CHAPTER 6

1642 Words
Ace POV "So! paano pare, Anong balak mo ngayon kay Athena? alam mo mukha siyang mabait. I like her." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ethan.Gusto niya si Athena? bakit parang nakaramdam ako ng inis ng sabihin niya 'yun. "Oppps!! I mean, I like her as a friend. Pare naman kunot noo agad? Sige ka tatanda ka niyan pag lagi nakakunot ang noo mo. Hahaha!" "Gago! ka talaga Ethan! tigilan mo si Athena, huh! Alam kong playboy ka wag si Athena ang pag tripan mo kundi masasapak kita talaga." At ang mukong kong kaibigan bigla lapit naman sa akin. Inilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ko kaya naman itinulak ko ito na kinangiti lang ng mukong na ito. "Teka! nga pare, kaya mo ba tinulungan si Athena, dahil may gusto ka sakanya? Aminin mo nga pare sa akin.Sabagay maganda siya at sexy 'yun lang may pagka manang siya." May point si Ethan, maganda si Athena at sexy rin ito 'di lang halata dahil 'di ito masyado nag aayos. "Hoy! 'di ka na nagsalita d'yan pare!" Siniko ako ni Ethan, ng 'di ako sumagot sa tanong nito nandito kasi kami ngayon sa terrace at nakatingin ako kay Athena na busy sa paglalakad sa tabing dagat.Mukha malalim ang iniisip nito. "Ano ka ba wala ako gusto sa kanya no!gusto ko lang siya tulungan. Naawa ako sakanya nalaman kong ulila na pala siya at talagang walang nag aalaga pa sa kanya. Simula daw ng mawala ang mga magulang nito tanging ang tiyahin at pinsan lang niya ang kilala niyang kamag anak nila.Kaya naman gusto ko itong tulungan pare." Tumango-tango naman si Ethan na ngayon ay nakatingin na din kay Athena. "Sabagay pare, kawawa nga siya kung iisipin. Sulo na pala siya sa buhay tsk!! Ano naman ang plano mo ipapasok mo ba siya sa Restaurant mo pare?" " 'Yun sana ang balak ko pare isasama ko siya sa pagbalik ng manila. Balak ko siya ipasok sa isa sa mga restaurant ko." 'Yun talaga ang plano ko ang ipasok si Athena sa isa sa mga restaurant ko. "So! handa ka na bumalik pare?" Bumuntong hininga ako. Wala naman na ako magagawa kung mag mu-mukmuk pa ako rito sa probinsya. Siguro kailangan ko nang harapin ang katotohanang talagang ayaw na sa akin ni Chezka. "Yes! Pare, napapabayaan ko na rin kasi ang business ko.Siguro it's about time to move on!" Tinapik-tapik naman ako ni Ethan sa aking balikat. "Tama 'yan pare. Move on! so, paano pare aalis na ako mukha okay naman na ang pasyente ko eh. Uuna na ako bumalik ng manila madami na ding mga pasyente ko ang nag iintay sa akin eh. Baka miss na nila ang kagwapuhan ko." Kahit kailan talaga itong si Ethan,babaero talaga kaya naman pati pasyente niya nagiging babae niya. "Ulol! wag ako pare pasyente ka d'yan! sabihin mo mga babae mo noh!" Wika ko kay Ethan na ngumisi lang sa akin. "Wala pare eh, gwapo tayo ehh, hahaha. Sige na! Chaww!" Kumaway sa akin si Ethan nakita ko pang palapit ito kay Athena at ang loko kong kaibigan yumakap pa kay Athena. Mukha naman nagulat si Athena sa ginawa ni Ethan, kahit kailan talaga ang playboy na 'yun. "Hello! Maricriz, babalik na ako ng manila bukas kailangan ko ang mga report niyo first thing in the morning. Okay!" Wika ko sa aking secretary matagal din ako nawala kaya kailangan ko ang mga report nila sa mga nakaraang buwan. Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Athena. Nakatalikod ito sa akin mukhang nagluluto ito at mukhang masarap ang niluluto nito amoy palang noon at masarap na.Kaya 'di ko na napigilang sundan ang amoy ng niluluto nito. --- "Ay! Gwapong Kabayo! ahh! este, Sir Ace, kayo po pala pasensya na po at pinakilman ko na ang kusina niyo. Nagugutom na din po kasi ako kaya nagkusa na po ako magluto. Pasensya na po sir Ace." Sino ba naman 'di magugulat sa pagharap ko ang gwapong mukha ni Sir Ace ang bumungad sa akin kaya naman nag kabungguan kami. "Ahh! pasensya na Athena, 'di ko mapigilan ang sarili ko mukha masarap kasi ang niluluto mo eh. Ano ba 'yang niluluto mo?." Halos 'di ako makahinga dahil 'di umalis si sir Ace sa pagkakatayo niya sa harapan ko. Kaya naman amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito. "Ahh, Eh, A-ano po. Ahh, kwan.Ano." Kanda utal-utal na ako sa sasabihin ko na hindi ko masabi. "Athena, Are you okey? May masakit ba sayo? Pinagpapawisan ka kasi e!" Sino bang 'di pagpapawisan kulang na lang ipulupot ni Sir Ace ang mga braso niya sa akin. Para na kasi kaming magkayakap sa sobrang dikit ng katawan namin. Magkaharap lang naman kami at sobrang lapit namin sa isat isa. "Ahh,sir Ace, 'di ho! ako makahinga ang lapit niyo po kasi sa akin." Natawa naman ito sa sinabi ko.Kaya lalo pa tuloy akong pinagpawisan "Ang prangka mo talaga Athena. Teka tanggalin mo na nga 'yang kaka sir mo sa akin. Ace na lang sinabi e,pag nag Sir ka pa hahalikan kita hahaha " Bigla ako napatakip sa mga labi ko.Pero bakit parang gusto ko atang mag Sir ulit dito. "Joke! lang ikaw naman masyado kang seryoso. mukha ka na tuloy kamatis sa sobrang pula ng pisngi mo ohh!" "S-ir ahh! Ace pala hehe. Pwede ko na po bang tapusin ang niluluto ko gutom na po talaga ako eh. " Napakamot naman ito sa batok niya ang cute niya pag ginagawa 'yun. "Ahh! oo sige, ituloy muna 'yang niluluto mo nagugutom na din ako eh" Maya maya natapos ko na din ang niluluto kong bicol express, Baka ang ginamit ko sa pagluluto ng bicol Express para lalong masarap.Naghain na din ako at ng maihanda ko na ang lamesa tinawag ko na si Ace na nasa salas nanonood ito ng Tv. --- "Ace, kakain na tayo nakahanda na ang Lamesa." Napabalikwas ako ng upo ng marinig ang boses ni Athena. Ang lambing ng boses nito.Natawa tuloy ako ng bigla pumasok sa isip ko na para kaming mag asawa kung titingnan. "Ace, tara na kakain na tayo baka lumamig pa ang pagkain!" Wika ulit ni Athena, tumayo na ako at lalo akong nagutom ng makita ang pagkain inihanda nito. "Ohh! Ito kanin. Ace okey na ba yang kanin mo? ay sorry po." Ang gaga ko talaga bakit naman pinaglagay ko pa ng kanin sa pinggan niya si Ace. Ano ako asawa lang na nag aasikaso sa asawang lalaki. "No! i'ts Okey. Athena, Paabot na din ng ulam pakilagyan mo na din ang plate ko." Wika ni Ace habang nakangiti sa akin sinunod ko naman ang sinabi nito. pinaglagay ko ito ng ulam sa pinggan niya at agad naman nitong tinikman ang luto ko.Napangiti ito sana nasarapan siya sa luto ko. specialty ko kasi ang Bicol Express. "Athena, Ang sarap naman ng luto mo. Masarap ka pala magluto." Napayuko naman ako sa sinabi ni Ace.Ngayon lang may taong pumuri sa luto ko bukod kay Suzette. Pangalawa si Ace sa taong na pumuri sa luto ko. "Ohh! bakit may problema ba? Masarap naman ang luto mo ah. sobrang sarap! penge pa nga Athena.Sarap kasi e!" Wika ni Ace, Ang bilis nitong naubos ang una kong lagay na pagkain sa pinggan niya. Kaya naman dalian kong pinaglagyan ulit ito ng kanin at ulam. "Buti at nagustuhan mo Ace.Alam mo ba na specialty ko 'yan. pangalawa ka palang sa nakatikim n'yan" Napakunot noo naman si Ace. --- "Bakit may una na bang nakatikim ng luto mo? Sino boyfriend mo ba Athena?" Wika ko kay Athena 'di ko alam pero nainis na naman ako ng malaman may una na pala nakatikim ng specialty nitong ulam.Marahil ang boyfriend nito ang una nakatikim nitong bicol express na specialty nito. "Ahh! hala ka! Wala naman akong naging boyfriend hehe. Ang unang nakatikim ng luto kong 'yan ay ang bestfriend ko po na si Suzette. Favorite niya itong bicol Express ko eh." Pasimple akong napangiti sa sinabi ni Athena, Kung ganu'n never pa pala itong nagka boyfriend.Buti naman kung ganu'n. "Ahh! Athena,nga pala bago ko makalimutan luluwas na tayo ng manila bukas kaya maggayak ka na huh." "Huh! pero teka lang Ace kailangan ko umuwi sa amin wala akong ni isang damit na nadala ehh." Napatingin ako kay Athena. bakit naman ito babalik pa doon baka mapahamak na naman siya sa kamay ng malupit niyang tiya at pinsan.Kaya naman hindi ko na naiwasan mapailing na lang. At napakunot noo na lang din ako. "No! Athena, 'di ka na babalik sa bahay niyo wag ka na mag alala sa mga damit at gamit mo pwede naman tayong bumili ng mga bago mong gamit eh." Lumapit ito sa akin kakatapos lang namin kumain at andito kami sa salas. "Pero Ace, kailangan ko makuha ang ilang gamit ko may mga mahahalaga akong gamit na naiwan sa kwarto ko. Kaya kung pede sana kunin ko kahit yung mga mahahalaga ko lang na gamit." "Pero, paano pag naabutan ka ng tiya at pinsan mo baka kung ano ang gawin nila sayo." "Sabado naman bukas sigurado akong wala sila sa bahay. Tuwing sabado umaalis sila ng bahay para magsugal at ang pinsan ko naman lagi yong nasa bahay ng mga barkada niya pag sabado.Kaya 'di nila ako makikita." Napabuntong hininga ako mukhang napakahalaga talaga ng kukunin ni Athena. Kaya gusto nitong bumalik sa kanilang bahay. "Okey! Pero sasama ako pwede ba? baka mamaya kung ano na gawin nila sayo e,Oras na maabutan ka nila." "Salamat Ace." Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Athena. Kaya naman bahagya kong naramdaman ang hinaharap nito.Mukha nagulat naman ito sa ginawa niya kaya unti-unti itong kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Ay!pasensya na Ace nabigla lang ako." Wika ni Athena sabay talikod sa akin. Mukhang paakyat na ito ng kwarto niya at naiwan naman ako mag isa sa sala.Napailing iling na lang ako habang napapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD