Kabanata 15 - Bisita

1408 Words

Natapos ang buong event sa school na wala man lang akong sinalihang games. Alam ko na kasi kung saan ako sasali at ayokong mag-aksaya pa ng oras. Ngayon ay nakatambay lang ako sa sofa namin habang nanonood sa television. Kahit na walang nakatutuwang palabas ay ngumingiti ako kapag naalala ko ang paghila at pag-akbay sa akin ni Rinniel. Kinukha ko ulit ang aking cellphone para tingnan ang mga larawan namin. Hindi ko pa nga nasisimulan tingnan, nakita ko nang nananakbo ang isang katulong namin patungo sa akin. "Bakit? May problema ba?" tanong ko. "Ma'am, may bisita po si Sir Charlie at pinapasabi niya po na mag-ayos kayo. Magsuot ng disenteng damit, hindi raw po ganiyan sa suot ninyo. Nasa labas na po ang bisita," saad niya. Napatingin ako sa aking T-shirt. Hindi pa ba ito disente? Ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD