ang dapat na nagsa-sakripisyo para sa inyo at hindi kayo.” “Pero Papa, isang taon na lang ang palugit ng doctor para tuluyang gumaling ka…” Ngumiti ito at hinaplos ang buhok ko. “Maniwala ka sa akin, magagawan ko ‘yon ng paraan at makakasama n’yo pa ako ng matagal hanggang sa magsawa kayo sa akin,” pabirong sambit nito. “Basta nakikita ko kayo na maayos at masaya, lalabanan ko ang sakit ko, naiintindihan mo?” masuyong pakli nito saka malambing na hinaplos ang buhok. “Sa ngayon, ang gusto ko ay masaya ang mga prinsesa ko at ayokong makitang umiiyak kayo, ok? Kaya pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo," makahulugang payo nito. Nakalabing tumango ako saka mahigpit na yumakap dito. “Thank you, Pa. Mahal na mahal kita, Papa!” “I love you, too, anak!” Inilalayan niya akong tumayo at sabay na pumasok sa loob ng bahay nang marinig namin ang pagtunog ng doorbell. Lumabas si Papa upang tingnan kung sino ang bisita. Ilang sandali akong walang narinig mula sa labas kaya nagpasya na akong pumasok sa kwarto. Akmang tatayo na ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako at natigilan nang makita kung sino ang aming bisita. “Tita Eva?” Tipid ang ngiting nakatingin ito sa akin. “Pwede ba kitang makausap sandali?” Napasulyap ako kay Papa na nakatayo sa may pinto. Tumango ito pagkatapos ay nagpaalam na lalabas muna. Nakangiting inimbitahan kong maupo si Tita Eva. Palihim ko itong pinagmasdan mabuti dahil napansin ko ang kakaibang awra nito. Seryoso at mukhang may malalim na iniisip sa kabila ng pilit na ngiti nito. “Tita, kukuha lang po ako ng maiinom—” “Hindi na, Anika.” Pigil nito sa braso ko bago pa ako makatayo. “Hindi rin naman ako magtatagal.” Napakunot naman ang noo ko at humarap sa kanya. “M..may problema po ba, Tita?” Naging mailap ang mga mata nito pagkuwa’y nakayukong hinawakan ang mga kamay ko. Ilang sandaling nakatitig lang siya roon at tila nahihirapang bumuntong hininga. “M..may ipapakiusap lang sana ako sa ‘yo…” Nagtatakang tumango ako saka hinintay ang iba pang sasabihin niya. “Ikaw na muna ang bahala sa anak ko.” Napalunok ako. Mataman kong tinitigan ang malungkot at namamasa niyang mga mata. “Ano po’ng ibig n’yong sabihin?” nagtatakang tanong ko. She took another deep breath saka binasa ang mga labi. “Ok ka lang po ba, Tita?” nag-aalalang tanong ko. Tumango ito. “O..ok lang ako, Anika. M..may pupuntahan ako at matagal akong mawawala… Ikaw na ang bahala sa anak ko, Anika. Kailangan ka niya ngayon.” Hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin. Bakit niya inihahabilin sa akin ang anak niya? Saan siya pupunta at bakit kailangan pa na sadyain niya ako rito? Ibig sabihin rin ay hindi pa pala nito alam ang paghihiwalay namin ng anak niya. Pilit akong ngumiti saka nagpakawala ng marahang paghinga. “Hindi pa po pala nababanggit sa inyo ni Nolan ang tungkol sa paghihiwalay namin,” walang ligoy na usal ko na pilit tinatakpan ng mga ngiti ang tila nadudurog kong puso habang sinasabi ang mga katagang iyon. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat na biglang napalitan ng pag-aalala. “Ano? Kailan pa?” Ngumiti lang ako at umiling. Bigla nitong muling hinawakan ang mga kamay ko. “Anika, please! Don’t leave my son. Ngayon ka niya higit na kailangan.” Napakunot ang noo ko sa biglang pagguhit ng takot sa mga mata niya gayon din ang desperasyon sa pakiusap nito. “A…ano pong ibig n’yong sabihin?” kinakabahang tanong ko. Kilala ko si Tita Eva. She’s one of the strongest women that I know. Mula nang makilala ko ito ay hindi ko siya nakitaan ng kahit anong klase ng kahinaan. She always finds positivity in every situation pero parang iba ang nakikita ko ngayon. She looks so helpless and fragile. “I can’t tell you, Anika,” umiiling na sambit nito. “Please, nakikiusap ako. Don’t leave him.” “Pero—” “You are the only friend he has. Hindi ko alam ang dahilan ng paghihiwalay n’yo but I’m begging you to stay by his side kahit bilang kaibigan man lang.” Napalunok ako at mariing pinaglapat ang mga labi saka napilitang tumango kahit na naguguluhan sa mga sinasabi nito. “Salamat,” anito pagkatapos ay walang lingon likod na naglakad palabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD