CHAPTER 5

1481 Words
Ace POV "Nay! tay! Isama niyo na po ako pagod na pagod na po ako. Nahihirapan na ako Nay, Tatay,parang awa niyo na isama niyo na ako!" Naalimpungatan ako ng marinig kong nagsasalita si Athena. Tiningnan ko ito tulog ito pero umiiyak ito, Tuloy-tuloy lang sa pag agos ang mga luha nito.Nakaramdam ako nang matinding awa para dito. Maya-maya nanginginig ito hinawakan ko ang noo nito at sobrang init ng noo nito. Dalian kung kinuha ang thermometer at inilagay sa kilikili nito.Nagulat ako sa sobrang taas ng lagnat nito, tama si Ethan lalagnatin pa ito ng mataas at lalamigin. Kailangan siguro mapainom ko na ito ng gamot kaya naman dahan-dahan ko itong iniaangat para mapainom na nang gamot. "Athena, Inumin mo muna ito Para bumababa na ang lagnat mo." 'Di ito kumibo,o tumugon man lang. Nanginginig pa rin ito sa lamig at buti na lang ibinuka nito ang bibig niya at saka ko isinubo ang gamot dito. Napalunok ako ng mapagmasdan ang mapupula nitong labi.Lalo na ng ibinuka nito ang kanyang labi.Napailing iling ako dahil sa mga napasok sa aking isipan na hindi naman dapat. "Ace! Ano ba mag focus ka nga bwesit!" Wika ko sa aking sarili. "Ang lamig! sobrang lamig! kumot parang awa niyo na bigyan niyo akong kumot!" Nagulat ako ng magsalita muli si Athena. Dalawang kumot na ang nakapatong dito ngunit nilalamig pa rin pala ito. Bigla ko naisip ang body heat kaya agad akong nag hubad at dalian ako sa pagtabi kay Athena. Nagulat naman ako ng bigla ako nitong yakapin kaya napayakap na din ako rito. Maya-maya lang 'di na ito masyadong nanginginig nakatulong ang pagdidikit ng aming mga katawan. Nakakaramdam na din ako ng pagbigat ng talukap ng aking mga mataHindi ko na rin napigilan ang antok na nararamdaman. --- "Ahhh! Ang bigat ng katawan ko!" Unti-unti ko minulat ang mga mata ko ang bigat ng pakiramdam ko parang may nakapatong sa katawan ko mabigat na bagay.At ganu'n na lang ang pagkagulat ko ng bigla may isang braso ang yumakap sa akin. Naramdaman ko rin may ulong sumubsob sa leeg ko kaya naman napasigaw ako ng malakas habang nagtatakip ng mga mata.Mukhang nagising naman ang nagmamayari ng braso at hitang nakapatong sa akin. "Ahh! Goodmorning! Athena, gising ka na pala. Kumusta ang pakiradam mo?" Familiar ang boses ng lalaki kaya naman dahan-dahan ko tinanggal ang dalawang kamay ko na nasa mukha ko.At ganoon na lang ang pagka bigla ko nang makita ko ang gwapong mukha ni Ace.Nagkusot pa ito ng kanyang mga mata halatang puyat ito base na rin sa malalim nitong eyebag. Gulo-gulo rin ang buhok nito pero 'di 'yun naging kabawas sa taglay na kagwapuhan nito. "Sir, Ace?? te-teka A-Nong ginagawa mo dito? ba-bakit ka nasa kwarto ko? Ay! teka hindi ko pala ito kwarto. Anong ginawa mo sa akin sir Ace? 'di mo ba alam Virgin pa ako!" Nagulat naman ako sa naging reaction ng mukha ni Sir Ace tumawa ito ng bahagya. Ako man ay nagulat din sa kagagahan ko bakit ko ba naman kasi nasabi pa na virgin pa ako. Ang gaga ko rin talaga kung minsan.Nag init tuloy ang mukha ko at bigla ako napatungo na lang dahil sa kahihiyan sinabi ko. " hahahaha Easy ka lang Athena. Wala akong ginawa masama sayo Okay! Nawalan ka kasi ng malay kagabi sa ulanan kaya naman dinala kita dito sa Resthouse ko." Ibig sabihin ito ang sumusunod sa akin kagabi.Ang akala ko ay masamang tao na ang sumusunod sa akin kagabi kaya naman ganoon na lang ang takot at pagtakbo ko ng mabilis. "Ibig mong sabihin, Ikaw? ikaw? ang sumusunod na kotse sa akin kagabi ang akala ko masamang tao kaya ako tumakbo ng tumakbo." Tumayo ito bigla kaya naman ngayon ko lang napagtanto na hubad pala ito. Napalunok ako ng makita ang walo nitong abs. nito sabi ko na nga ba may abs ito eh parang ang sarap naman hawakan kape na lang ang kulang may pandesal na kasi. "Hey! gusto mo bang kape Athena hehe!" Patay na mukha nahuli pa nga ako ni Ace na nakatingin sa mga abs niya. Grabe! nakakahiya na talaga ako.payuko naman ako dahil siguradong namumula na ang pisngi ko. "Huh! T-teka s-sinong nagbihis sa akin?" Takang tanong ko kay Ace. Napakamot ito sa ulo niya wag niyang sabihin siya ang nagbihis sa akin. "Sorry, Athena, huh! tayo lang kasing dalawa ang nandito sa resthouse ko." Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin ni Ace na kami lang ang tao sa resthouse niya. Ibig sabihin siya lang talaga ang nagbihis sa akin pakiramdam ko lalo ng namula ang buong mukha ko. "Ahh, ehh, pero wag kang mag alala Athena, nakapikit naman ako kaya wala ako nakita promise!" Wika ni Ace, habang naka taas pa ang kanang kamay na akala mo'y nanunumpa ito. "Sigurado ka ba? wala kang nakita Ace?" Lakas loob kung tanong kay Ace. Natawa naman ito bigla na pinagtaka ko. "Haist! Ano ka ba Athena, wala nga. Maigi pa kumain na tayo para makainom ka na ulit ng gamot mo." Wika ni Ace lumabas na ito ng kwarto. Gustuhin ko man sundan ito kaso nanghihina pa ang pakiramdam ko kaya muli akong humiga. Pakiramdam ko ang bigat bigat pa rin ng mga mata ko.Pumikit ako saglit. "Athena! Athena! Gising na muna. Kumain ka na para makainom ka na ng gamot." 'Di ko namalayan nakatulog pala ako ulit nagising lang ako ng bahagyang tinapik tapik ako ni Ace sa braso. "Pasensya na 'di ko namalayan naka tulog pala ako ulit." Ngumiti lang si Ace sa akin. May dala itong lugaw na mainit at bigla na lang ako nitong sinubuan ng lugaw. Napaluha ako bigla ngayon lang may taong nag alaga at nag asikaso sa akin sa buong buhay ko. "Hey! wait, Bakit ka umiiyak? mainit pa ba ang lugaw na sinubo ko sayo? sorry, huh!" Umiling iling naman ako kay Ace na halatang naguluhan ito. " 'Di naman mainit yung lugaw Ace.Kasi ngayon lang may nag alaga sa akin ng ganito. Yung inaasikaso ako ng ganito, dati kasi simula ng mawala ang mga magulang ko wala ng nag asikaso sa akin o nag alaga tuwing may sakit ako." Hinaplos ni Ace ang buhok ko kaya lalo ako napaiyak.Bakit ba kasi ang bait-bait naman yata nito sa akin.At ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan sa akin puso. "Shhhh.... tahan na Athena. Wag kang mag alala simula ngayon may mag aalaga na sayo at mag poprotekta sayo." Napaangat ako ng tingin kay Ace. Anong ibig nitong sabihin. "Kung papayag ka Athena gusto ko sanang huwag ka na bumalik pa sa inyo. Nakita ko kung paano ka matratuhin ng tiyahin at pinsan mo." Muli akong napaluha dahil sa pag papaalala ni Ace sa mga ginawa ni Tiya sa akin. "Kung 'di ako babalik sa amin saan naman ako titira? Tanging second year Highschool lang ang natapos ko. Wala din ako ibang alam na trabaho paano ako magsisimula Ace?" Hinawakan nito ang mga kamay ko.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng hawakan nito ang mga kamay ko. Ang pakiramdam ko ligtas ako pag kasama ko si Ace. "Tutulungan kita Athena. Kung papayag ka gusto ko magtrabaho ka sa akin." "Anong trabaho naman 'yun Ace?" Ngumiti ito sa akin saka sumandok ulit ng lugaw at inuumang sa bibig ko. "Saka muna isipin 'yun. Ang importante ngayon magpagaling ka at magpahinga. Kailangan mong magpalakas." Tama si Ace kailangan ko magpalakas 'di ako pwedeng magpatalo sa hamon ng buhay.Isa pa mag isa na lang ako sa buhay kaya kailangan kong magpakatatag at lumaban. "Maraming salamat, Ace." Ngumiti lang muli ito sa akin.Akmang sinusubuan ako ni Ace ng lugaw ng bigla bumukas ang pinto ng kwarto.Pareho naman kami napatingin ni Ace sa bagong dating na lalaki. Gwapo rin ito mukha itong kano at kasing tangkad ito ni Ace.Halos pareho kami ng mata nito at may dimple din pala itong malalim na gaya ko. Ngumiti ito sa akin kaya napakunot noo ako. "Ohh! gising na pala ang pasyente natin pare! Ace. Hi Ms.Beautiful! Okay na ba ang pakiramdam mo?" Wika nito sa akin. Lumapit ito sa akin at kinuha ang braso ko,may inilagay ito doon na isang pang blood presure. Pagkatapos nitong icheck ang BP ko kinuha nito ang thermometer at inilagay sa kilikili ko. Napapakunot noo ako mukhang nakita ni Ace ang pagkunot ng noo ko. "Ahh! Athena, siya nga pala si Ethan kaibigan kong doctor. Siya din ang tumingin sayo kagabi." Kung ganoon isa pala itong doctor. Wala sa itsura nitong isa siyang doctor.Gwapo kasi ito at maganda rin ang pangangatawan.Mukhang playboy din ang itsura nito.Ang kaibahan lang nila ni Ace,palangiti ito at sa bawat pag ngiti nito nalabas ang dalawang biloy nito sa pisngi. "Ohh! Ms.Beautiful, mukhang okay ka na wala ka na lagnat at okay naman ang Bp mo." Wika nito habang inaayos ang ginamit nitong pang Bp sa akin. "Maraming Salamat! Doc.Ethan." Ngumiti lang itong muli sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD