Kabanata 7 - Pagsasanay

1002 Words
Dahil napapayag ko si Charlie, siya na mismo ang naghanap ng magtuturo sa amin. Hindi na ako tumanggi pa sa kundisyon niyan at baka magbago pa ang kanyang isip. Habang hindi pa nagsisimula ang training, nanonood na ako ng mga tips para mas madaling matuto. Ang iba naman ay ginagaya ko kapag madali lang. "Maganda naman pala ang naisip na salihan ni Rinniel na org. Mukhang mag-e-enjoy naman ako," natutuwang sabi ko. Pagkatapos kong mag-ensayo ay naupo muna ako at nagtingin ng mga latest pictures ni Rinniel. Hanggang ngayon ay hindi na rin ako makapaniwala na nakakasama ko na ang matagal ko na ring hinahangaan. Minsan lang akong magkaganito. Ewan ko ba kung bakit sa kanya ako attracted. "Ma'am Chanel, pinapatawag po kayo ni Sir Charlie," saad ni Manang. "Susunod po ako," sagot ko sa kanya gamit ang device para marinig niya ako mula sa loob. Bakit naman kaya ako hinahanap ng kapatid ko? Napaka-random niya talaga minsan sa pagtawag sa akin. Bumaba na lang ako kaysa kung ano pa ang bawiin niya sa pagpayag sa mga plano ko. "Yes, my twin brother?" natatawang tanong ko. "O ayan ka na pala. Ikaw na ang bahala sa schedule para sa training. Ito, fill-out mo na lang ang mga impormasyon na kailangan. Aalis kasi ako ngayon para pumunta sa branch natin dito. Ayusin din namin ang plano para sa photoshoot ni Rinniel," sagot ni Charlie. Tumango na lang ako. Kinuha ko kay Manang ang papel na sinasabi ni Charlie. Sa panahon ngayon ay may contract pa rin pala sa ganitong training? Pinili ko na lang na maaga ang training para naman exercise na rin sa amin ni Charlie. Ang pangit naman kung tanghali o hapon, medyo nakakatamad ang ganoong oras. Hindi ko na masyadong binasa ang mga nakasulat. Kahit na ang pangalan ng instructor namin ay hindi ko na nakita. Makikilala ko rin naman siya sa susunod na mga araw. Sumapit na ang sabado. Pinili ko ang sabado ang linggo para wala kaming ibang gagawin ni Charlie. Mas focus, mas ayos. 5am pa lang ay naligo na ako. 7am ang inilagay kong schedule. Hindi iyon alam ni Charlie dahil hindi naman niya tinatanong. Ako na lang ang bahalang gumising sa kanya. "Narito na po ang magtuturo sa inyo, Ma'am Chanel. Nasa may living room ko po pinatuloy," ulat ni Manang. Hindi na ako sumagot. Dumiretso labas na ako. Tiyak na natutulog pa si Charlie. Masyaso atang napaaga ang punta ng instructor namin. 6am pa lang naman kaya may oras pa si Charlie para mag-ayos. Sobrang excited na ako para sa mga bagong matututunan ko. Gusto kong maging malakas para lalong makuha ko ang atensyon ni Rinniel. Kahit na nerd ako, imposibleng hindi niya ako pansinin. Pumasok na ako sa kwarto ni Charlie. May susi ako ng kwarto niya at talagang hinahayaan niya akong pumasok lalo na kung kailangan siyang gisingin. "Charlie, ano na? Hindi ka ba babangon diyan? Nariyan na ang instructor natin," sigaw ko para magising agad si Charlie. Tumalon pa ako sa kanyang higaan para talagang magising siya. Kahit kailan ay tulog mantika siya. Tuwing weekends lang siya nakakatikim ng mahabang tulog, kaso pinili kong umaga ang training kaya kailangan niyang magtiis. Inis siyang binato ang unan sa akin. Nasalo ko iyon kaya tinawanan ko lang siya. Hinila ko ang kaniyang kumot para mapilitan siyang bumangon. "Bakit ang aga naman? 6am pa lang," reklamo ni Charlie. Kahit ako ay nagulat na narito na ang instructor. Dapat talaga ay gigisingin ko siya ng mga 6:30am para kahit papaano ay mahaba ang tulog niya. "Mas maganda kung maaga para exercise na rin natin iyan. Bumangon ka na kasi," pagpilit ko sa kaniya. "Hindi ka naman siguro puyat. Wala ka namang girlfriend o kalandian para magpuyat." "Hindi ako puyat at wala akong panahon sa pakikipaglandian. Ito na nga, babangon na. Huwag kang makulit. Aga-aga kasi mag-schedule!" reklamo niya sa akin. Wala siyang nagawa kaya bumangon na rin siya. Maganda kasi na sabay kaming tuturuan para hindi na mahirapan ang instructor kapag paulit-ulit. "Ikaw ang may sabi na ako ang bahala kaya panindigan mo iyan," biro ko sa kanya. Mabilis na nakapag-ayos si Charlie kaya agad kaming bumaba para i-meet ang instructor namin. Mukhang mapapaaga talaga kami ngayon sa sobrang excited ng instructor namin. "Nasaan po siya, Manang?" nagtatakang tanong ko. Wala sa living room ang instructor namin. Ang alam ko ay dito muna siya pinatuloy. Siguro naman ay inalok na ng mga ito mag-breakfast iyon. "Nasa gym room na po, Ma'am. Titingnan niya raw po kasi kung anong mga pwede pong kilos at galaw ang gawin sa available space para sa training," sagot ni Manang. Napagpasyahan namin ni Charlie na dumiretso na roon. Hindi na muna kami magbe-breakfast para hindi makasira sa training. Ngayon ay nasa gym room kami. Buti na lang mayroong ganito sa bahay namin. May malaking space sa gilid in case na gusto nga namin matuto ng self-defense. Pumayag lang naman si Mom dahil si Charlie ang nagpaalam. Nasa ibang bansa silang dalawa ni Dad kaya hindi nila nababantayan ang mga kilos namin. Ni hindi nga nila alam na IT ang course na kinuha ko. Wala silang pakialam sa mga ginagawa ko, samantalang si Charlie ay lagi nilang tinatawagan. Pagtingin ko s instructor namin ay familiar siya. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang lalaking nakasabay ko sa paglalakad noong isang araw. Inayos ko ang aking sarili. Hindi ako ngayon mukhang nerd, mukhang bagong gising lang talaga. Malayo sa itsura ko kapag pumapasok sa school kaya siguradong hindi niya ako makikilala. "Thank you for choosing me as your instructor, Sir Charlie," saad ng lalaki. Bigla siyang tumingin sa akin at mukhang naguguluhan. "Good morning, Sir. I am Chanel, you can call me CM. Charlie's sister po," pagpapakilala ko. "Good morning, Ma'am CM. Hindi ko po inaakala na mayroon kapatid si Sir Charlie. By the way, ako naman si Kiostoff, Kio na lang," pagpapakilala niya. Nakipagkamay ako sa kaniya. Humanga naman ako dahil sa kasipagan niya. Habang nag-aaral ay nagtuturo pa siya ng self-defense.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD