CHAPTER 7

1597 Words
Athena POV "Ayaw mo ba talagang samahan pa kita Athena?" " 'Di na Ace kaya ko na ito sa likod bahay ako dadaan para siguradong wala makakakita sa akin." "Sige! Nandito lang ako huh,hihintayin kita dito." "Salamat! Ace," Iniwan ko na muna si Ace. Sinabihan ko itong huwag ng bumaba ng kotse dahil baka magkagulo lang naman ang mga kapitbahay kung mga chismosa. Nakahood jacket ako na malaki at panjama maluwag sa akin. Kay Ace kasi ang mga suot kong ito kaya sigurado ako walang makakakilala sa akin dito. "Sabi ko na nga ba e, wala ang mag inang 'yun dito." Nang makapasok na ako sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko.Dalian ko kinuha ang bag ko na nakatago medyo malaki ito pero 'di sasapat para makuha ko ang lahat kung gamit. Dalian ko nang inilagay ang iba kong damit at ibang gamit na importante sa akin kagaya ng family picture namin ni tatay at nanay. At ang kwentas na kahit kailan ay 'di ko naisusuot pa. Sinabi ni Inay pag nawala na daw siya saka ko lang daw isuot ang kwentas na ito. Ngunit kahit nawala si inay 'di ko nagawang suotin ang kwentas na ito. Natakot ako na makita ito ng tiya at pinsan ko baka isanla pa nila ito.Kabilin bilin ni Inay noon na huwag ko daw iwawala ang kwentas na ito.Kinuha ko rin ang perang naipon ko na 'di alam nila tiya kung saan nakalagay.Buti na lang 'di nila nakita ito malaki na din siguro ang laman ng alkansya kung ito.Pagkatapos kong kunin ang mahahalaga kong gamit dalian na ako umalis sa bahay namin sa bintana ulit ako dumaan dito sa likod ng bahay namin. "Hala! hala? Sino ka huh?! Anong ginagawa mo d'yan? siguro mag nanakaw ka ano Magna-" Nagulat ako ng bigla lumabas ang kaibigan kong si Suzette. Saktong bumababa ako ng bintana dito sa likod bahay namin at ang gaga balak pa ata mag iskandalo dito. At dahil na miss ko ang bestfriend ko agad ko itong niyakap na kinagulat naman niya. "Teka! 'di ka lang pala magnanakaw m******s ka pa tu-" Tinakpan ko ang bibig nito kahit kailan talaga ang babaeng ito O.A. "Gaga! ka ako ito noh!" Agad kung tinanggal ang Hood ko at nanlaki pa ang mata ng kaibigan ko kaya agad ako nitong niyakap. "Tisay!! ikaw nga! bruha! ka bakit ngayon ka lang nagpakita huh?! Nag alala ako sayo 'di mo ba alam huh?! kung saan saan na kita hinanap." Umiiyak na wika ni Suzette. Agad ko naman pinahid ang mga luha nito. "Sorry, bestfriend mahaba kwento eh.Pero wag ka na umiyak hala ka pa-panget ka niya'n" Pinahid na din nito ang mga luha niya at pinalo ako sa braso.Natawa naman ako dahil may pag nguso pa ito na parang bata. "Sige! i-kwento mo makikinig ako dale!dale!. aba! teka! bakit pala may dala kang bag? at bakit d'yan ka dumaan sa likod?." "Ehh, kasi nga aalis na ako dito sa atin pupunta na ako manila. May isang mabait na tao ang tutulong sa akin." Lumapit ito sa akin at pinakatingnan ako mula ulo hanggang paa. "Hoy! Ano ba 'yang mga tingin mo na 'yan? Tigilan mo nga ako, Bruha ka talaga hehe." "Ehh, ilang araw ka rin nawala e, tapos sasabihin mo pupunta ka na pala manila. At takenote huh! may isang tao pa ang tumulong sayo! Aba, teka! Athena, baka kung ano na ang kapalit n'yan huh!" "Ahy! naku! Ano ka ba 'di noh!. Mabait si Ace-" 'Di ko naituloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses ni tiya kaya agad ko hinatak si Suzette. "Teka! saan mo ba ako dadalhin Athena?" "Wag ka na magtanong sumama ka na lang muna." Nang nasa harap na kami ng sasakyan ni Ace agad ko pinasakay sa likod ng kotse si Suzette. Mukha nagulat pa ito nang makita si Ace at ganun din si Ace gulat din ang mukha nito. "Ahh, Ace,siya si Suzette ang matalik kong kaibigan.Pasensya ka na sinama ko siya dito gusto ko sana makapag usap muna kami kahit saglit lang sana Ace kung pwede." Wika ko kay Ace, nagulat ako ng bigla nitong inilahad ang mga kamay kay Suzette na ngayon ay parang natuklaw ng ahas dahil di na natanggal ang tingin nito kay Ace. Bahagya pang nakanganga ito kaya hinigit ko ang buhok nito. "Ano ba Tisay! sakit nu'n huh!" "Paano naman kasi kulang na lang tumulo na laway mo nakikipagkamay sayo si Ace ohh!" Agad naman ito napatingin sa kamay ni Ace na nakalahad sa kanya. Tinanggap naman ng kaibigan ko ang pakikipagkamay ni Ace na ngayon ay abot tenga ang pagkakangiti. "Hi, Pogi! aanong gayuma naman ang ginawa ng kaibigan kong ito at talaga naman napakagwapo mo. Siguro may abs ka ano? Ang matcho mo kasi e! hehe pwede patingin?" Siniko ko si Suzette. Ano ba ang pinagsasabi nito tumawa naman si Ace sa sinabi ni Suzette. Buti na lang 'di ito nainis sa sinabi ng kaibigan ko. "Bruha ka! tigilan mo nga 'yan makinig ka na muna sa akin kahit kailan ka talaga babae ka!" "Haist! sige na nga, Ano ba talaga ang nangyari saan ka ba nagtago babae ka?" Sinimulan ko na sabihin ang lahat kay Suzette. Noong nalaman nito ang ginawa ni tiya at pinsan ko sa akin galit na galit ito. At naintindihan na din nito kung bakit kasama ko ni Ace at kung bakit ako pupunta ng manila. "Pogi! ingatan mo itong kaibigan ko huh! Virgin pa 'yan baka mamaya niyan-" Nasapok ko ng isa si Suzette. Ano ba naman itong pinagsasabi nitong babaeng ito. Nanginit tuloy bigla ang mukha ko. "Ahh! oo alam ko Virgin pa si Athena,hehehe" At ang lokong si Ace sinakyan naman ang kalokohan ng kaibigan ko tumingin pa ito sa akin at nginitian Ako.Lalo tuloy nanginit ang mukha ko,sigurado mukha na naman ako kamatia nito. "OMG!! wag mong sabihin?!Athena bakit mo isinuko ang bandera ng pilipinas?! Kaloka ka! Akala ko ba after marriage mo ibibigay ang pagka birhen mo? Ang daya mo naman friend usapan na natin 'yun e! 'di ba?" Natawa naman ako ng magmaktol si Suzette. Naging para itong bata na inagawan ng lollipop pati si Ace ay natawa na din. "Hahaha! baliw ka talaga, sige! na aalis na kami bestfriend ingat ka lagi dito huh! Tatawag tawag na lang ako sayo pagdating namin doon." Wika ko dito at pinagtaasan naman ako nito ng kilay na pinagtaka ko. "Bakit?" "Gaga! wala ka naman Cellphone noh paano mo ako matatawagan?" Napakamot ako sa ulo ko oo nga naman wala nga pala ako Cellphone. Siguro bibili na lang ako sa manila pagkarating namin kahit yung may keypad lang. "Oo nga ano, Eh! 'di ibigay mo no. mo sa akin pagbili ko ng phone tatawagan kita agad." Agad naman nito inilista ang number niya at iniaabot sa akin. "Sige! Tisay, mag iingat ka doon huh! wag kang a-anga-anga don. Manila na 'yun girl baka maligaw ka don." Niyakap ko ng mahigpit si Suzette. ma-mi-miss ko ang kaibigan kong ito. 'Di ko na tuloy mapigilan na mapaiyak pati ito ay umiiyak na din. "Sige na Tisay, baka mamaya lalong lumaki 'yang malaki mong mata e." "Wag ka mag alala Suzette ako na bahala kay Athena. Aalagaan ko siya at po-protektahan pangako." Napatingin ako kay Ace seryoso ang mukha nito. Bakit parang nakaramdam ako ng kilig sa sinabi ni Ace na po-protektahan daw ako nito.Maya maya bumababa na rin si Suzette. "Ahh, Athena, Okey ka lang ba?" Wika ni Ace, napansin siguro nito na tahimik ako. "Huh? e, oo naman. Okey lang ako ano ka ba hehe." "Mukha kasi malalim ang iniisip mo ehh. Baka naman gutom ka na hehe. Opps!! sabi na eh, gutom ka na nga hahaha. Teka dadaan tayo sa drive thru." Nahiya ako bigla. bwesit na tiyan ito bigla na lang kumakalam ng wala pasabi.Agad naman nag order si Ace ng makakain namin habang nag da-drive siya. Sinimulan ko nang buksan ang binili nitong pagkain at mukha naman masarap kaya tumikim agad ako gutom na din naman talaga ako e. "Hoy! penge naman ako gutom na din ako e," Wika ni Ace habang patuloy sa pag da-drive. "Hala! paano ka makakain nag da-drive ka? Itabi mo kaya muna tapos kumain na muna tayo?" Wika ko kay Ace, sumulyap ito sa akin saglit. "Subuan mo na lang ako dali." Nanlaki ang mata ko seryoso ba ito susubuan ko siya para naman kaming mag jowa pag ganu'n. "Seryoso ka ba Ace?" Tumawa naman ito sabay sulyap uli sa akin ng mabilis. "Oo naman! dali na para makarating din tayo agad sa manila subuan muna ako" Ibinuka nito ang bibig at nag iintay na ng pagsubo ko.Agad naman ako kumuha ng chicken at kanin at dahan-dahan ko isinubo dito. "hmmm! sarap ahh!" Wika nito habang ngumunguya sinubuan ko ulit ito bahagya pa akong natawa dahil para akong may pinapakain na bata. "Oh! Bakit 'di ka kumain Athena?" "Ikaw na muna ang kumain ohh ito pa." sinubuan ko ulit ito napansin kong may sauce ito sa gilid ng labi agad ko iyon pinahid gamit ang daliri ko. "Haha! para kang bata ang amos mong kumain. Aray ko ano ba?" Nagulat ako ng bigla kagatin ni Ace ang daliri ko. Nanginit na naman ang mukha ko naramdaman ko ang laway nito sa daliri ko. "Amos pala huh! hehehe Ang ganda ng tawa mo Athena dapat ganyan lang lagi ka lang nakangiti." Wika ni Ace hinampas ko ito sa braso na kinahalakhak nito 'di ko alam pero ang gaan ng loob ko kay Ace pag kasama ko ito pakiramdam ko safe na safe ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD