Kabanata 8 - Self-defense

1007 Words
Nagsimula na ang training. Pinakitaan muna kami ni Kio ng mga movements na gagawin namin ngayong araw. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa kaniya. Sobrang galing niya sa self-defense. Kinakabisado ko ang mga galaw niya. Si Charlie naman ay seryosong nanonood. Mukhang interested naman siya. "Sa ngayon, basic movements lang muna ang gagawin natin. Huwag nating biglain ang mga katawan ninyo. Tuluy-tuloy lang natin ito hanggang sa mag-improve kayo," saad ni Kio. "Naiintindihan po namin," masigla kong sagot. "Game na game ako sa ganiyan." "Okay. Simulan na muna natin ang mga madadali." Inulit niya ang una niyang ginawa kanina. Ginaya naman namin iyon ni Charlie. Nakakatuwa na pareho kaming ganado ngayon. Mabilis namin nakukuha ang mga basic na itinuturo. Pagkatapos ng ilang minuto, si Charlie at Kio naman ang 1 on 1 sa training. Ngayon ko lang na-a-appreciate ang taglay na kagandahan ng katawan ni Kio dahil nakahubad na siya ng t-shirt. Napapaisip tuloy ako kung scholar ba siya sa school namin o ano. Parang ang ganda rin ng kutis ng kaniyang katawan. Taga saan kaya siya? Napaiwas ako ng tingin nang mapansin ko na kanina pa ako tumititig sa kaniya. Makakasama ko rin pala si Kio sa org na sasalihan ko. Nalaman ko rin na siya ang pinakamagaling doon, hindi si Rinniel. Nakuwento niya na siya rin ang nagtuturo kay Rinniel sa judo. "Game, Ms. CM," saad ni Kio. "CM na lang. Isipin mo na lang na kaibigan mo kami," natatawang sabi ko. Napakamot pa siya ng kaniyang ulo na para bang nahihiya. Kapag ganito ang itsura ko at hindi nagpapanggap na nerd, mataas na ang confidence ko kaya hindi ako basta-basta mahihiya sa harapan niya. Ginawa ko rin ang ginawa nila ni Charlie kanina. Kahit papaano ay nasaulo ko naman ang movements kahit nakatulala kanina. Mabilis kong nagawa ito at hindi man lang nahirapan sa akin si Kio. "Mukhang magaling ka sa mga ganito. Pwede kayong sumali sa judo org sa school natin," ika ni Kio. Bigla akong napangiwi. Paano ba ako magsisinungaling na hindi ako doon pumapasok? "Sad to say, sa ibang bansa pumapasok si CM. Umuwi lang siya rito para makapagpaturo ng self-defense para na rin marunong siyang lumaban kung kinakailangan. Every weekend ay uuwi siya para sa ganito," pagsisinungaling ni Charlie. Nakahinga ako nang maluwag. Salamat sa kapatid ko na lagi na lang akong pinagtatakpan. Lagi siyang nasa side ko kaya maswerte pa rin ako. "Ganoon ba? Sayang naman. Ikaw ba, Charlie? Tagal na kitang niyayakag e," saad ni Kio. Napataas ang kilay ko sa kanilang dalawa. Matagal na silang magkakilala? Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Charlie? Ngayon ay natatawa na naman siya sa itsura ko. "Alam mo na, busy rin kasi sa business. Si CM kasi ay laging busy kaya ako ngayon ang laging inuutusan ng mga magulang namin," sagot ni Charlie. "Teka, bakit kayo magkakilala?" gulat na tanong ko. "Pareho kami ng course ni Charlie. Ahead lang ako sa kaniya ng isang taon. Naging magkaklase kami ngayon sa isang minor subject kaya magkakilala na kami. Malaki nga pasasalamat ko dahil ako ang pinili niyang magtuturo sa inyo," sagot ni Kio. Ibig sabihin ay business management din ang course niya? Lalo tuloy akong naging curious sa kaniya. Hindi ko naman pwedeng itanong sa kaniya kung saan siya pumunta noong nakita ko siyang naglalakad. Natapos ang una naming training. Inabot din kami ng apat na oras kaya sobrang nakakapagod talaga. Ayos lang sa akin na matagal para mabilis akong makasali sa org nila. Twice a week naman ang training kaya mabilis na akong matututo. Sana sa loob ng isang buwan ay kaya ko na ring makasali at sapat na ang kaalaman ko. "Grabe, hindi mo man lang sinabi sa akin na talagang kakilala mo si Kio," reklamo ko kay Charlie. "Hindi ka naman nagtatanong. Kilala mo naman ako na hindi pala kuwento," sagot niya. "Bakit? Type mo ba? Mala-Rinniel din naman ang dating niya." Nakuha niya pa akong biruin sa lagay na iyan. Sumimangot ako sa kaniya. Akala niya naman ay lagi akong nakikipagbiruan. "Hindi ah!" depensa ko. Hindi ko naman talaga type si Kio. "Nakasabay ko kasi siya noong isang araw sa paglalakad. Kailangan ko tuloy tumigil para hindi niya malaman na mayaman ako o ano. Bigla siyang lumiko sa kanto kaya nagtataka ako. Anong mayroon doon at bakit siya naglalakad. Isa rin ba siya sa scholar ng school?" "Ah iyon ba? Hindi siya scholar pero matalino rin ang isang iyan. May business din naman sila kahit hindi kasing laki ng atin. Alam ko ay may store sila malapit sa school. Baka doon na nga iyon," sagot ni Charlie. Kung ganoon, gusto kong malaman kung saan mismo ang store nila para naman masuportahan ko sila. Kahit simpleng pagbili lang ay makatulong na rin sa kanila. "Anong klaseng business daw?" tanong ko pa. "Hindi ako sigurado kung tungkol ba sa mga energy drinks ang ginagawa nila. Kung gusto mo, yakagin natin siya na gumala minsan sa store nila," saad ni Charlie. "Magandang ideya iyan. Pwede siguro next week o sa mga susunod pa," excited na sabi ko. Seryosong nakatingin sa akin si Charlie. Ano na naman kaya ang iniisip ng kapatid ko? "Ano na naman problema mo?" tanong ko sa kaniya. "Kahit nga hindi ka na mag-ayos, okay na ang ganiyan mong itsura. Bakit mo pa kasi kailangan mag-make up na parang losyang?" sambit nu Charlie. Akala ko kung ano na naman. Itsura ko na naman pala ang pinupuna. Ngayon niya lang siguro nakita na nagpakilala ako bilang kapatid niya. "Hayaan mo na, Charlie. Masaya naman na ako sa pagiging nerd. Tsaka na ako mag-aayos pagka-graduate. Just give me time," saad ko. Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin siya. Ako naman ay nanood ng mga videos para dagdag kaalama. Sinusubukan kong gayahin ang mga napapanood ko. Magandang may alam na rin in advanced para hindi ako nahuhuli sa tinuturo. Grabe, enjoy na enjoy ko ito kahit nakakapagod. Ganito pala kapag gusto ang ginagawa, hindi na iindahin kung ano ang sakit at hirap na pinagdaraanan para ma-achieve ang gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD