CHAPTER 8

1705 Words
Athena POV "Ohh, Athena dito ka na muna magstay. Aalis din ako babalik na lang ako mamaya may kailangan lang ako puntahan pag nagutom ka nandyan si Manang Pasing." "Teka! lang Ace, kanino bahay ba ito?" "Ahh, oo nga pala sa kapatid ko ito dati.Since nasa U.S naman siya ikaw na lang muna ang gumamit." Nagulat naman ako ng sabihin ni Ace na sa kapatid niya pala ito. Alam ko babae ang kapatid nito sabi ki Manang Judith 'yun noong nasa probinsya pa kami ni Ace. "Huh! pero,teka! baka magalit ang kapatid mo. Paano pag nalaman niya baka magalit siya sa akin Ace,wag na lang kaya. May konti pera naman ako uupa na lang siguro ako total sabi mo naman bibigyan mo ako ng trabaho hindi ba?" Lumapit ito sa akin at hinawakan nito ang baba ko medyo nailang ako sa ginawa nito ngayon lamang kasi may gumawa ng ganito sa akin. "Don't Worry, Athena, mabait ang kapatid ko panigurado ako magkakasundo kayo pag nagkakilala kayo dalawa." Wika ni Ace 'di ako makatingin sa mga mata nito, 'di ko alam pero nahihirapan ako huminga pag masyado malapit ang mukha niya sa mukha ko. "Ohh, sige na babalikan kita mamaya magpahinga ka na lang muna sure ako na napagod ka sa byahe.e" Hinalikan ako nito sa tuktok ng aking ulo.Napaawang ang bibig ko sa ginawa ni Ac,firstime na may gumawa nu'n sa akin. "Baka pumasok ang langaw haha! Sige,na aalis na ako Athena." Agad ko naman naitikom ang bibig ko at tumalikod na din ito sa akin. "Hi! Iha, Ikaw ba ang bagong kasintahan ni Sir Ace? " Maya-maya pa'y may matandang babae ang lumabas galing kusina. "Ahh, hello! po, kayo po ba si manang Pasing?" "Ako nga iha.Ako ang yaya ni Izzy ang kapatid ni Ace. Since nasa U.S ang batang 'yun madalas ako pumunta dito sa bahay niya para maglinis." "Ahh, ganu'n po ba nakakahiya nga po at dito pa ako makikitira pero pansamantala lang naman po manang. Maghahanap po ako ng pwede kong maupahan dito sa manila nakakahiya din po kasi kay Ace." "Naku! okey lang iha, kahit dumito ka na muna mabait naman si Izzy, kagaya ni Ace mabait ang magkapatid na 'yun. Teka! 'di mo pa nasasagot ang tanong ko ikaw ba ang kasintahan ni Ace?" Umiling iling ako sa tanong ni Manang Pasing dahil wala naman kami ni Ace.Sadyang mabait lamang ito at matulungin. "Hala! 'di po manang magkaibigan lang po kami ni Ace." "Sus! 'di ako naniniwala sayo iha. hehe 'di ka dadalhin ni Ace dito kung wala lang kayo hehehe" "Wala po talaga manang magkaibigan lang po kami." Tumawa si Manang mukha 'di talaga ito naniniwala sa akin. "Ohh! siya sabi mo eh, oh! sige na iha magpahinga ka na muna pagluluto kita ng meryenda. Tatawagin na lang kita pag nakaluto na ako." Yumuko ako kay manang tanda nang pag galang.Ganoon kasi ang madalas kung gawin pag nagpapasalamat. "Salamat po manang Pasing." Tinapik ako nito sa balikat. "Hala! sige na, iha magpahinga ka na muna." Nagising ako sa tunog ng alarm clock dito sa kwartong pansamantala kung tutuluyan.Napabalikwas ako ng mapagtantong gabi na pala ibig sabihin nakatulog pala ako ng matagal.Dalian ako sa pag baba baka mamaya nakaalis na si manang Pasing nakakahiya itong ginawa ko pagtulog.Baka akalain nito na masyado akong abusado. "Manang, pasensya na po nakatulog po pala a-ako." Napahinto ako sa pagbaba ng makita ko si Ace. Nakangiti ito sa akin, nasa salas ito at nagkakape.Napahawak ako sa buhok ko nakakahiya gulo gulo ang buhok ko 'di ko na kasi nagawang magsuklay at tumingin sa salamin baka mamaya may muta pa ako.Babalik sana ako sa taas para mag ayos pero huli na tinawag na ako ni Ace. "Athena, come here." Wika nito habang nakatingin sa akin. "Ah, Ace, pasensya na 'di ko namalayan na nakatulog pala ako ng mahaba. Nakakahiya kay manang Pasing. alam ko nagluto ito ng meryenda daw nakakahiya pasensya na Ace." Nakayuko kung wika kay Ace. Lumapit naman ito sa akin at iniangat ang mukha ko. Lalo tuloy ako nakaramdam ng hiya dahil ang gwapo nito sa suot niyang longsleeve na white at bahagyang nakatubi ang manggas nito,naka pants din ito na hapit kaya naman lalo ito naging matcho.Idagdag pa ang bango bango nito na mapapapikit ka na lang talaga. "Hey! tulala ka na naman. Are you okey?" Naku nahuli na naman ako ni Ace na nakatingin sa kanya.Ang gaga ko talaga kahit kailan. "Ehh! Paano naman kasi ang lapit mo na naman sa akin. 'Di ako makahinga pag malapit ka sa akin." Natuptup ko ang bibig ko ang gaga ko talaga. Bakit ko pa ba yun sinabi nakakahiya baka isipin nito may gusto ako sakanya. "Haha! ganu'n ba? Sorry 'di ko rin kasi ma-kontrol ang sarili ko na lagi lumapit sayo ehh. Alam mo ba para mo ako na ma-magnet pag nandyan ka." Wika nito lalo ako 'di makahinga at ganu'n na lang din ang pagbilis ng puso ko. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito kinikilig tuloy ako. "A-ano ba 'yang sinasabi mo Ace,para kang S-sira!" Nagulat ako ng lalo nitong ilapit ang mukha niya sa mukha ko.Pakiramdam ko hihimatayin na ako ano mang oras sobra na kasing bilis ng t***k ng puso ko. At ang lokong si Ace hinawakan pa ako sa pisngi bahagya tuloy akong napaurong. Sa pag urong ko muntik na akong mapahampas napatama kasi ang sakong ko sa hagdan buti na lang naagapan ako saluhin ni Ace. Nagkatitigan kami dalawa 'di ko alam pero parang tumigil ang mundo at tanging si Ace lang ang nakikita ko at tanging pintig lang ng puso ko at puso niya ang naririnig ko. "Ahy!! Lovebird! ah! este! gising ka na pala Athena." Dali-dali akong umayos ng tayo ng marinig ang boses ni manang Pasing. Napakamot naman sa batok si Ace.Hindi tuloy ako makatingin ng maayos kay manang baka kung ano ang isipin nito sa akin sa aming dalawa ni Ace. "Ohh! manang okey na ba ang lamesa? Pwede na ba tayo kumain?" Wika ni Ace, tumingin pa ito sa akin napansin ko na medyo namula din ang pisngi ni Ace at 'di rin makatingin kay manang Pasing.Natatawa na lang si manang Pasing habang iiling iling. "Oo dali na kayo at kumain na muna kayo dalawa." "Ahhh! Athena, gumising ka ng maaga bukas huh! susunduin kita. Bukas na ang firstday mo sa trabaho." Wika ni Ace habang kumakain nakatingin ito sa akin hindi tuloy ako makakain ng maayos. "Ahh! oo sige, Salamat Ace. Teka ano pala ang magiging trabaho ko?." Wika ko kay Ace, 'di ko pala naitanong dito kung ano ang magiging trabaho ko baka mamaya ay 'di ko kaya ang ibibigay nito trabaho sa akin e. "Papasok ka sa isa sa mga restaurant ko bilang isang manager." Napaubo ako sa sinabi nito anong manager ang sinasabi nito ni 'di nga ako nakatapos ng high school tapos magiging manager pa ako. Ano naman ang alam ko sa pag-ha-handle ng Isang restaurant. "Iha, uminom ka muna dahan-dahan sa pagkain iha." Wika ni Manang nagpasalamat naman ako dito sa pag abot ng tubig sa akin. Pagkatapos ko uminom hinarap ko ulit si Ace na kampanting kumakain lang. "P-pero teka! Ace, 'di ko kaya ang sinasabi mo wala ako alam sa pag-ha-handle ng Isang restaurant. Alam mo naman na 'di ako tapos sa pag aaral ko. Ni 'di ko kaya ang sinasabi mo maging manager ako sa restaurant mo. Kunin mo na lang ako bilang waitress, doon pwede ako." tumingin ito sa akin na nakanunot ang noo. "Ituturo ko naman sayo kung ano ang gagawin mo ehh." Umiling iling ako sa sinabi nito.Kahita ano pa ang sabihin nito hindi niya ako mapapayag. "Hindi ako papayag Ace. Ayaw ko ng ganito gusto ko dumaan muna sa mababa. Ayaw ko mapahiya ka pa pag sumablay ako 'di naman ganu'n kadali 'yun Ace." "Kaya nga ituturo ko sayo Athena.Wag ka mag alala ako ang bahala sayo." "No! Ace, ayaw ko talaga! waitress na lang kaya ko pa 'yun. Ayaw ko maging manager lahat ng bagay dapat 'di minamadali.At naniniwala ako na ang pag asinso ng isang tao 'di nadadaan sa mabilisan kailangan paghirapan muna. Kailangan dumaan muna sa mababa 'di pwedeng bigla taas agad.Sorry Ace ayaw ko talaga sobrang nakakahiya na din sayo baka isipin mo abusado ako. Pinatira mo na nga ako dito tapos sobrang taas na katungkulan pa ang ibinibigay mo trabaho sa akin." Wika ko kay Ace bumuntong hinga ito halatang ayaw nito sa disisyon ko. "Okey! okey! sige, kung 'yan ang gusto mo tama ka naman. Sige mag umpisa ka sa mababa at unti-unti mo din pag aralan ang mga bagay bagay pag nasa restaurant ka na para pag naibigay ko na sayo ang position na gusto ko ay makakaya muna." "Salamat ng marami sayo Ace. Hindi ko na alam kung paano kita pa-pasalamatan sa lahat ng ito." Ngumiti ito sa akin ang gwapo talaga nito lalo na pag ngumingiti ito. "Wala 'yun, ako bahala sayo basta pagbutihan mo na lang sa trabaho mo huh!" Ngumiti ako dito at saka pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.Natapos rin ang masaganang pagkain namin nila Ace. "Ineng, wala ba talaga kayo relasyon ni Ace?" Nandito ako ngayon sa kusina tinutulungan ko sa pagliligpit si manang Pasing.Napag alaman ko din na malapit lang din pala ang bahay nila Ace dito sa bahay ng kapatid niya. "po? naku! manang wala po talaga mabait lang po talaga si Ace." "Asus! tigilan mo nga ako. Ohh! ehh! bakit namumula ang mukha mo Ineng?" Napayuko naman ako bahagya sabay tawa.Ito naman si manang lahat na lang pinansin. "Hahaha! manang ganyan talaga pag tisay mabilis mamula ang mukha hahaha." Natawa din naman si Manang tinapik pa ako nito sa balikat. "Matulog ka na iha ako na d'yan maaga ka pa susunduin ni Ace. ayaw nu'n nang pa late-late lumalabas ang pagiging masungit nu'n. hala na!" Binitiwan ko na ang hawak kung pinggan. Akma lalabas na ako ng kusina ng magsalita muli si Manang. "Athena, Iha, bagay kayo ni Ace masaya ako makitang masaya muli ang alaga ko." Napalingon ako kay Manang nginitian ko ito 'di ko maintindihan kung bakit sinabi ni manang na masaya muli si Ace.Siguro dati hindi ito masaya napailing na lang ako habang umaakyat sa kwarto tinutuluyan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD